65

29 0 0
                                    

A month had passed, Lauren can't help but to sobbed. Hindi niya aakalaing ang bilis lamang ng paglipas ng mga araw at isang buwan na simula ng nagbalik siya sa Pilipinas. At hindi niya aakalaing ganito kabilis ang lahat, tapos na ang Graduation ball ni Viron at naghahanda na ito sa bagong pasukan. Heinrich is already done to her papers too para sa paglipat nito ng University.

Everything is ready.

Her Brother Viron gave her an apologetic look while nodding his head. Lauren force herself not to cry but her tears are treacherous. Her tears flowed spontaneously from her eyes. Masakit man sa kaniyang kalooban ay pilit niyang ikinaway ang kaliwang kamay pabalik sa mga Kapatid. Mas lalo siyang napaiyak ng makita niyang humagulgol na ng iyak si Heinrich, inaalo ito ng Daddy nito at ganoon din ang ginawa ni Viron.

Kahit gusto niya itong lapitan ay hindi niya ginawa. Mas lalo lang siyang mahihirapan na tanggapin ang katotohanang aalis na ng bansa ang mga ito. It will be more difficult for her to accept the fact that they are leaving the country.

Ito na ang araw na pupunta na ng US ang mga ito at doon na maninirahan.

Tulad ng sinasabi niya ay hindi niya mapipigilan ang desisyon ni Mr. Raval para sa mga ito. At gaya rin ng sinabi niya ay tatanggapin niya kong ano man ang desisyon nito but she didn't think it would be this difficult.

Iniisip pa lamang ng Dalaga na hindi na sila magkakasama ay nasasaktan na siya. Siguro nasanay narin siyang may mga Kapatid. Because after all these years, hindi nawala ang mabuting pakikitungo nila sa isa't-isa.

"Hush now Girl..."Niyakap siya ni Helena."Everything will be fine.."

Tama, magiging ayos din ang lahat. Matatanggap rin niya na malayo na ang mga Kapatid niya sa kaniya. Hindi man sa ngayon pero darating din yun, besides. She can still contact them gaya ng napagsunduan nila ni Mr. Raval noong isang gabi.

Nakiyakap narin si Roxan sa kanilang dalawa. Sinamahan kasi siya ng mga ito sa paghatid sa mag-ama sa Airport. Si Manang Esmi ay hindi na sumama dahil baka raw ay maiyak pa siya dahil tulad niya ay napamahal din ito sa magkakapatid.

Hindi na niya nagawang kausapin pa ang mga ito ng dumating sila sa Airport dahil late na ang mga ito. Muntik ng hindi makaabot dahil natagalan silang umalis kanina sa Mansion. Naging emusyonal siya kanina, doon kasi natulog ang dalawa sa Mansion upang samahan siya sa huling pagkakataon. Kong hindi pa tumawag ang Daddy ng mga ito ay di nila malalamang tinatawag na sa board ang numero nila.

Si Helena narin ang nagmaneho pahatid sa Airport dahil sakto ring dumating ang mga Kaibigan niya bago paman sila makaalis.

"Bye Ate Lauren! We will miss you!!" Doon na siya napahagulgol ng marinig ang sigaw at pagkaway ni Heinrich sa kanila at ang pagtango ni Mr. Raval sa kaniya.

Hinilamos ng Dalaga ang mga palad sa mukha niya. Tinanaw niya ang mga ito hanggang sa tuluyan na ang mga ito na makapasok sa loob at mawala sa paningin niya.

"Ren naman, pinapaiyak mo naman kami..."Mahina siyang natawa dahil kay Roxan, ng ibaling niya ang tingin rito ay umiiyak nga ito.

"Mami-miss ko sil-"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng putulin iyon ni Helena sabay hila sa kaniya patungong sasakyan."You will surely miss them, kahit kami so hush now.."

Pinahiran niya ang mga luha niya.

Roxan spoke after."You need to accept the fact that they're not here anymore. And we'll know that Mr. Raval will take good care of his Son and Daughter. Hindi niya pababayaan ang mga Anak niya..."

Helena and Roxan is right. She will surely miss them, pero tama din ang mga Kaibigan niya. Naalala pa niya ang sinabi ng mga ito noon na hindi habang buhay siya ang kasama ng dalawa dahil nandiyan pa ang mga Magulang ng mga ito.

BEYOND LUSTWhere stories live. Discover now