4: First Meet🥀

2 0 0
                                    

Nagising na lang ako ng maramdaman kong masakit ang leeg ko. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko saka ginalaw, hahawakan ko sana ang leeg ko para masahiin ngunit di ko magalaw. Unti unti akong napadilat saka inilibot ang paningin. Isang malawak na kwarto. Pinaghalong black and gray ang kulay ng kwartong ito. Tanging ilaw at isang pintuan lang ang makikita. Nang igalaw ko muli ang mga kamay ko doon lang ako naptingin sa itsura ko. Nakatali ang mga kamay ko sa upuan ganun din ang dalawa kong paa. Tiningnan ko ang gilid ko at saka ko lang napansin ang apat.

"Lily, Iris, Daisy, Azalea! Gising!" pabulong kong sigaw sa kanila. Inuntog ko ang ulo ko sa ulo ni lily para magising ito at mukhang effective naman.

"A-aray" ani lily

"Wake them up" utos ko kay lorraine. Habang ginigising niya ang tatlo, pinipilit kong tanggalin ang tali. Kanina ko pa yata ginagawa to pero hanggang ngayon wala pa ring nangyayari, masyadong mahigpit ang pagkakatali.

"Ano ba to?!" naiinis na sabi ni Iris. Mukhang sinusubukan rin nila ang tanggalin ang tali, ganun din naman ako kanina pero nanakit na lang ang dalawa kong kamay wala pa ring nangyari kaya nanahimik na lang ako. May pumasok na isang lalaki at ito yung sumuntok sakin ng dalawang beses. Gago ka, kapal ng mukha mong magpakita sakin. Makawala lang ako sinasabi ko sayong itatarak ko talaga ang kutsilyo. Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa galit na nararamdaman ko.

"They're awake boss" Bigla nyang sabi na akala mo may kausap, saka ko lang napansin ang earpiece sa kanyang kaliwang tenga. Maya maya pa biglang may pumasok na anim na nagagwpuhang lalaki. Gwapo? Kailan pa ako pumuri ng isang lalaki? Napaismid na lang ako sa sarili ko.
They are wearing all a suit. Halos pare parehas ang tangkad pero ang naka agaw ng atensyon ko ay lalaking nakasalamin na nakatitig sakin. I feel like nakita ko na sya kung saan, pero di ko maalala. Nakipagtitigan ako sa kanya at pakiramdam ko hinihigop ako ng mga mata nya, bigla syang ngumisi. Ngising alam mong may gagawing masama, malademonyong ngisi na nagpataas ng mga balahibo ko. Nakaramdam ako ng takot para sa sarili ko at para na rin sa apat.

"What do you want?" wala kong emosyong pagtatanong. Kahit na nakakaramdam ako ng takot, dapat hindi ko iyon ipahalata. Mas matutuwa sila kung ipapakita kong takot kami. Binaling ko rin ang tingin ko sa iba pa niyang kasamahan dahil sa hindi ko na makayanan ang kanyang titig. Pinanghihinaan ako ng tuhod at alam kong hindi maganda yun. All of them have a dark aura na hindi mo gugustuhing lumapit. They all look dangerous.

"Untie them" utos ng nakasalamin na lalaki habang ang dalawang kamay ay nakalagay sa likuran nito.

Dali dali namang sinunod ng limang lalaking nasa likuran nila at isa isa kaming kinalagan. Napahawak na lang ako sa kaliwa kong kamay ng maramdaman kong mahapdi ito. Makikita mo rin ang marka ng mga tali dahil sa higpit ng pagkakatali samin.  Lumingon ako sa likuran para tingnan ang mga kasama ko.

"Ayos lang kayo?" tanong ko sa apat

"Y-yeah" nanginginig na ani Azalea. Kumapit sya kay lily para magpa alalay.

"What's wrong Azalea?" tanong ko sa kanya.

Napatingin ako sa taong sinulyapan nya at nakita ko ang isang lalaking walang emosyon at parang galit na nakatitig kay Azalea. They know each other? Napatingin ako kay Daisy na nakatingin sa lapag na akala mo interesadong interesado sa nakikita nya. Seryoso namang nakatingin si Iris sa limang kalalakihan.

"Where's the diamond ring?" napaharap ako bigla nang tanungin iyon ng lalaking nakasalamin. Seryoso syang nakatingin sa akin.

"I don't know" casual kong pagkakasabi sa kanya, sinamahan ko pa ng pagkibit ng balikat.

"Give me the diamond ring or else you won't like what we will do to you"

"Try me" nanghahamon kong sabi sa kanya. I saw amusement in his eyes. Biglang lumapit samin ang isang lalaki at ibinigay ang cellphone saka plinay ang video. Nakita ko si lolo at Aling Celing masayang nagkukwentuhan pero sa likod nila ay may mga sniper nang nakahanda.

HIS FAVORITE OBSESSION (EL CRIMSON #1) Where stories live. Discover now