Chapter 2

0 0 0
                                    

Plea's POV

Nakarating kami sa classroom ko at kakaibang tingin ang sinalubong sa akin ni Antoneth. Marahan akong lumingon kay Sean para kunin ang mga libro na nasa kanyang kamay.

"Thank you." masinsin kong sambit. Ngumiti siya sa akin at marahan na ginulo ang aking buhok dahilan para matigilan ako.

'Huy love languange ko 'yan'

Hindi ko na siya nilingon pa dahil sa pamumula ng aking pisngi. Pumasok na ako sa classroom at hindi pa ako nakakaupo ay kinurot na ni Antoneth ang aking braso.

"Hoy Plea ano 'yon? Bakit may pahatid?" nakangiting tanong ni Antoneth.

"Inalok ako e, sabi ihahatid ako dito. Noong una ay ayaw ko pero lalong lumalakas ang ulan so hindi na ako tumanggi." kibit balikat na sagot ko.

"Sus, baka iba na 'yan ha!" tukso ni Antoneth.

Natawa na lang ako sa kanya, hindi nagtagal ay dumating na ang subject teacher namin kaya kanya kanya na kaming umupo.

"Pst!" tawag ni Antoneth sa akin. Sumenyas pa ito ng dalawang daliri na tinuro sa kanyang mata bago sa akin. Umiling ako sa kanya bago humarap sa aming guro.

Nagsimula siyang mag discuss pero ang utak ko ay wala sa lesson na kanyang tinuturo. Nasaan ang utak ko? Lumilipad kaiisip sa ginawa kanina ni Sean. Ngumingiti sa kawalan na tila ba kinikilig.

"Ms. Aguinaldo, ngiti ka ng ngiti d'yan tapos mo na ba mga late activities mo sa akin?" halos mamura ko ang nasa harapan ko dahil doon pero hindi naman natuloy.

"A-ah opo, isa na lang po ang kulang." nahihiya kong sambit.

Inilapit niya sa akin ang kanyang palad dahilan para magtaka ako.

"Bakit po?" tanong ko.

"Give me your activities, ayaw mo bang macheck-an 'yan?" tanong niya sa akin. Agad naman akong tumawa para hindi mahalatang napapahiya.

"Syempre gusto po, tsaka para makabawi po ako sa inyo." mahina kong sagot sa kanya kahit na alam kong nasa amin ang buong atensyon ng mga kaklase ko.

"Hm, I heard na sumali ka raw ulit sa Short Film Making Contest? Kaya mo bang maging active sa lahat ng activities ko?" saan naman niya napulot ang balitang iyon, ni hindi pa nga yun alam ng adviser namin e.

"Opo." nakayuko kong sagot. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na siya magtanong, nagsimula siyang maglakad papunta sa unahan at isa isa kaming tiningnan.

"Naintindihan niyo ba, class?" biglang tanong ni Miss.

'Anong naintindihan ko bukod sa panenermon niya?'

Tapos na lahat ng klase ko, gaya ng nakasanayan namin ni Antoneth ay pumunta ako sa coffee shop malapit sa campus.

"Sunod na lang ako, you know may thing kami ni Harold." kindat sa akin ni Antoneth.

Alam na alam ko na ang bagay na sinasabi ni Antoneth, hindi naman sila palaging may ganon. Bakit ko alam? Syempre kasama ako ni Antoneth palagi kapag uwian, tsaka sinasabi niya rin sa akin.

"Basta susunod ka ah." tumango tango ito at tinanaw ko siyang papalayo. Nakita kong inakbayan siya ng kanyang nobyo kaya naman tumalikod na ako at lumabas ng campus.

"Good afternoon po. Welcome to Mac-n-cuf!" bati sa akin ng barista.

"Iced Coffee po?" tanong niya, regular customer na kami dito ni Antoneth kaya alam nila ang mga inoorder namin. Sinasabi rin naman namin kapag may nais kaming iba sa menu nila.

"Yes please, thank you." anas ko sabay kuha ng cash sa wallet.

"Dadalhin ko na lang po doon sa table niyo. Siya nga po pala nasaan si Ma'am Antoneth hindi niyo po yata kasama?" tanong niya kaya napatawa ako.

The Film I LovedWhere stories live. Discover now