KIDNAP Part 2 #ILYC 10

12 10 0
                                    

CRISSANTA DEL PILAR'S P.O.V

Pagkalabas ko ng pinto e natanaw ko na kaagad ang kotse ni jason, malamamg sa malamang kasama niya sina leraine dyan.

Bago ako lumabas sa eh tumingin ako sa bintana at bahahyang ikinaway ang kanang kamay ko dahil sigurado akong nakasilip si alfonso do'n habang iniisip kung sino ang sumusundo sa'kin o lalako ba siya.

Alam ko naman na hindi okay sa kaniya tong pag labas ko ng gabi e, hinihintay ko lang na pagbawalan niya'ko, alam ko din na patago siyang nagseselos  pag may iba akong kasama o kausap, ewan ko ngalang kung bakit di niya yon sinasabi, siguro ayaw niyang isipin ko na wala siyang tiwala sa'kin.

"Santa!"
Tawag ni jason sa'kin habang nakasilip mula sa loob ng kotse.

Dahan-dahan akong naglakad palabas ng gate, bago ako tuluyang makapasok sa kotse ay lumingon ako uli sa may bintana at kinaway muli ang kamay ko habang nakangiti.

Hayysss alfonso nga naman....

Naramdaman kong nag umpisa nang umandar ang sasakyan, nagtaka ako kung bakit wala sila shawn dito.

"Auhhh, jason, bakit di mo kasama sina shawn?kala ko ba sasama sila?"
Takang tanong ko.

"Relax santa nauna na daw sila sa bahay"
Sabi niya at lumingon sakin na naka ngiti.

Pagka dating namin sa bahay nila e agad ko namang nakita ang apat na nakatayo sa tapat ng pinto na malamang ay kami ang hinihintay.

"Santa, jason!"
Sigaw ni trixie kaya lumapit kami sa kanila.

"Shit! Ang ganda mo santa, sino nag ayos sa'yo? Dika naman marunong mag make up a"
Tanong ni shawn

"Ah-eh tinulungan ako ni alfonso hehe"
Tinulungan guluhin yung make up ko.

"Sino ba naman mag aakalang ang matchong kagaya ni alfonso e marunong palang ayusan ang isang babae" manghang-manghang  saad ni shawn "pero di ka ba nagtataka? What if bading yang shota mo, akin nalang siya kung ganon" biro niya

"Ulol"
Sabi ko.

"Pasok na tayo"
Pag-aaya ni jason.

Nauna silang lahat habang kami naman ni kaylene na kanina pa tahimik e nasa likuran lang.

"Uhmmm—santa, sure ka bang okay na kayo ni jason?"
Tanong niya.

"Oo naman—bat mo naman na tanong yan?"

"Kasi ano"
Nakayuko niyang sabi, ano kayang problema?

"Kasi ano kaylene?"

"Kasi parang iba eh, parang kinakabahan ako sa inaasta ni jason, feel ko may feelings parin siya para sa'yo"

"Anong parang iba?ano kinakabahan? Anong feelings? Diko maintindihan kaylene"
Sunod-sunod kong tanong.

"Kasi, tuwing napag-uusapan natin si alfonso sa harap niya eh nag-iiba yung expression niya, saka iba yung tingin niya sa'yo"
Nag-aalala niyang saad, di'ko talaga maintindihan.

"A-anong klaseng tingin?"

"Diko alam kung ako lang ba sa'ting lima ang naka pansin pero yung tingin niya kasi sa'yo" sabi niya habang naka yuko "di kasi bilang kaibigan ang nakikita ko sa paraan niya ng pag tingin sa'yo kundi pagnanasa" dagdag niya pa

I LOVE YOU CRISSANTAWhere stories live. Discover now