2 : NEVER TRUST AGAIN.

5 1 0
                                    

2
‘Never Trust AGAIN’.

Today is Sunday, nag aya sina Solace na mag over night sa bahay nina Thea. Madami raw kasing food doon.

asuncionamorsol@gmail.com :
Sunduin ka riyan ni Joaqs.

RenanJoaquin22@gmail.com :
Oo labas ka agad.

TheaLuna0@gmail.com :
Ikaw Ally?

Martinezallyssa1@gmail.com :
Papahatid ako kay Lauremce.

nievafayezei@gmail.com :
Eh ikaw Sol?
Nakila Thea kana?

TheaLuna0@gmail.com :
Kanina pa yan nandito si Sol.

RenanJoaquin22@gmail.com :
Hala, ginagawa niya diyan?

asuncionamorsol@gmail.com :
Basta.

RenanJoaquin22@gmail.com :
Hindi na ako maliligo.

nievafayezei@gmail.com :
Baliw.

Martinezallyssa1@gmail.com :
Dugyot.

TheaLuna0@gmail.com :
Iw.
Wag kang tumabi saakin.

RenanJoaquin22@gmail.com :
Aarte niyo.

***

Nag sinungaling kami, lahat kami ay nandito na maliban kay Zeilliana.

"Nasa lugar nga siya kung saan tayo tumatambay noong high school" sabi ni Ally.

"Wala ba siyang sinasabi sa'yo?" tanong ko kay Thea.

Kung may pag sasabihan si Zei, kay Thea yun. Hindi ko magawang mag tiwala.

Tumango ako sa sinabi niya at saka nag isip ulit kami ng posibleng dahilan.

"Baka nga kasi may kinikita lang siya na lalaki" sabi ni Joaqs.

"Kausapin kaya natin si Mavis?" tanong ko sakanila.

"I think wag na, baka mag sabi yun Kay Zei. Alam mo naman yun" sabi ni Joaqs.

"Oo nga" pag sang-ayon ni Thea kay Joaqs.

"About sa pagkikita, subukan niyo kayang tanongin si Tj?" kunot noong sabi ko sakanila.

"Oo nga" ani Ally.

"Eh sino namang mag tatanong?" saad ni Thea.

"Si Zei, sila close" sabi naman ni Joaqs.

"Shunga" sabi ko rito at saka binatukan siya.

"Ay oo nga pala" aniya habang tuma-tawa.

"So anong plano natin" Thea.

"Mamaya chismisan tayo, tapos i-punta niyo sa topic yun" sabi ko.

"Sige sige" sabi ni Ally at saka uminom ng juice na galing sa refrigerator nila Thea.

~~•~~

"Hello guys" sabi ni Zei na papasok sa bahay nina Thea.

"Gusto mo?" tanong ni Ally kay Zei habang naka abot ang lalagyanan ng stick-o, dala ko.

"Hahaha kain is life" sabi ni Zei at saka kumuha siya roon.

Medjo iba ang presensya niya ngayon, hindi ko pinahalatang masama ang kutob ko sa kilos niya. Kahit mahirap, pinilit ko paring ngumiti sakaniya.

When TWO become ONE.Where stories live. Discover now