chapter 12

82 1 2
                                    

~~~~

Nagising nalang ako nang parang ang ingay sa may baba kaya tinignan ko kung anong oras na umaga na pala. Kaya bumaba na muna ako para tignan kung ano yung ingay na 'yon pagka kita ko ay nakita ko si eli at naya sa kusina na nag luluto habang nagku kwentuhan.

"Ay gising na pala ang mahal na hari, good morning po mahal na hari" natatawang sabi ni naya, kaya tinaasan ko lang siya nang kilay siya pala yung maingay yung bunganga niya rinig na rinig hanggang kwarto ko.

"Good morning.."

"Good morning felix." Nginitian ako ni elizabeth kaya nginitian ko rin siya.

Lumapit sa'kin si eli at nilagay sa gilid ko yung iinumin kong gamot. "Pag tapos mong kumain uminom ka na nang gamot mo malapit naman na tong matapos yung niluluto namin ni naya." Tumango nalang ako kay eli at sinilip kung ano yung niluluto nila adobo pala 'yon.

"Huy felix alam moba si eli yung naging tutor natin noon nung college tayong dalawa nagulat nga ako nung kinuwento niya sa'kin. Hindi ko man lang siya na mukhaan kung hindi pa niya iku kwento!" halos magulat naman ako sa sinabi ni naya at napatingin kay eli na nakangiti lang.

Si elizabeth yung tutor ko noon nung college pa ako? Siya nga yung tutor ko. "I-ikaw 'yon elizabeth?"

"Oo ako yung tutor niyong dalawa nung college kayo nakalimutan mona ata felix. Ngayon ko lang din naalala kahit ako nakalimutan ko.." sabi ni eli. Nakalimutan kona talaga wala talaga akong maalala nung mga nangyari sa'kin nung past ko.

"Ah oo nakalimutan kona, sorry.."

"Oo elizabeth mabilis maka limot 'yan si felix tamo hindi niya matandaan hahaha pero nurse kana pala ngayon noh? Ilan taon ka nang nurse?" Tanong pa ni naya kay elizabeth.

"Ah one year palang naman ikaw ilang taon kanang lawyer? Hindi nag bago yung itsura mo simula dati pa maganda kana dati pa." Nakangiting sabi ni eli kay naya.

"Isang taon palang akong lawyer, ano kaba elizabeth maganda ka rin dati kaya nga ay pinag aagawan ka nang ibang section kasi magaling ka mag tutor pero kami pinili mo ni felix non hahaha" natatawang sabi ni naya, habang hinahalo yung pinapa kulo nilang adobo.

"Naalala mopa 'yon kaya lang naman kayo inuna ko non kasi nag bigay ka sa'kin nang chocolates non hahaha" natatawa ring sabi ni eli kay naya.

"Hays oo nga pala pero nahihiya parin ako kasi ginagawa ko 'yon, pero kain na tayo luto na 'to mamaya na tayo mag kwentuhan." Sabi ni naya at pinatay na yung kalan.

Sabay na kaming tatlo kumain habang kumakain kaming tatlo ay nagku kwentuhan parin si naya at eli, habang ako nakikinig lang sakanilang dalawa pero minsan nag sasalita rin. Nagku kwento kasi si naya yung tungkol nung college kami.

Same school pala kami ni eli nag aral nang college noon pero hindi kopa rin matandaan ewan koba bakit hindi ko matandaan. Si eli pala talaga yung tutor ko nung college hindi ko lang talaga matandaan.

Pag tapos naming kumain ay ako na ang nag hugas nang pinggan sila na kasi yung nag luto kaya ako na ang mag huhugas. "Uy felix uwi na ako ah nandiyan na sina mommy, thankyou nga pala eli sa pag tulong mag luto sa'kin nang adobo kahit medyo hindi perfect nice to meet you ulit." Lumapit si naya kay eli para yumakap.

"Nice to meet you rin naya, ingat ka sa pag uwi mo." Nakangiting sabi ni eli kay naya.

"Hoy bye na felix thanks sa pag papatuloy sa'kin." Bakit parang galit pa siya? Hindi man lang maayos yung pagka sabi niya siya na nga pina tulog ko dito eh.

"Bye." Sabi ko.

"Kapag gusto mo akong puntahan eli malapit lang bahay namin kina felix tuturo niya nalang sa'yo, baka kasi ma miss mo ako ka-kwentuhan hehehe" sabi pa ni naya kay eli kaya tumango nalang si eli habang nakangiti sakanya.

THE NIGHT WITH PSYCHOPATH (ON GOING)Where stories live. Discover now