Chapter 1: Seven

1.9K 11 6
                                    




Zeke's Point of View






Napabalikwas ako ng bangon dahilan para mahulog ako sa higaan ko. Buti na lang sa carpet ako bumagsak.








Teka... Wala namang carpet sa orphanage, ah? Tsaka wala naman akong malambot na kama sa orphanage. And most of all, this is not THE orphanage!








Pano ako napadpad dito?








Iginala ko ang paningin ko at napansin ko ang isang hindi pamilyar na lugar. It feels surreal dahil sa mga movies ko lang 'to nakikita! Wala akong nakitang tao pero sa itsura ng kwarto ay parang merong nakatira.








You will be amazed by the design of the room dahil sa gitna nito ay may naka-float na isang wooden chandelier na parang inverted white autumn tree na napapalibutan ng sparkling white lights. Parang yung pixie dust ni Tinkerbell ang nagpapalutang sa chandelier, nga lang, white pixies.








I looked around and found out na nasa second floor pala ako dahil may nakita akong hanging staircase. Hugis pentagon ang kwarto at sa every side ng pentagon nakapwesto ang iba't ibang kulay ng mga kama. The floor is well carpeted with like an animal skin design as well the wall. Ang ganda niyang tingnan kasi nagcocompliment ang kulay ng carpet sa wall!








Yung kama ko ay kulay matte gold at may naka-engrave na number 7 sa headboard. Teka... I think this design is familiar.








My bag! I need my bag! Hinanap ko sa kama ang bag ko pero hindi ko makita!








Papunta na sana ako sa kulay silver na kama upang hanapin ang bag ko nang biglang...








"Aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!"








I didn't saw this one coming! Ni hindi ko nga napansin na may slide sa dinaanan ko! Tiningala ko ang pinanggalinggan ko at biglang naglaho yung slide! Am I hallucinating? Hindi naman ako nagda-drugs ah? Why am I seeing things?








Napadpad ako sa first floor ng kwarto. Namangha ako dahil hindi ko akalain na may ganito pala sa baba. Kung pentagon ang hugis ng second floor, ang first floor naman ay pabilog. From upstairs, ang tanging makikita mo lang ay ang chandelier sa gitna dahil nasasakop na nun ang free space na mag-aallow sayo to see what's below. Hindi pa nga ako halos nakakamove-on sa mismong taas, eto naman ngayon!








Malayong malayo ito sa orphanage. Sa orphanage, sobrang simple ng mga bagay. Puting pintura, kinakalawang na double deck, simpleng mga lamesa at upuan. I've never been this excited in my whole fourteen years of existence. Eto na ba yung matagal ko nang hinihiling? Whatever the reason kung bakit ako nandito ngayon? Wala na akong pakialam. Ang importante sakin ngayon ay nandito na ako. At hinding hindi ko na gugustuhing bumalik.











Naglakad lakad ako sa baba at nakita ko ang bag ko sa center table. Patakbo akong pumunta doon. Binuksan ko agad at kinuha ko ang locket ko. Patakbo ulit akong pumunta naman sa staircase para balikan ang kama kung saan ako nagising at nagulat ako nang biglang gumalaw ang staircase. Parang naging elevator! Mamaya talaga ay lilibutin ko 'to!








Pinagkumpara ko ang locket ko sa design ng kama at nagulat ako nang bigla itong umilaw.








"Seven has arrived."








Nagulat ako dahil biglang may nagsalita sa speaker. Seven? Sinong seven? Yung locket o yung kama? Bababa na sana ulit ako nang biglang bumukas ang double doors?! Kelan pa nagkaron ng double doors dito sa second floor? Wala naman akong napansing ganun kanina. Kakaiba talaga ang lugar na ito. Mas lalo akong na-eexcite.








Pumasok ang dalawang babae at tatlong lalaki. Yung dalawang lalaki at babae ay naka-uniform ng hindi ko kilalang school at parang we're of the same age samantalang yung isang lalaki naman ay isang middle aged man na naka-coat and tie attire.








"Welcome, Mr. Seven. I'm Mr.Go. And they are One, Three, Five and Nine." Sabi niya habang habang itinuturo isa-isa ang mga kasama. Isang lalaking may berdeng buhok at nakasalamin. Mukhang suplado. Isang lalaking may dilaw na buhok. Naughty type. Isang batang babae? Mukhang 12 years old. At isang babaeng may kulay violet na buhok. Mukhang seryosong tao. Nakatingin silang lahat sakin na parang naghihintay ng sasabihin ko. Eh wala naman akong masabi kaya nagsalita na lang ulit yung Mr. Go.








"I know you're confused kung bakit ka naririto at kung papaano ka nakarating dito. I will discuss everything to you later in my office after the catching-up that you and your teammates will do. So pano guys, maiwan ko na muna kayo! May aasikasuhin pa ako sa battlegrounds. See you, Seven!"








And with that ay naglaho na lang bigla si Mr. Go at naiwan akong kasama ang apat.








Teammates? Battlegrounds? Seven? One? Three? Five? Nine? Magic? Naglalahong tao? Anong nangyayari? Kelan pa naging Seven ang pangalan ko? I am Zeke! May connection kaya ang locket ko kung bakit ako napadpad dito? I am confused! I can't understand a thing!

Synkrotima AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon