Chapter 2: Nine

1.4K 3 2
                                    




Lucky's Point of View


One week na ako rito sa Synkrotima Academy or Synk as what they call it. Isa itong Academy kung saan hinuhubog ang mga mapipiling students ayon sa kanilang kakayahan at specializations.  Sabi ni Mr. Go, ang School Master namin, lahat daw ng mga students dito ay ambidextrous. Meaning, you are capable of using your left brain and your right brain. You excel in everything, yun nga lang, medyo nagkulang sa brain power. Hindi naman sa mahina ang ulo pero our IQ is lower than of the normal people.


After 1 month of lessons, training sessions and tests  ay papasok kami sa isang sorting cubicle para malaman namin ang aming specialization. By the way, I belong to Stygian Shelter.


Merong ten shelters sa academy at every shelter ay merong 5 members. Dahil nasa battlegrounds na yung dating members ng mga shelter, kinukumpleto na ang kada shelter gamit si Chinkee, ang red firefly na nakakadetect ng locket ng favorites. Favorites ang tawag sa mga "chosen one". Yung mga pinili na makapag-aral dito sa Synk. Kapag may locket ka, ibig sabihin, talents ang parents mo. Kagaya ni Seven, ang kumumpleto sa shelter, nagising na lang din ako na nasa isang kama na kakulay ng silver locket ko na may naka-engrave na number 9. Sabi ni Mr. Go, kung anong number daw ang naka-engrave sa locket ay yun daw ang magiging codename namin dito sa Synk. I was named Nine. Since I got some crazy teammates here, they insist to call me Lucky.


Mapupunta ka lang sa battlegrounds kapag nalampasan ng shelter niyo ang mga mission na ibibigay ng Seniors. Mga favorites din sila na nakatapos ng mission at nakatungtong sa battlegrounds. After mo kasi makatungtong sa battlegrounds ay may next stage pa. Talents na ang tawag kapag nasa battlegrounds ka na. At sa battlegrounds ay may mga missions ka ring kailangang malampasan para matawag kang Senior. Ang mga Senior ay ang mga namumuno sa Synkrotima Academy at Synkrotima Castle. Mr. Go is one of them.


Favorites (Synk) > Talents (battlegrounds) > Seniors (Castle)


Binilinan kami ni Mr Go. na tulungan daw namin tong si Seven para ma-familarize siya rito sa Synk. Been there, done that. Ganyan din ako nung una eh. Hindi makapaniwala at naguguluhan.





"So Seven...a---"—Three. We call her Tats by the way.


"I am Zeke. Hindi ko alam kung bakit kanina nyo pa ako tinatawag na Seven." Sev—err Zeke. Ang suplado. Tch.


"Okay. So Zeke, wala kami sa position to tell you everything. Ang order lang sa amin ay bigyan ka ng brief discussion tungkol dito sa academy at to help you familiarize things about our shelter. So shall we start?" Sabi ko at nakabusangot pa rin sya hanggang ngayon. Tch. Mukhang mahihirapan ako sa isang to ah.


"Wait, what? Shelter? Academy?" Sabi ni Seven habang nakakunot pa rin ang noo. Easy ka lang kasi. Tch!!


Si Uno at Five naman ay nagpaalam na kanina dahil inaantok na daw sila. Sa tatlong araw na pagsana ko sa kanila... Ganun. Sila. Palagi. Sleepyheads.


"Seven. Do you have your locket with you?"


"I told you I am Zeke. I am not Seven. But here." Sabi ni Seven sabay abot ng locket niya sa akin.


"Uhm Lucky!! Punta muna ako sa kitchen saglit ah. Ako na lang magtotour kay Seven after ng briefing mo. Hihihi!" Sabi ni Tats sabay takbo sa kusina. Tss. Hindi ko na lang pinansin at tinuloy ko na ang pagbibigay ng briefing kay Seven.


"So this locket means that your parents are either talents or seniors. Ibig sabihin, nasa battlegrounds na sila ngayon o kaya ay Seniors na sila." Panimula ko. Kunot pa rin ang noo niya at naiintindihan ko yon. Ganyang ganyan din kasi ako nung una. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagdidiscuss sa kanya. "So going back, your parents are either talents or seniors. You are a favorite. To make the story short, nagsisimula ang lahat dito sa Synkrotima Academy. You inherited a special skill from your parents kaya ka nandito. You are here in the academy para i-enhance at i-master ang iyong skill. In what times? During missions and through practice. So going back to the academy, may sampung shelter dito sa Synk. We belong to Stygian Shelter. Every shelter is consisting of five favorites with different skills, grouped together according to their compatibility. So tayo ang tulong tulong na gagawa ng mga mission. Pag natapos na natin ang mga mission ay magiging talents na tayo at makakapunta na tayo sa battlegrounds where more advanced missions awaits. Pagkatapos mong malampasan ang missions sa battlegrounds ay magiging senior ka na. The final stage. The stage to enjoy and the stage to rule the new generation of favorites."


"Missions? What missions?"


"Missions are coming from the seniors. We'll know when we get there. As of now, yan pa lang ang alam ko. Mamaya ay kakausapin nga pala tayo ni Mr. Go para maliwanagan pa tayo siguro."


"Nga pala. Bakit ba Seven ang tinatawag niyo sakin kanina? Kahit ilang ulit kong sabihin na Zeke ang pangalan ko, Seven kayo ng Seven."


"Oo nga pala. I almost forgot. Sabi ni Mr. Go, kung anong number daw ang naka-engrave sa mga locket natin ay yun ang magiging code name natin dito sa academy. So I am Nine, and you are Seven."


"Tss. Weird code names." The heck?! Napaka-inarte.


"By the way, ambidextrous ka?"


"Oo. Pano mo nalaman?!"


"I am, too. Lahat tayong nag-aaral dito ay ambidextrous. Bukod sa pagiging ambidextrous ay kasama non ang special ability na malalaman natin after 1 month of training and tests. Nga pala, before tayo ipadala sa mga missions, we will undergo a month of lessons, training and tests. Parang nasa normal na school lang. May lectures and such. Yun palang din ang alam ko. Yun yata ang dahilan kung bakit tayo imimeet ni Mr. Go mamaya. Para i-discuss ang magiging takbo ng klase natin. Yan na lang muna siguro ang sa ngayon. Uhm want Three to show you around? Or you want to rest?"


"No I'm fine. Gusto kong maglibot."


Biglang na-excite ang mga mata ni Seven. I know that feeling. I am "that" excited too.


"Three!! Three! Tats! Come here! Time to tour Seven!"


"Comirrrrng!" Sigaw ni Tats mula sa kusina at patakbong pumunta samin habang punung puno pa ng pagkain ang bibig. **face palm**


***

T E R M S :

shelter - tawag sa house ng mga team (ex. Stygian Shelter)

Synkrotima Academy - place where favorites are sheltered

Synkrotima Castle - you'll find out soon

favorites - tawag sa first stage ng pagiging chosen one

talents - tawag sa second stage ng pagiging chosen one

seniors - final stage ng pagiging chosen one

battlegrounds - place where talents are sheltered

Synk - short term for Synkrotima Academy

Synkrotima AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon