Kutob

81 2 0
                                    

Kutob

I don't know what is this that I'm about to tell Kaya "kutob" nalang title. Hindi ako nakakakita ng mga entities kundi mga anino lang pero malakas Ang pakiramdam ko Lalo sa bulong. But this one is different from entity stories.

1. Years back, The day before my Lolo past away whom I am very closed with birthday Naman ng Lola ng bf ko so punta kami Ng Pampanga to attend.it is supposedly a happy event pero Ako mabigat Ang pakiramdam sobrang lungkot na maiiyak. Malakas din kabog ng dibdib ko na Hindi ako mapakali. Nung nandito na kami ulit sa manila I received a call from tita "Wala na si papa mo kalmahin mo lang sarili mo dyan." Gusto Kong umuwi ng province pero nagpakita sa akin si papa nakangiti, maaliwalas pero Hindi nagsasalita pero may echo ako naririnig na "wag na ok Naman ako".pinaframe ko nalang Yung picture nya at Yun nilagay sa kabaong nya.

2. Different year Naman ito. About mga 11 ng gabi again Hindi ako mapakali feeling ko kailngan ko maligo kasi lalabas ako pero I don't know Basta feeling ko lalabas ako. So naligo nako and then gayak ng sarili. After a few minutes tumawag kapatid ko kailangan ko daw samahan sya dahil Yung pamangkin ko kinagat ng daga Yung kamay namamaga na need nang ihospital esp para sa rabbies. Galit na galit ako sa kapatid ko kasi bakit Hindi sinabi agad mas ako yung nagpanic kesa sa kapatid ko as if Ako Yung nanay.

3.before my tito died (asawa ng tita ko) nanaginip ako ng puro tubig na Hindi malinaw na parang malawak na ilog parang nandun Ako mismo na nafefeel ko Yung tubig na may halong lupa something like that tapos Yung weather medyo gloomy. Days after nabalitaan Namin nawawala si Tito at baka nalunod nga nung tumawid ng ilog na lasing at days pa Bago sya nakita. Hindi ko nalang sya nakwento kasi baka nagkataon lang.

4.bago Naman mamatay tita ko( asawa ng nalunod) may nararamdaman ako na something is off na Hindi magtatagal mamamatay na din si tita. Pakiramdam ko? Hindi ako makahinga. Kinakapos hininga ko sfter ilang days kinakabitan na pala si tita ng oxygen inuwi nalang sa bahay. At dun na sya namatay.

5. This year lang, namatay asawa ng Tito ko nafeel ko din Yun na hindi na sya magtatagal but I was not able to attend the wake kasi sinusumpong ako ng endometriosis ko. But when I talked to my cousin after ng lining chikahan lang. Sabi ko "ate feel ko may mamamatay na kasunod si tita Hindi matatapos Ang taon babae na closed sa atin".
After ilang months my cousin died. Ate nung kausap Kong pinsan.

6. May kakilala ako na kasamaan ng loob. Puro sya cursed sa akin puro dasal na Sana ganito mangyari sa akin magkasakit etc.pero Ako? never did I hold grudges against her. I learned my lessons very well sa pagaasam ng masama sa kapwa. What happened is that all of her ill wishes ay sa kanya nangyari until namatay sya. Pero nakaramdam ako ng meron pang susunod sa kanya at Yun ay Ang tatay nya. Wala pang 2weeks namatay nga Ang tatay nya.

7. Bago namatay Ang father ng bf ko nakikita ko na nasa kabaong Siya nakahiga. At kaya Naman sinabihan ko na agad Ang bf ko na sakaling mawala parents nya kalmahin nya naalng sarili nya kasi lahat Naman Tayo maWawala etc. At namatay na nga. At because medyo may sakit Ako Hindi ko SYA nakita sa wake at libing nya Ewan baka Kaya nakita ko na sya agad na nasa kabaong na.

These are some of my mind boggling premonitions or I don't know. Kaya minsan ayaw ko na makiramdam. Oo nga pala medyo may natutunan din akong "bulong" pero Hindi ko na sya ginagamit. Effective pero feeling ko nakakaubos ng energy ko.
I just want to share something. Hindi ko na din kasi alam kung manghuhula ba ko o nagkataon lang lahat.
#ltapreal



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now