Ang Aking Kaibigan..bow

727 24 8
                                    

[2: Ang Aking Kaibigan..bow]

Friendship is born at that moment when one person says to another: "What! You too? I thought I was the only one!"

- C.S. Lewis

Naniniwala akong may iba't ibang uri ng mga kaibigan..

The Bad Influence..

Friendly akong tao..di lang talaga halata dahil maraming natatakot sa personality ko. Truth speaking, maraming ayaw sa akin dahil kesyo daw mukha akong masungit at isnabera. Tama sila sa pagsabing masungit ako, aminado naman ako doon..pero ang isnabera? Nahhh..hindi no. Malamang sa malamang nahihiya lang ako sa'yo.

Noong nag-shift ako nang course nung college, wala talaga akong kakilala..medyo nag alangan pa ako noon dahil wala talaga akong kilala, para akong nagstart totally from scratch. Sino dapat kong kausapin? Sino unang tatabi sa'kin? Kanino ako pwedeng sumama sa lunch?

10:30am ang unang subject namin noon, pagdating ko sa classroom..

SHEEEET.

New faces.

Inhale..

Exhale..

Pasok!

Upo agad ako sa chair na malapit sa pinto para makita ko kaagad kung sino yung papasok..pasimpleng nananalangin na maghulog sana si papa God kahit isang acquaintance lang.

Eh wala.

Mas nagpanic ako nang unti unti ng lumalakas ang ingay sa classroom. Paglingon ko--megahhhd nag-uusap usap na sila. Tapos wala paring tumatabi sa akin. Pero bago mag umpisa ang klase..nakasilip ako bigla ng pag-asa. Dumating sina (Ilalagay ko na totoo nilang pangalan..di naman mahilig magbasa yung mga yun eh..hehe) Anthony, Irish, Frezy, at Mich..naging classmate ko sila sa isang accountancy subject noong first year, pero di kami masyadong close since galing din sila noon sa ibang section.

Group na group lang ang dating nila, si Anthony ang leader--oh diba, kumbaga sa power rangers, siya si Jason (si power ranger RED), si Irish naman ang prinsesa..chos, ang bakla sa grupo, si Frezy ang sweet, at si Mich ang mataray. Instant authority ang peg nilang apat, may attitude kasi.

Nung nakita nila ako..gusto kong maiyak sa tuwa dahil sila lang talaga ang kilala ko. So ayun, nadikit na ako sa kanila. Wala akong masyadong nakakausap sa iba pa naming blockmates. Para kasing narestrain ako within the limits of the group lang. Naelect pa kaming officers ng batch namin noong sem na yun. Unti unti pinakita ko narin sa classmates ko kung sino talaga ako..

Madaldal ako.

Makulit.

Pasaway.

Palangiti.

Maingay.

at Prangka.

Mas lalong natakot sa amin noon yung mga classmates namin.

Na-B.I. ako sa kanila.

Sila nagturo sa aking gumimik--bar hopping sa Timog..Tomas Morato..Ortigas..tapos uuwi ng madaling araw na lasing.

Sila nagturo sa aking uminom..

Pumasok ng tipsy..

Magyosi..

The Guy bestfriend

Sa pagiging prangka ko..doon ko nakilala yung naging guy bestfriend ko noong college--si Patrick.

Ano una kong nakita sa kanya?

Malamya, sabi ko sa sarili ko masyado syang malambot para sa isang lalaki? Sayang naman ang itsura niya.

Usapang KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon