Chapter 2(Surviving)

10 8 2
                                    

Dahan- dahan akong naglakad upang titingnan ko kung ligtas pa ba dito at walang masamang mangyayari kapag makatakas kami ng mga kaibigan ko...

Meriana: grabi nato Lord tulungan niyo po kaming makatakas *naiiyak na*

*After 10 minutes*

May nakita akong isang nakakatawang mukha na killer na parang gusto ko siyang tripan kaso natatakot ako baka mamatay ako ng maaga.. hayhays grabi hindi ko na alam anong nangyayari sa mundo o sa lugar lang namin toh. Kaya pumunta ako sa ibang direksyon para hindi ako mapansin ng mga killers nato dali dali akong tumakbo at hindi inaasahang nakabangga ako na may dalang kutsilyo.

Killer 1: oy may buhay pa pala akala ko namatay na kayong lahat sa loob dito ng mall pwes hindi na kita patagaling mabuhay pa dito! HWAHAHAHAHAHA!!

Meriana: sigurado kabang mapapatay mo ko ngayon baka hindi mo alam na ikaw na pala yung unang matumba sa ating dalawa *nangangaba*

Siya ay papalapit sa akin at tinutokan ako nang kutsilyo ako ay hinid makagalaw dahil sa takot at kaba ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko sa kaba dahil ito yung una kung nakita na may tumutok ng kutsilyo sa harapan ng mga mata ko.

Killer 1: oh bakit napapatulala ka? Wala kang pang laban noh? HAHAHA kawawa ka naman walang magliligtas sayo dito sayang babae ka naman

Killer 2: wag mo yang patayin gawin natin yang alipin baka matutuwa pa si boss niyan HAHAHAAHAHA

Killer 1: ay oo, great idea HAHAHAHA

Nagtatawanan sila sa harapan ko kaya kailangan kung kalmahin yung sarili ko.... May ililigtas pa ako! Sa hinid inaasahang may nakita akong stick na dos por dos at pagkakataon ko na itong makuha habang nagtatawanan tung dalawang toh.

Tumayo na ako at dali- daling kinuha yung stick na nakikita ko at handa na ako sa digmaan na nasa harapan ko parang may own movie ako nito ah HAHAHAHAHAHA kaya humanda sila sa akin.

Killer 1: aba! Naka chamba ka ngayon ah nalimutan kong kunin yang stick nayan pwes wala na akong pake papatayin ka na namin! Hindi ka namin palabasin ng buhay dito dahil isa ito sa mga misyon namin na patayin ang mga tao sa loob ng mall! Pera ang habol namin dito!! HAHAHAHA

Killer 2: gusto mo pala patayan ha!

Meriana: ganyan na ba kayo ka desperado? Papatay nang tao upang magkapera? Marami namang paraan para maka pag ipon kayo ng pera o mag kakapera kayo? Bakit pinili niyo patong trabaho nato??!! Tingnan niyo sa paligid niyo! Wala silang kamalay-malay kung ano na ang nangyari namatay nalang silang lahat dahil sa kagagawan niyong pagpatay niyo sa kanila.... Wala ba kayong konsensiya? Ha?!

Killer 1: anong pinagsasabi mo? Wala kaming narinig AHAHAHAHA bakit makokonsensya kami sa kanila? Mag kakapera ba kami? Hindi na namin kailangan ng advice mo bata kung gusto namin toh wag mo kaming pigilan!

Killer2: wow ano ka? Nanay namin? Para pakinggan ka? Sorry pero kailangan gawin namin tong trabaho namin!

Sinugod nanila ako at inataki ako kaya nakailag akong dali-dali

Killer 1: wow nakailag sa secret attack ko parang skilled ka na ata ah hindi ka muna namin  papahirapan ngayon dahil isa kang bata HAHAHAHAHAHA

Meriana's thought: grabi ang lakas nila hindi ko namalayan na umataki na pala sila kailangan ko mag iingat sa mga galaw nila buti naka ilag ako ng madali. Kailangan ko ng maka takas dito *kinabahan*

Killer 2: ayay, galing mo ah hindi kami basta basta maka ataki sayo dahil may lakas loob kang makailag. Sino ba nag turo sayo ha! HAHAHAHAHA pwes pahihirapan natin toh

Sabay silang umataki sa akin dala nila ang mga kutsilyo nila kaya nasugatan ako ng kunti dahil sa mga mabibilis nilang mga ataki... May naramdaman akong nanghihina ako at hindi ko masyado makita yung mga kalaban ko.

Justice Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon