PROLOGUE

14.7K 264 3
                                    

This story is work of fiction. The events describe are imaginary, and the characters are fictitious and not intended to represent specific living persons and to the other stories. The events portrayed herein is based on my imagination.

⚠️ Before you read this story, I remind all readers that this is just the writing of a novice writer who is too lazy to edit the work. You may find some misspellings or grammatical errors in this story. Opo! tamad po talaga akong mag-edit, kaya expected na po na maraming mali-mali sa kwentong ito.

PROLOGUE

"SANA MATULUYAN, na iyan." Anang babae na may pangit na boses sa kasama nito.

"Shhh. Baka marinig tayo!" Saway naman ng kasama niya dito na nakatitig kay Airleya na walang malay at ngayon ay sinusubukang sagipin.

"Bakit ba kasi siya lumangoy sa sapa?! E-hindi siya marunong lumangoy? Ang bobo talaga niya!" Singhal ng lalaki na na napasabunot sa sariling buhok habang ang isang kamay naman nito ay nakahawak sa sariling beywang.

"Mukhang patay na iyan eh." Anang isa.

Lahat ng mga tao na naroon, walang pag-alala na makikita sa kanilang mga mukha lalo na lahat na naroon ay dinadalangin na mawala si Airleya sa buhay nila.

"Airleya, gising na! Airleya, kailangan mo nang gumising!" Pamimilit ng isang boses kay Airleya, na sinusubukang imulat ang mga mata.

"Hi-hindi p-pamilyar ang boses mo. . . Sino ka?" Tanong ni Airleya sa may-ari ng boses.

"Ako ang tunay na Airleya, pero ngayon ikaw na si Airleya. Ikaw. . . Ikaw na ngayon ang kilalanin nilang Airleya Iridessaina Briarlaine, anak ng Count." Anang boses.

". . .Air...leya...? Pero hindi Air—"

"Ikaw na ngayon si Airleya Iridessaina Briarlaine. I hate my life. So I will give my body to you. Now, wake up Airleya!" Sambit ng tunay na may ari ng katawan ni Airleya sa babaeng ngayon na nasa katawan ni Airleya.

At dahil sa malakas na pagkakasabi ng tunay na Airleya sa babaeng nasa katawan ni Airleya. Napabalikwas ang bagong may-ari ng katawan ni Airleya sa malaking kama na may kurtina na nakapalibot dito.

Napahawak na lamang siya sa sariling dibdib, habang malalim na humihinga. Bago napabaling sa kanyang paligid.

"Wait. . . Na-nasaan ako?" Tanong ng babae na ngayon ay may-ari na nang katawan ni Airleya.

Napatitig siya sa kamay bago napahawak siya sa medyo kulot nitong buhok na mahaba.

Napakurap ng ilang beses ang babae, "Hindi 'to ang buhok ko!"  Anang isipan niya sa kanyang sarili bago umalis sa kama niya, at naghanap ng salamin sa malaking salamin.

Napahawak si Airleya sa kanyang mukha ng makita niya ang kanyang sarili sa life size mirror...

"What. the. F*ck! Kaninong katawan ito? Hindi ako ito! Bakit nandito ako sa napakagandang katawan ng babaeng ito?!" Singhal ni Airleya sa kanyang sarili.

Hindi napigilan ni Airleya na sampalin ang sarili niya dahil hindi ma-absorb ng utak niya ang nangyayari sa kanya ngayon.

"No way. . . Don't tell me, hindi talaga yun panaginip?" Ani Airleya sa kanyang sarili habang matiim na nakatitig sa sarili niya sa salamin.

AIRLEYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon