Chapter 28

273 27 4
                                    

Chapter 28

Tuloy-tuloy ang pagpatak ng mga luha ko habang hinihila niya palayo. Halos wala na akong makita dahil hindi ko mapunasan ang mga luha ko. Hawak niya ang isang kamay ko at hawak ko naman ang painting sa kabila.

"Rivers, bitiwan mo ako.."

Hindi niya ako pinakinggan at patuloy lang na hinila paalis doon.

Naaninag ko ang mga sasakyan sa paligid at na-realize na nasa basement na kami ng hotel.

"Saan mo ako dadalhin? Hindi ka pwedeng umalis dito.."

But then he just won't listen.

"Rivers!" sigaw ko.

He stopped abruptly because of that. Pilit ko namang binawi ang kamay ko. Agad kong pinunasan ang mga luha ko para lamang makita siyang galit na galit—hindi ko alam kung dahil sa akin, o sa nangyari, o dahil nasira ang party niya.

"Why did you come here?"

I looked at him in so much pain. "Bakit mo iyon sinabi sa kaniya?"

His jaw clenched as he looked away. "She should know.."

Muling pumatak ang mga luha ko. "You promised me! Nangako ka sa akin kaya ko sinabi sa'yo ang lahat! Nangako ka, nakalimutan mo naba?!"

Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakatingin sa malayo, nag-iigting ang panga at nagkakasalubong ang mga kilay.

"Oo nasaktan nila ako pero mahal ko si Casidy at hindi ko gustong masaktan din siya at mapahiya nang ganoon.." Iyak ko.

Parang nagpantig ang tenga niya at kinailangan niya akong lingunin para sumabog sa galit. "That's why they take advantage of you! You let them have their way to you! You let them manipulate you and use you! At hinayaan mong pagsalitaan ka niya ng masasakit na salita kanina?! Ni hindi mo man lang ipinagtanggol ang sarili mo?! Tumayo ka lang doon at hinayaan mo siyang pagsalitaan ka nang ganoon?!"

"Rivers, wala akong pakialam sa lahat ng 'yon. Hindi naman ako nagrereklamo! Hindi ako nagreklamo kahit kailan! At nangako ka! Nangako ka!" Hinampas ko ang balikat niya kasabay nang patuloy na pag-iyak ko. "Nangako ka sa akin na hindi mo sasabihin, na wala kang gagawin kung malaman mo!"

His jaw clenched repeatedly. Sinalo niya ang mga kamay ko at pinigilan ako. "Well, I'm sorry but I can't stand it. I can't stand it when people hurt you or take advantage of you. I promised you that I'll protect you and that won't stop even after you pushed me away."

Sinubukan kong bawiin ang braso ko pero hinila niya lang ako palapit. "Now tell me, why are you here?"

Humikbi ako at inalala ang dahilan ng pagpunta ko rito.

"I wanted to invite you but I decided to give you time. And I don't want you to be in a place where the Palmas are. But you're here now, huh? Aren't you really unfair? Kapag gusto mo akong puntahan, pwede, pero kapag ako ang pupunta sayo ay itataboy mo ako?"

I tried so hard to pull myself together. Ayokong mapunta ito sa ibang usapan. Nandito ako para makita siya pero nagsisisi ako dahil gulo lang naman ang dinala ko rito.

Ibinagsak ko sa dibdib niya ang painting na hawak ko. Nabitiwan niya ako dahil sa gulat nang sinalo iyon.

He looked at me in confusion. Pinanood ko siya nang unti-unti niyang pinunit ang papel na nakabalot sa painting. At nang tuluyang nakita kung ano iyon ay nag-angat siya muli ng tingin sa akin.

"I wanted to greet you personally. I wanted to give you this as a birthday gift. Kasi ito lang ang mabibigay kong kapalit ng lahat ng ginawa mo para sa akin. Iyon lang ang gusto ko, at kung alam ko lang na magkakaganito, sana hindi na ako nagpakita pa."

A Work of Art (Completed)Where stories live. Discover now