Chapter Seventeen

1.7K 53 0
                                    

Hindi nagtagal, nakasakay na sila sa roller coaster. As usual, katabi ni Ruby si Kenneth. Katabi naman ni Josel si MJ habang si RJ ay may katabing hindi nito kilala. Nakapwesto ang tatlo sa harap nila.

While they were waiting for the ride to operate, she felt anxious. Ang lakas ng tibok ng puso niya. Masyado rin siyang naco-conscious sa sarili niya.

Ano kayang iniisip niya? Tanong niya sa sarili habang lihim na tinititigan ang katabi. Hindi kasi ito nagsasalita pero nakangiti ito na para bang may inaalalang masayang bagay.

When the cart suddenly jerked, halos mapairit siya sa sobrang gulat.

"Woooh! Ito na! Ito na!" excited na sigaw ni RJ. "Magsisimula na!"

"Put your hands up, guys, ha? Kapag nandoon na tayo sa mga curves," sabi naman ni Josel. "One, two, three... go!"

Saktong umandar na ang rides. Mabagal sa simula dahil papaakyat pa lang.

"OMG! Ito na, MJ! Pabulusok na!" Pinaghalong kaba at excitement ang naramdaman ni Josel nang oras na iyon.

"Ready, guys!" sigaw naman ni MJ.

Samantalang, napalunok naman siya. Sa totoo lang, bagaman mahilig siya sa extreme rides, may pagkaduwag siya. Natatandaan nga niya noong sumakay sila ni Kenneth sa isang ride na kung tawagin ay Octopus noong Marso lang, nakayakap siya sa binata. Hindi talaga niya ito binitiwan hanggang sa hindi sila nakakababa.

She can obviously do the same thing pero nangibabaw ang pagiging conscious niya.

But then, Kenneth suddenly held her hand, and it surely made her body twitched. Paano'y nakaramdam siya ng mahihinang boltahe.

"Ready ka na ba, Ruby?" bulong nito. "Pababa na tayo."

"O-Oo naman. B-Bakit mo naman tinatanong?" She tried to pull her hand from Kenneth pero, aba, ayaw siya nitong bitiwan!

"Hawak-kamay lang tayo, Ruby. Alam ko namang nerbiyosa ka," sabi naman nito.

Samantalang, naghihiyawan naman ang mga taong kasama nila.

"S-Sige na nga—"

"Nga pala, pakinggan mo 'yung sasabihin ko mamaya, ha?" Kenneth winked.

Ilang ulit siyang napakurap. "Ha?"

Ngumiti lang ito saka tumingin sa dinadaanan nila.

"Huy, ano ka'mo—"

She was distracted when the cart suddenly accelerated. She felt how a great momentum tackled her with force. Hindi tuloy niya mapigilang mapairit din.

There was a lot of screams. She was able to recognize Josel, MJ and RJ's respective voices. Their adrenalin was pumping.

"Kiyaah!"

"Woooooh!"

"Fafa Kenneeeth!"

She was able to recognize Kenneth's voice, too. Medyo late nga lang ang pagsigaw nito pero kung hindi marahil dahil doon, hindi niya maririnig nang buo ang nais nitong sabihin.

"Ruby, mahal kita!"

Natigilan siya at napatingin dito. Nakapikit ito na marahil ay para proteksyunan nito ang mga mata laban sa hangin.

Ano'ng sabi niya? No, she actually heard what he had said. Sadyang ayaw lang ma-process ng utak niya.

There was another loop kaya napasigaw na naman ang lahat.

"Ruby, mahal na mahal kita!" muli itong sigaw. Mas malakas iyon; tinalo nito ang boses ng iba.

Napalunok siya. Then, it slowed down once again.

On the Seventh Day of May [Seven Series #2 | ✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon