HOPIA 2

176 4 0
                                    

HOPIA 2:

Bakit kaya ganon? Pag ang mga boyfriend-girlfriend, pwedeng magturingan na magbestfriends, pero ang mga best friends... Hindi pwedeng magturingan na magboyfriend at girlfriend.

Ang unfair naman.

Paano na lang yung mga taong tingin sa best friend nila ay higit pa don? Pag ang magjowa, pwedeng gawin yung mga ginagawa ng magbest friends, tulad na lang ng pang-aasar, yung mga ganon ba. Tapos may nalalaman pang mga quote na "When your boyfriend is also your best friend." May nalalaman pang mga ganon ang mga futa.

Pero kapag ang best friend, parating may limitasyon kung hanggang saan ka lang. Yung tipong kahit gusto mong humigit pa dun yung ibigay at gawin mo, hindi pwede kasi... Kaibigan ka lang.

Bakit ganon? Kung may lakas lang ako ng loob, aamin na ako jusko day. Kaso wala eh, pag andyan na siya, pag kaharap ko na siya, natatameme ako. Umuurong yung dila ko. Matapang akong tao, pero duwag talaga ako pagdating sa kanya. Wala eh. Mahal ko kasi.


Pero ano nga ba ang mas masakit? Yung di mo maamin sa best friend mo na mahal mo siya? O yung mahulugan ka ng mga rolyo-rolyo ng tissue sa ulo? -_____- Nakngtokwa kasi tong si Paolo eh. He is my distraction.

Para kasi siyang dslr. Tipong pag nagfocus ako sa kanya, nagbu-blur yung iba. Nakanang!! Nakuha ko pang bumanat. Talaga naman!!

Pero seryoso, dahil sa kanya kaya ko nahulugan ng tissue sa ulo leche. Pano ba naman, ako na nga ang magkukuha ng tissue sa taas ng shelf, nagpumilit. Wew, azar mga beh to the infinity times two.

"Uyyy, wag na kasing sumimangot." Panunuyo nang magaling kong best friend leche.

"Tinulungan lang naman kasi kita. Kasi hindi mo abot y--"

"So anong sinasabi mo? Na maliit ako ganon?!" Pamumutol ko sa punyaterang to nakuuuu kung di ko lang to mahal, baka nasabunutan ko na to!!!

"Uhm... Oo? Hehe" tsaka siya nagpeace sign ng makita niyang ang sama-sama na nang tingin ko sa kanya.

"Tsaka mataas kasi yung pinagkakalagyan nung tissue paper, kaya talagang di mo abot yun."

"Edi ikaw na!! Ikaw na!! Ikaw na ang matangkad leche kang kapre ka!! Kaya ko ang sarili ko, okay? Kaya ko yung abutin, lagi kang ganyan eh. Parati mo kong minamaliit!!"

"Kaya ka nga kasya sa puso ko eh," at hindi nakatakas sa kanya ang pamumula ko. Nakakainis! Bakit kailangan niyang bumanat nang walang pakundangan?! Nabibigla ako eh, ayoko nung ganun!! Kasi nahahalata niyang kinikilig ako. Arghhhh!!!!

Tinalikuran ko na lang siya at pasimpleng ngumiti. Pero mukhang nakita niya yun, kaya todo tukso siya sakin kesyo kinikilig daw ako at tuwang tuwa sa sinabi niya.

"Ulol mo," yan na lang ang nasabi ko baka kasi pag pinahaba ko pa ang sasabihin ko eh madulas ako at masabi kong hindi... Hindi siya nagkakamali. Chos

"Pero seryoso, bakit ka ba biglang nawalan ng focus kanina kaya nahulog sayo yung mga tissue?"

Sino ba naman ang hindi mawawala sa focus kung tipong ang lapit namin sa isa't isa, nakatapat mukha ko sa dibdib niya eh. Basta sobrang lapit namin sa isa't isa kanina. Yung tipong naamoy ko na yung pabango niya. Ang bango sobra. Ang sarap singhutin. Kung di lang ako nahulugan ng tissue sa ulo, baka nakasinghot ako ng mas madami, yung tipong masisinghot na siya papasok sa butas ng ilong ko. Ge ang korni ko beh.

"Ah.. Ano. Sino ba naman ang hindi makakafocus kung natapat sa kili-kili mo? Ambaho kaya!! Amoy pawis!" pagdadahilan ko.

"Hala, ang bango kaya! Amuyin mo pa, dali amuyin mo!!" tsaka niya kinukuha ulo ko tsaka itinatapat sa kili kili niya. Tawa lang ako ng tawa kasi mukha siyang tanga. Wiz paki kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa grocery. Kiber ko ba sa kanila noh?

M.U. (Manhid Ka, Umaasa Ako)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon