Chapter 3

4.7K 281 27
                                    

#OLASweetNemesis

Chapter 3
Cookies

"Sandali lang, Keno! Wait nga! Bitiwan mo nga muna ako!" Marahas kong binawi ang braso ko nang makalabas kami ng Cove.

Hinintay lang din ata ni Keno na makaalis kami dahil agad niya rin akong binitiwan. My breath was ragged after keeping up with him. Malaki at mabilis ang paghakbang niya. It was hard to follow him on my heels. Kung makahila siya ay halos kaladkarin na ako.

"Ano 'yung sinabi mo kanina, huh?" tanong ko na parang nanghahamon ng away.

Kumunot ang noo niya, tila hindi alam kung ano ang ikinakagalit ko. "Alin doon? Madami akong sinabi," pilosopo niyang sagot.

"You told Jaybee, my ex, that I'm not your type! Alam mo bang nakakahiya 'yon?"

Nagtaas siya ng kilay at may nakatakas na ngisi sa kanyang mga labi. "Then what should I do? Lie that I'm your boyfriend? That I like you?"

"No! But you could've just stayed silent and let him assume things to stop him from bothering me!"

"My mistake, then. I'll take note of that next time," simpleng sabi niya at mukhang balewala talaga sa kanya ang lahat.

Mas lalo akong nainis. I felt like he was making fun of me. Naiiyak ako sa sobrang galit o inis dahil iyon ang unang beses na nakaramdam ako nang ganoon. I felt so humiliated at hindi ko akalaing bodyguard ko lang ang magpaparamdam sa akin no'n.

"Ihahatid na kita pauwi," kalmado niyang sabi matapos kong sumabog.

"I'm not going home! I'm still partying!"

"Bakit paalis ka na kanina kung ganoon?"

"I just wanna take a breather, okay?! Babalik din ako. I'm still drinking with my friends. Kung gusto mo, ikaw na ang mauna umuwi."

"I'm not going home without you."

"Wala akong pake," sabi ko at nag-walkout para sana bumalik sa loob ng Cove nang maisip kong hindi ako dapat maging talunan.

Kaya imbes na tuloy-tuloy ang paglakad sa Cove, mabilis ko siyang nilingon ulit. Nakasunod na siya sa akin at agad na huminto sa ginawa ko.

"And for your information, hindi rin kita type! P-pangit!"

I stuttered. Yes, I did. Wala akong mahanap na insulto sa kanya on the spot, kaya wala akong nagawa kundi magsinungaling na lang. But from now on, pangit na siya sa paningin ko.

Pangit ka, Keno! Pangit! Pangit!

Sa kabila ng pang-iinsulto ko, narinig ko ang pagtawa ni Keno. Nag-init ang pisngi ko at mas lalo lang nahiya. It was obvious he didn't take my insult seriously. This jerk knows he's good-looking, but I'm gonna make sure na mararamdaman niya na seryoso ako!

Nagmartsa ako papasok sa loob at nagpasyang umuwi lamang nang lagpas alas dose na. For some reason, I didn't get drunk like I planned to. I'm still very sober.

"You're not driving." Hinarang agad ni Keno ang kamay niya sa pinto ng sasakyan ko nang makitang papasok ako.

"I'm not drunk," katwiran ko.

"Nakainom ka pa rin."

"But—"

"No buts. You're coming with me." Inagaw niya sa akin ang key fob at ini-lock ulit ang sasakyan bago ako hinatak papunta sa sasakyan niya.

Hindi na ako nakipagtalo dahil ang gusto ko na lang din ay makauwi dahil sa pagod sa mga iniisip at sa pag-party. Bigo akong sumakay sa SUV ni Keno. Umidlip na lang ako sa biyahe upang hindi na makipagtalo at pagkarating sa bahay ay dumiretso ako paakyat sa kwarto.

Sweet NemesisWhere stories live. Discover now