Chapter 5

7 0 0
                                    

KEVIN POV;

"I'm tired of this relationship. I'm tired of us. I can't handle this anymore, Crisanta" ang huling salita na gusto kong sabihin sa kaniya. At kahit na masakit sa akin ang sabihin iyon talagang nilakasan ko ang aking loob dahil hindi na namin nabibigyan ng oras ang isa't-isa. Naiintindihan kong busy siya maging ako ngunit nang mga nakaraang araw matapos kong mabalitaan ang pagtulong niya sa babaeng pasyente ay doon na lamang kami nakapag-usap ng ayos. Sumubok ako na tumawag sa kaniya no'n nang makatanggap ako ng tambak tambak na trabaho sa opisina, tila wala na ata akong pahinga at kakaunti nalang ang pagkaing aking nakakain.

Kailangan ko ang motibasyon niya, ang presensya niya kahit sa telepono ngunit hindi iyon naging madali dahil kahit anong gawing tawag at text ko kay Crisanta, wala itong tugon. May minsang tumugon siya nang magflood text ako sa kaniya at humingi ng tawad sa hindi pagkakaroon namin ng oras sa isa't-isa, ngunit habang tumatagal tila wala na siyang pakiramdam sa akin. Natatagalan nitong huwag akong kausapin.

Nang araw na iyon ay napagalitan ako ng aking mga magulang dahil sa pabaya ko sa trabaho sa aming kompanya. Ang sikretarya ko naman ay kanilang pinalis dahil nahuli kong may dokumentong kinuha sa aking opisina at iyon ang dokumento para sa kompanya. Ako ang pinag initan ng aking mga magulang dahil sa aking pagkapabaya. Halos galit sila sa akin ng ilang mga araw, at sa galit nilang iyon itinambak sa akin ang trabaho. Nakakapagod at hindi ko na nakayanan pa. Hanap-hanap ko lagi si Crisanta at kailangan ko siya subalit hindi ko alam kung bakit hindi nito kayang tumugon sa akin.

Ilang saglit sa aking pag-iisip ay rinig kong tinawag pa ako ni Crisanta ng isang beses sa aming endearment. Hindi ko na iyon pinansin at pinatay na ang tawag. Matapos niyon ay nakatanggap ako ng text at ng babasahin ko na ay biglang nag ring ang aking telepono, sinagot ko iyon ng may ngiti ngunit tila mabigat ang aking loob.

"Hello, hon?" ana nito sa kabilang linya, napangiti ako.

"Yup, what's up hon?" sagot ko naman dito.

"Pupunta ako riyan sa office mo after 3minutes may papapirmahan lang ako" ani Daniela. Magkalapit lang kami at nasa iisang building at nasa ika-apat na palapag siya at ako naman ay nasa ika-anim.

Si Daniela Perales. Nakilala ko siya a week ago at tila doon na kami nagkaroon ng diskoneksyon ni Maria Crisanta. Nang nangangailangan ako ng motibasyon, tulong at malasakit ay walang ibang taong nanjan para sa akin kundi si Daniela. At ilang araw lang din nang yayain ko itong lumabas at pumayag ito, hanggang sa hindi ko namamalayang mahulog ang loob ko dito. Tila naikokompara ko siya kay Maria Crisanta. Ang sarap sa pakiramdam ng mga salita at pagtulong nito sa akin, nababawasan at naiibsan lahat ng aking pag-aalala sa trabaho dahil ng mabalitaan nitong ako ang napagalitan ng aking mga magulang at natambakan ng santamakmak na trabaho ay siya ang nagrepresinta sa sarili na tumulong. Ilang saglit lang ay may kumatok sa pinto at iniluwa nito ang babaeng kailan lang ng ako'y mapaibig dito. Nakangiti na ito sa akin dala ang papel na hawak nito.

Mag-iisang taon na nang wala akong balita kay Crisanta at yon na lamang ang huli naming pag-uusap. Wala na akong balita pa sa kaniya maging ng kaniyang propesiyon na pinag-aralan. Bigla ay sumagi sa isip ko ang dating pinapangarap niya. Presko pa rin sa aking isipan ang maaliwalas niyang mukha kapag nagpapantasya at nangangarap sa pagiging Psychology Doctor nito.

Maya-maya lang sa gitna ng isiping iyon ay nagring ang aking telepono. Nandito ako sa sala ng aming bahay at rest day ko.

"Hello, Mr. Kevin Damon?" ani nito ng boses ng babae sa kabilang linya.

"Yes, who's this?" takang tanong ko.

"Sir, this is Kleoffi Serano we have a patient na relative niyo raw po" ani nito at nanlaki ang mga mata ko.

"What? Patient? Bakit anong nangyari? Saang hospital?" agaran kong tanong at hindi ko alam bakit kabadong-kabado ako.

"Villanueva Hospital, Sir" gulat na lamang akong napamura nang matandaang hospital iyon nila Crisanta na pagmamay-ari ng kaniyang mga magulang.

"O-Okay, I'll be there!" daglian kong ani. Pinaharurot ko kaagad ang sasakyan at wala sa sariling bumisina sa sasakyan. Rinig ko pang tinawag ako ni Daddy ngunit hindi ko na pinakinggan dahil wala na akong ibang iniisip kundi ang girlfriend ko. Hindi man ako nakatanggap ng sagot sa tumawag kanina kung sino ang na ospital ay alam ko nang ang girlfriend ko iyon. Dati pa itong may sakit sa puso at mabagal na kaniyang paghinga, hindi kagaya ng normal na tao.

Nang makarating sa hospital ay nilapitan agad ako ng babae. "Nasa taas po Sir, third floor, room 005 Ikaw po si-" hindi ko na pinatapos pa ang babae dahil dumeretso na ako sa itaas, naramdaman ko namang sumunod ito kung kaya't hindi ko na ito pinansin.

Sabay kaming sumakay sa elevator at hindi ako mapakali na makarating kaagad doon. Masyado akong nag-aalala sa lagay ng girlfriend ko. Sabay kaming lumabas ng babae at nakita ang pintuang may numero. 005. Ngunit nagtaka ako at nagulat bigla ng makita ang isang pamilyar na babae sa kabilang kwarto. 004. Nilingon ko iyon at nalingunan din ni Kleoffi, agaran na pumasok si Kleoffi ngunit agad na tumigil ng tawagin ko.

"Sandali" ani ko kay Kleoffi tumigil ito at tumingin sa akin.

"Pasyente ba iyon?" tanong ko.

"Opo Sir"

"Anong nangyari sa kaniya?"

"She was diagnosed by post-partum depression" nakakalungkot na saad ng babae.

"Kailan pa?"

"Medyo matagal na rin po, after ng pagkamatay ng pareho niyang parents na nagmamay-ari ng hospital na ito" bigla ay para akong sinaksak sa aking narinig. Tama ba ang narinig ko? Si Maria Crisanta iyon? Ang parents niya? Patay na ang parents niya? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi niya sinabi? Bakit siya hindi nagpaalam man lang sa akin? Nasapo ko ang aking noo at agaran na pumasok sa kwarto nito. Nakita kong nakaupo si Crisanta at bahagyang tumayo nang makita ako.

Tila nanlalamig ang buo kong katawan nang makita siya ng harapan. Tumitig siya sa akin ng walang emosyon ngunit nang nakalapit ako sa kaniya ay pinakatitigan ko ang kaniyang mga mata. Tila nagniningning at malamlam ito. Batid kong maraming-maraming sasabihin ngunit nanatili siyang tahimik at walang imik na tumitig sa akin. Hindi ko namalayang tumulo ang aking luha kung kaya't daglian akong lumabas at pinasunod si Kleoffi.

Itinanong ko kay Kleoffi kung sino ang Psychiatrist ni Maria Crisanta ngunit inuna niyang sinabi na kailangang maoperahan ang aking girlfriend. Si Daniela. Dahil lalong nanghihina ang puso nito at habang tumatagal ay hindi na nito kinakaya ng kaniyang puso. Domoble ang kaba ko sa mga narinig. Tila nag-iisip ng maaring gawin.

"Your Crazy Love" Where stories live. Discover now