Chapter 01

1M 7K 991
                                    

Hi everyone! I know I've been Missing In Action these past months and I'm really really sorry to the moon and back for hanging you up in my stories.

So by the way, THIS IS IT!
I'm putting back Angelie & Jonas story on wattpad since I've been reading msgs ang emails about the sold out books (which I think they're stop producing) and Bitin situations.

Incase you're wondering

chapter 1 contains chap1-35

chapter 2 containes chap36-60

chapter 3 containes chap61-85ending

It's a compilation. :) Thanks for reading :) Bawal to kaya shhhhh lang tayo sa publisher ko. 😂 HAHA

I love you all.
ENJOY!
-Ree

IN LOVE SI GANGSTER SA SUPLADA
[LoveBugRepublic 1]
© RT

"What he want is what he get"
That's the type of the guy he is.

So what if . . .


''What he want he DOESN'T get?"
Then, just ready yourself for world war 3.

CHAPTER 1:
ANGELIE's POV

Para akong lantang gulay ng makarating kami sa bahay. Pagod na pagod ako sa byahe tapos binibwesit pa ako nitong kapatid ko.

"Kuya naman e!" reklamo ko habang ginugulo niya yung buhok ko.
"Tigilan mo'ko kanina ka pa sa sasakyan ah!"

Nginitian niya lang ako ng nakakaloko at dinilaan.

"Immature!" sigaw ko bago pumasok ng kwarto.

Agad kong binuksan ang laptop ko at isang email galing sa bestfriend ko ang nag appear kaya agad ko naman itong binasa

Hoy bruha! Tuluyan ka na bang nilamon ng Hong Kong at hindi kna nag r-reply? Abah babae kung ganyan lang din naman ang usapan edi mag limutan na lang tayo. Tsk. Anyway text me right away pag nabasa mo'to.

PS: Wag mong kakalimutan ang Sponge Bob plushie ko kung ayaw mong itapon kita sa dagat kasama si Patrick Star :)

After I read it agad ko namang kinuha ang phone ko sa bulsa at tinawagan siya.

"Hi Tin" sabi ko sa linya and anyway 'Tin' is our endearment. "Waaah Miss na kita!"

"Impakta ka! Buti at naisipan mo pa akong tawagan" inis niyang sabi

"Grabe ka naman! Syempre ni lubos lubos ko na yung Hong Kong no kaya hindi ako na kakapag reply sayo. And OMG marami akong e k-kwento sayo. Ang daming chinito dun grabe" kinikilig kong sabi

"Gaga ka talaga. Hong Kong nga diba? Saan ka ba nakakita ng intsik na malalaki ang mata?"

"Sorry naman nag e-explain lang eh taray nito"

"Maganda naman. Duh!"

"Mana sa'kin" at saka ako tumawa

"Ay nga pala lumipat na naman kami ng bahay"

At nanlaki ang mata ko dun. Sa lahat ng mayaman sa mundo itong pamilya lang ng babaeng to ang NPA.

"Na naman?"

"Ay naku hindi ka na nasanay. Kilala mo si daddy at may pagka obsess yun pagdating sa mga bahay thingy. Topakin din e at ayun hindi makuntento"

"Oo at sa kanya ka nagmana"

IN LOVE SI GANGSTER KAY SUPLADA ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon