Kabanata 20

42 2 2
                                    

Napahawak ako sa kamay niya na siyang sumasakal sa akin sa pág-asang  makakatulong ito para makahinga pa ako ng maayos.

"L-Luis" nahihirapang sambit ko habang nakatingin ng diretso sa kanya

Mas nahirapan akong huminga ng mas dumiin ang pagkakasakal niya sa akin. Ang aking mga paa na kanina'y nakatapak pa sa sahig ay nakalutang na ngayon

Ayoko pang mamatay

"Huwag na huwag mo akong tatawaging Luis binibini..hindi ako kasing hina ng nilalang na iyon na pwede mong utus utusan..ibahin mo ako" mas napangisi pa siya ng makita niyang mahihirapan na akong huminga na para bang tuwang tuwa siya sa nakikita niya ngayon

Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata kahit na nahihirapan ako. Isa lang ang napansin ko sa mga mata niya puno ito ng..galit

"L-Luis..tulungan mo ako" naiiyak na sambit ko habang nakahawak pa rin sa kanya

Nagulantang na lamang ako ng bigla akong ihagis sa isang direksyon kung kaya't napaigik ako ng tumama ang likuran ko sa pader.

Hindi ko na alam ang gagawin ko

Napaluha na lamang ako ng dahan dahan siyng humakbang papalapit sa akin. Nanghihina man ay ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para makaatras at hindi niya ako maabutan pero hindi sapat 'yon para makalayo ako para sa kanya. Ngumiti siya habang papalapit pero ang ngiting iyon ay nagdulot sa akin ng hindi maipaliwanag na kilabot.

"H-huwag kang l-lalapit sa akin..ibalik mo si Luis!" singhal ko sa kanya dahilan para matawa siya ng malakas

"Isa kang pambihirang binibini..hindi ako makapaniwala na nagagawa mo ang kung ano anong mga bagay kay Luis. Pero sa akin? Isang maling salita mo lamang ay hindi mo na sasapitin ang bukas. Kung ako sa iyo, magpapakabait na ako at ako'y hindi na magsasalita pa" bakas ang tuwa sa kanya habang nagsasalita

"I-ibalik mo si Luis..pakiusap" pagmamakaawa ko pero natawa lang siya pero agad ding nagseryoso ang mukha niya saka niya ako sinugod at sinampal ng malakas

"Ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na huwag mong babanggitin si Luis! Hindi na siya babalik sa inyo kahit kailàn! Mananatili siyang nakakulong sa madilim na lugar na hindi mo maaabot" habang sinasabi niya ang mga iyon ay unti unti niya akong sinasabunutan dahilan para mapaigik ako dahil nagagalaw ang parte ng katawan ko na tumama ng malakas sa pader dahil sa pagkakahagis niya sa akin

May alam akong paraan para maibalik siya pero sana..si Luis ang bumalik

Dahan dahan akong tumingin sa kanya saka siya tinitigan ng mariin sa mga mata

"Alam kong naririnig mo ako, pakiusap lumabas ka na. Tulungan mo ako..tulungan mo ang sarili mo" seryosong ani ko saka ko hinawakan ang braso niyang kasalukuyang nakahawak pa rin sa aking buhok.

Ang kanyang mga ngisi na hindi mabura kanina pa ay unti-unting nawawala, ang kanyang mga matang puno ng galit ay tila ba napalitan ng kung anong emosyon. Emosyon na nagsasabing..nagtagumpay ako sa nais ko.

Agad siyang napahawak sa kanyang sentido gamit ang isa niya pang kamay habang ang isa ay nakahawak pa rin sa buhok ko ng mariin.

"Argh" daing niya habang nakapikit ng mariin

Umiling iling siya ng mariin at pinaghahampas niya ang ulo niya. Napabitaw siya sa akin dahilan para magkaroon ako ng pagkakataon na makalayo sa kanya ng kaunti, sapat na distansya na ito upang makahingi ako ng tulong sa oras na may gawin na naman siyang kung ano sa akin.

Napapasabunot na siya sa kanyang buhok habang pabalik balik ang lakad niya

"L-Luis" mahinang usal ko nagbabakasakaling narinig niya ako

Napatingin sa akin ang lalaking kaharap ko saka siya tumingin ng matalim sa akin. Mabilis siyang nag-martsa patungo sa akin pero ilang hakbang na lang ang layo niya sa akin ng muntikan siyang matumba. Muli siyang napahawak sa sentido niya saka siya bumulong ng kung ano ano. Hindi ako sigurado kung ano sinasabi niya pero ang naririnig ko lang ay ang mga katagang kasalanan mo 'to, tinatawag mo siya, ayokong bumalik

Alam ko na kung saan ito patungo kung kaya't naglakas loob na akong tawagin siya

" Luis ano ba! Gumising ka na d'yan! Alam kong naririnig mo ako kaya pakiusap huwag kang matulog lang! Papayag ka bang sirain ng isang 'to lahat ng pinaghirapan mo?!" malakas na sigaw ko at halos hingalin na ako ng matapos kong sabihin ang mga iyon.

Ewan ko na lang kung 'di pa magising si Luis

Ang matapang na itsura ni Lucas ay unti unting nawala at kasunod noon ay ang pagkatumba niya sa lupa. Agad agad akong tumakbo papalapit sa kanya saka ko pinakinggan ang paghinga niya. Napahawak ako sa dibdib ko ng marinig kong stable ang paghinga niya

Kakaloka sa Wattpad at kdrama ko lang naranasan Ang ganito 'di ko expected na pati pala sa real Life my ganito omeged

Muntik na akong maiyak ng biglang sumakit ang katawan ko dahil sa munting pagkilos na ginawa ko. Kapag ako talaga magkapasa magde-day off ako ng 3 days huhu. Hindi rin kasi biro ang naging pagbagsak ko at medyo malakas ang pagkahagis niya sa akin ganon na rin ang pagsakal niya.

Agad akong napahawak sa leeg ko at feeling ko mawawalan na ako ng boses anumang oras dahil naipit yata yung vocal chors ko HAHAHA jk so ayun feeling ko mapapaos ako nito sobraaaang diin kasi talaga ng pagkakasakal niya. Kung sasakalin sana ako gusto ko sa ibang paraan eh hihi rawr!

Napatingin ako kay Luis na natutulog ngayon sa lupa at agad akong napakamot sa ulo ng mapagtanto kong 'di ko kayang buhatin ang isang 'to para iuwi

Hahanap na lang ako ng tulong

Akmang tatayo na ako nang may maramdaman akong kumakalabit sa akin sa tahiliran ko. Muntik na akong atakihin sa kaba nang makita de si Luis na nakatunghay sa akin.

Sobrang occupied ba ako para 'di ko mapansing gising na siya? My gosh ha

"Nakakagulat ka naman Luis! Huwag ka ngang nangangalabit basta basta d'yan sige ka baka masuntok kita bigla kung hindi mo naitatanong, pambato ako lagi sa boxing women's league aba!" pagyayabang ko sa kanya pero nakatunghay lang siya na para bang nakikinig lang siya sa teacher niya

"Okay este ayos ka na ba? Tingin ko kailangan ka na nila sa loob. Aba! Baka nakakalimutan mong ikaw ang gobernador-heneral? Ang may pinakamataas na posisyon dito sa bansa? O siya, mamaya mo na ako sermonan sa pagsermon ko sayo..sa ngayon mag-ayos ka na at pumasok ka  na hihintayin kita dito ha?" sunod sunod na sabi ko saka ako bahagyang ngumiti sa kanya

Napataas na lamang ang kilay ko nang ngumiti siya sa akin ng bahagya at nagkamot sa leeg na parang nahihiya.

"Uyy pasok na sabi" nag snap pa ako ng finger para kunin ang atensyon niya pero agad din akong nagsisi nang marinig ko ang sinabi niya

"A-ate gutom si MacMac" mahinang sabi niya saka siya ngumuso at yumuko

Natulala ako nang mag-echo sa pandinig ko ang sinabi niya

"A-ate gutom si MacMac"

"A-ate gutom si MacMac"

"A-ate gutom si MacMac"

Mahina lang ang pagkasabi niya pero feeling ko sinigaw niya sa mundo na..siya si MacMac at hindi siya si Luis

Kingina?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

El Gobernador Heneral de Corazón Frío  Where stories live. Discover now