11

4 0 0
                                    

Isang umaga kung saan ay kay lapit mo.

Gusto kung umiwas ng tingin, pero ang mata ay sabik ding tumingin sa mukha na makakalimutan ko din.

Napangiti ako, kasi nakikita kita sa malayo na parang kay lapit mo.

Napangiti nga pero nabihisan ng pait at namimigat na damdamin.

Kung sana ay hindi kita hinanap ay hindi ko sana makita na may kasama kang iba.

Puso ay nabasag tulad ng isang basag na baso na walang laman.

Ayaw ko ito maging dahilan, pero walang hantungan ang mga tingin.

Basta ang masasabi ko sa iyo ay salamat parin.

Kasi may nagbago sa akin, na ikinabubuti ko sa aking sarili.

Muli, kapag ako'y babalik.

Malayong TinginWhere stories live. Discover now