1

9 0 0
                                    


Pagpasok ko sa paaralan, ikaw ang una na nakita ko, nakamasid, nakatingin sa kawalan.

Napatitig ako sa 'yo, sa pitik ng segundo ay umiwas din at lumakad ng patuloy na may dalang pusong namimigat at damdamin na hindi maintindihan.

Buong umaga, sumasakit ang tiyan sa kakaisip.

Ano ba meron sa taong iyon? Na bakit ba palaging nasa isip ko, hindi lang siya parang bula.

Hindi ko na alam.

Pero nakita ko ang aking sarili sa aming silid sa ikaapat na palapag nakatingin sa ibaba, hinahanap ka.

Malayong TinginWhere stories live. Discover now