Tres

437 15 0
                                    

Sarah's POV

•••***•••

" Giorgieeee!!" Sigaw ko nang makita ang future sis-in-law ko.  "Aside sa pagbisita sa akin, sino ang pupuntahan mo dito" umabrisyete na ko dito sabay lakad kasabay nito.

" di tayo busy ah?"

" may time ako for you..  " sagot ko. . "San ka nga? Sa kuya moooo?? Sa kuya mo nuh??!!"

" hahaha! Oo , tara i-clinic raid natin sya. Nagdala ako extra meryenda, kasi itong kuya ko di nauwi kagabi. Meaning, dito yan natulog-

" oo , inopera nya si Mrs Chong. Ang galing ng crush ko , Ging!! Tanggap mo na ba akong sister in law?? Ha?? Ha???"

" depende sa kuya ko. Boto ako syempre sayo kasi friend kita. . Kaso, mukhang may makakalaban ka na sa puso ni kuya. . Kilala mo naman si Trixie diba??"

" Trixie ?? Yung medrep?!!!!"

" yup!"

" at bakit????!!! Ano ginagawa nya dito?? Dito na naman sya nagbebenta ng gamot?? Ha ?? Haaaa?"

" hahahahah!! Oo ! Yung mukha mo , letse! Tawang tawa ako sayo Sarah!!  Gaga ka talaga!!"

" heh! Kailangan ko ng support mo sis!"

Huminto ito sa paglakad sabay titig sa akin. Talagang titig na titig!!! .. "bakit?" Tanong ko.

" seryoso ka??!!"

" seryoso san??"

" sa kuya ko!!!"

" bakit?!"

" laro laro mo lang yan! Kilala kita, hanggang crush lang yan. . Crush lang!!"

" paano pag love ko -

" ma-love-bo! !! Halika na!! Asan na si Eivan , pala??"

" OR sya..  ooopsie - - " magsasalita pa sana ako nang bumukas ang pintuan ng clinic ni Doc!! "Hi Doc, musta po"

" kuya!! "

" Gie.. pasok. "

" pwede din ako pumasok? " pa cute kong tanong. "Break ko po, two hours.. "

" as if pag humindi ako eh di ka papasok. So pasok ka na din" sarkastikong sagot nito! Apaka suplado talaga!! Swerte sya at nakoooo ang laki ng crush ko dito dahil pag hindi ko to crush sinupladahan ko na to!!

" yung mukha mo" bulong ni Ging. "Namumula sa inis o galit??"

" na starstruck ako sa kgwapuhan ng kuya mo" ganting bulong ko dito.

" hahahaha!! Ewan ko sayo!! "

Nakita kong inilapag ni Gie ang mga food containers sa lamesa nito.. "kuya, " tawag nito. "Ipinagluto ka ni mama , sabi nya, sabihin ko daw sayo na ubusin mo yan, at malilintikan ka sa kanya pag nagtira ka "

" ok.., uubusin ko to at di ko bibigyan yang kaibigan mo"

" di naman ako nagugutom" sagot ko.

" sure ka??" Nakatingin ito ngayon sa kain habang tinutulungan si Ging sa pagprepare. "Ansasap naman nitong kare-kare! Hmmmm bango!! "

" hmmp!"

" oh and this piniritong talong, with pipino na may kamatis, ahh heaven to Gie!! Oh at may malamig pang buko juice! Sure kang di ka kakain??" Muli ay tanong nito sa akin. Sus, yung ngiti nito, nakaka—shet! Ang gwapo!! Kainis!!

CuoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon