(Spence's PoV)
"Hoy bata...sabihin mo samin, paano sisimulan?", tanong ni Inspector Jorge
Mukhang nahimasmasan na si Inspector sa gulat niyang anak ako ni Benjamin Quijano.
"Ang masasabi ko lang po, ituloy po natin ang imbestigasyon dahil maaaring may mahanap tayong lead"
"Pasalamat ka anak ka ni detective Benj"
Pareho pa ang nasabi ni Inspector At Detective Herald.
Hindi na lang ako umimik. Maya-maya pa ay nagkaniya-kaniya na kami sa paghahanap ng lead!
Nagtungo ako sa kitchen! Baka sakaling meron akong mahanap na lead dito!...
Riiiiiiiing!
Habang inoobserbahan ko ang table sa kitchen, biglang nagring ang phone ko!
"Hello!"
"Hello...ito ba si Detective Benjamin Quijano?"
Nagtaka naman ako! Si Papa agad ang hinanap niya..
"Hindi...ang anak niya ito!"
"Kailangan ko kasing makausap ang Tatay mo. May alam ako sa pagpatay kay Mr. Rod!"
Tila nawala ang pagod ko sa pag-iimbestiga sa narinig ko. Pero kailangan kong makasiguro!
"Wala ang Papa ko eh...pero ako ang tumutulong sa kaso ni Mr. Rod! Sino 'to?"
"Ako ang kaibigan ni Mr. Rod! Please do come in my office! I'll send you the address!"
Napatingin ako sa relo ko! 11:00 pm na...
Ibinaba ko ang phone at hinintay ang text ng tumawag!
Maya-maya pa ay nareceive ko na.
Agad akong nagmadaling lumabas ng Hotel Park!
"Spence...."
Narinig kong nagsalita si Inspector Alvarez nung makita niya akong nagmadali!
"Kailangan niyo pong sumama!"
Tumango siya at sumunod sakin.
Sa tingin ko kailangan ko ng inspector!
Sumakay sa sasakyan ko si Inspector. Agad kong minaneho ang sasakyan.
Habang nasa biyahe, hindi napigilan ni inspector ang magtanong!
"Spence, sabihin mo sakin! May nahanap kang lead kaya ka nagmamadali?"
"May tumawag po sakin tungkol sa kaso ni Mr. Rod! Sa tingin ko, ito ang magbibigay ng linaw satin!"
Tumango-tango si Inspector Alvarez!
Pagkatapos ng ilang minuto, nakarating na kami sa address na binigay! Mataas ang building.. Asensado rin pala 'to!
Pumasok kami at agad na prinesent ni Inspector ang kaniyang lisensya sa circulation table kaya pinapasok kami agad at itinuro kung nasaan ang kaibigan/business partner ni Mr. Rod!
Hanggang 11 bukas ang building na 'to ah!
Kumatok kami sa pinto ng office ng friend ni Mr. Rod. Maya-maya pa ay isang babae ang nagbukas ng pinto at pinapasok kami.
Nakita namin ang isang lalaking naka-polo. Actually ang porma niya, hindi pang-boss! Hindi siya naka-suit unlike others na napapansin ko!
"Kayo na ba amg hinihintay kong investigators?"
Ang lalaki ay halatang kasing-edad lang ni Mr. Rod! Malungkot ang kaniyang mukha. Halatang nagluluksa sa pagkamatay ng kaniyang kaibigan!
Samantala, pinakita ni Inspector ang kaniyang license. Tumango ang lalaki nang makita niya ito!
YOU ARE READING
CLUE DETECTIVE
Mystery / ThrillerThe son of the famous detective in the world. A star player of Cornerstone Academy's basketball team. He's known for being clever. Obsessed sa mga mystery riddles at isang bookworm. Siya si Spencer Quijano. Sikat siya sa school dahil sa husay niya s...