Tatlo

242 35 9
                                    


Nang marinig ni Amari ang pangalan ng babaeng nasa kaniyang harapan ay tila puno ito ng awtoridad kaya ang kaniyang dibdib ay higit na bumilis ang tibok ng puso. Nakaramdam siya ng tila isang kidlat sa loob ng kaniyang dibdib at ang sakit na nararamdaman ay nagdudulot nang paghirap sa paghinga.

Anong nangyayari? Ang sakit ng puso ko... hindi ako makahinga, ano ito?

Bulong ni Amari nang paulit-ulit sa isipan. Napahawak si Amari sakaniyang dibdib at kinalampag ito, nagbabakasakali na mawala ang sakit na nararamdaman. Dahilan ito upang ang Prinsesa ng Tawalisi ay lumukot ang mukha habang nakatitig kay Amari. Ngunit ang dalaga ay tuluyang napasubsob sa buhanginan dahil sa masakit na dibdib at paralisadong katawan.

Dinig ang pagsinghap ng lahat ng tao sa kapaligiran nang biglang lumuhod ang kanilang Prinsesa sa isang dayuhan upang tingnan ito nang mabuti.

Naramdaman nalang ni Amari ang mainit na balat na humahawak sakaniyang katawan, ang paggaan ng kaniyang sarili na tila ba ito'y lumulutang. Ang nagdidiliryo niyang paningin pinipilit na makita ang paligid, sa pagkabig ng paningin ni Amari ay natagpuan na lamang niya ang sarili na buhat ng Prinsesa. Nasaksihan niya sa malapitan kung gaano kagandang sining ang babaeng ito at tila mas tumindi ang kirot ng kaniyang puso kaya ang kaniyang paningin ay tuluyan nagdilim.

"Mahal na deboxah! Ang isang iyan ay lingid sa ating kaalaman ang pinagmulan, maaaring ito'y kanilang patibong!" pahayag ni Manubay ngunit hindi ito inalintana ng Prinsesa, bagkus ay nagpatuloy itong buhatin ang walang malay na katawan ni Amari papasok ng kaniyang magarang balay. Agad na sumunod si Manubay kasama ang ilang mandirigma upang sundan ang kanilang Prinsesa.

Nang makapasok ang Prinsesa sa loob ng kaniyang balay ay agad siyang pumunta sa silid at hinimlay ang walang malay na katawan ni Amari sakaniyang higaang gawa sa kawayan, habang ang paligid nito ay nababalutan ng nakalaylay na maninipis at puting tela. Nananatiling nakaupo sa tabi ang Prinsesa habang tinitignan si Amari.

"Inyong tawagin ang babaylan nang madali." Isang ma-awtoridad na utos niya sakaniyang mga mandirigma. Agad silang tumalima at tanging si Manubay lamang ang natirang nakatayo upang bantayan ang Prinsesa dahil ito ang pangunahin niyang tungkulin.

"Mahal na Hara Udaya, ito'y mapanganib na gawi, ang hamak na iyan ay walang pahintulot na kinuha ang iyong gintong kampilan. Lingid sa kaalaman natin ang kaniyang pakay, o maging ang kaniyang mga kasamahan." Pagpapaliwanag ni Manubay sakaniyang Prinsesa ngunit ito ay nananatili lamang nakatitig sa babaeng nakahimlay kaya't nakaramdam siya nang pagkalito.

"Ako'y nahihiwagaan sa dalagang ito, Manubay. Marahil sapat na ang kadahilanan na iyon upang gawin ko ang bagay na ito." Sambit ng Prinsesa habang marahan nitong hinawakan at tinignan ang palad ng babaeng walang malay.

Ang nag-uumpugang bakal at kilansing mula dito ang nagpalingon sa Prinsesa sa bukanan ng kaniyang silid. Maging si Manubay ay napalingon at tumambad sakanila ang matandang puti na ang mahabang buhok. Nakasuot ito ng hindi mabilang na gintong pulseras at kwintas na gawa sa kuko ng mababangis na hayop.

Agad na yumuko ang matandang babaylan nang makita ang Prinsesa bilang paggalang dito.

"Napag-alaman kong nais mo ang aking kakayahan, mahal na Hara Udaya." Tumayo at yumuko ang Prinsesa bilang paggalang sa matandang babaylan. 

"Labis ang aking pasasalamat sainyong pagtalima sa aking pangangailangan." Magalang na pagsambit ng Prinsesa sa matanda. Mataas ang kaniyang katayuan ngunit hindi niya ito ginagamit sa mga mas nakakatanda sakaniyang nasasakupan higit na sa mga babaylan.

"Manubay, nais kong mapag-isa kasama ang babaylan." Utos ng Prinsesa sa mandirigma, gustuhin man niyang hindi sumang-ayon ay wala siyang nagawa kung hindi sundin ito.

Hara UdayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon