BARANG vs. ASWANG 4

41 1 0
                                    

At muli ay nag plano ito na mag higanti sa taong may kagagawan na yon sa anak.

Batid nitong si Azon ang aswang na kumain at pumatay sa kanyang anak.

(Dorina) mag babayad ka...!!!! anak sa anak buhay kapalit ng buhay.

Kinabukasan ay agad na nag empake ng gamit si azon at kanyang anak upang umalis sa baryong iyon.

Ngunit may mga nanlilisik sa galit na mga mata ang nak titig sa mga ito....

(Azon) anak kukuha lang ako ng mga ilang gamit sa kamalig na ating bibitbitin. At
Ipag patuloy mo na ang pag eempake.

Ng makaalis si azon ay agad namang nag punta sa bintana si dorina.

At itinapat ang bibig sa mga palad nito at umuhip sa hangin.

At tila may isang itim na insektong lumipad papasok sa butas ng tenga ng dalaga.

Na pa singhap ang dalaga at agad na sumigaw ng ubod lakas.

Agad na mang tumalilis ng takbo si dorina sa mga talahiban upang makapag tago.

Agad namang pinuntahan ni azon ang anak na nag sisigaw.

At hindi nito malaman ang gagawin.

Habang naka titig si dorina sa di kalayuan at nag wika.

"NGAYON PATAS NA TAYO.

At nakita ni azon sa bintana ang papalayong si dorina.

(Azon) ah...................!!!!!! Mag babayad ka dorina........!!!!!

Tanging sigaw na maririnig sa bahay ni azon.

At biglang lumabas ang mga hindi mabilang na insekto sa bibig ng anak at agad itong natumba at nawalan ng malay.

Ng lapitan ito ni azon napansin nitong may gumagalaw sa tyan at mukha nito.

Mga uuod at alupihan ang nag gagapangan sa katawan ng anak at dagliang lumobo ang parteng iyon.

Habang nag sisigaw at umiiyak ang dalaga.

"Nay tulungan mo ako"

At isang malutong na pag sabog na tila buko na nahulog sa mataas na parte ng puno.

At sumabog ang hindi mabilang na mga insekto at mga uuod sa katawan ng dalaga.

(Azon) mag babayad ang Dorinang iyon sa pag paslang sa iyo anak ...

Ah..........ah........!!!!

Sigaw ng hinagpis ng isang ina.

Salamat sa pag basa

Betterknown.

Barang vs. AswangWhere stories live. Discover now