69

118 8 0
                                    


Haréin's POV;

Pagkarating namin sa bahay ay bumaba agad ako, umikot naman sya sa back seat upang kunin si Hanna na kasalukuyan paring natutulog.

Napailing ako nang sumulyap ito sa akin.

"Deretsyo mo na sa kwarto nya." Tumango sya.

Pumasok ako sa gate at dumeretsyo papasok sa bahay, nakabukas na ang pinto baka nandyan na si Mama na galing trabaho.

Hindi nga ako nagkamali. Naabutan ko si Mama na nagluluto sa kusina.

"Ma, andito na po kami. Kasama ko si Isaac, dinala lang nya si Hanna sa kwarto." 

Humarap sya, Andyan ang nobyo mo?"

Tumango ako at lumapit dito upang mag-mano.

Maya-maya pa ay nahawi ang kurtina at pumasok si Isaac doon. Lumapit ito sa amin.

"Nahiga ko na sa kama." Sabi nya sakin at nagmano ito ka'y Mama.

"Dito ka na lang mag tanghalian. Nagluto ako."

Habang kumakain kami ay tinatanong-tanong ni Mama si Isaac tungkol sa buhay nito. Tungkol sa pamilya. Hanggang ang usapan nila ay mapunta sa akin.

"Seryoso ka ba talaga sa anak ko?"

Seryoso ang mukha ni Mama after nya iyon itanong ka'y Isaac. Tumigil si Isaac sa pagkain pati ako.

Umayos sya nang upo at sumulyap sa gawi ko.

"Yes Ma'am," tumango sya nang bahagya.

"Kaya mo bang manatili sa tabi nya kahit na ganito lang ang buhay namin?" Huminto si Mama at tinignana ako. "Mahirap kami, nagtatrabaho ang anak ko sa isang coffee shop para tumulong sa mga gastusin namin dito sa bahay." Huminga sya nang malalim.

"Hindi ko talaga gusto na pumasok sya sa isang relasyon na hindi sigurado, bata pa kayo madami pa kayong pagdadaan. Ayoko namang nasa umpisa palang kayo ay susuko na ang isa sainyo. Ayoko no'n. Kaya dapat kung mayroon man kayong hindi pagkakaintindihan ay ayusin nyo hangga't maari. Nagkakaliwanagan ba tayo, Isaac?" Seryoso nyang tanong.

Naramdaman ko ang paghawak ni Isaac sa kamay ko sa ilalim ng lamesa, pinisil nya ito nang bahagya.

"Seryosong seryoso po ako sa anak nyo. Naintindihan ko naman po na nag-aalala lang po kayo sa kanya kaya wag po kayong mag-alala. Mahal ko po si Haréin at papatunayan ko po na karapat-dapat ako sa kanya."

Iniwas ko ang tingin ko rito, nagiging emosyonal na naman ako. Ang galing nya talaga magpaiyak ah.

"Kung gano'n, may plano ka bang ipakilala ang anak ko sa mga magulang mo?"

"Opo, sa darating na sabado uuwi po sila Mama sa pinas. Magkakaroon po kami ng family dinner kaya kung pwede po sana ay ipapaalam ko sainyo si Haréin kung pwede."

"Payag ako, basta ay i-uwi mo sya sa oras na ibibigay ko."





[Messenger]

1:02 pm

Phantom's Girl
Active Now

Raine:
Hatys pagod na pagod si Yohan ko kaya pagkauwi nakatulog agad.

Wala tuloy kaming bebetime.

Hyacinth:
Damian too.

They had been training this week to prepare for their game and luckily it's worth it.

Yereisha:
Pinalayas ko si Top lol.

Ang kulit, lande e.

Nilalandi ako e may presentation pa ako bukas.

Buti sana kung wala at papatulan ko panglalandi nya sa akin.

Raine:
HAHAHAHAHA pustahan 'di 'yan tuluyang umalis.

Yereisha:
Yeah.

Nandito sya ngayon nakahiga sa bed ko.

Ayaw nya tumayo, need daw nya ng lambing.

Ano nga ulit kami?

Raine:
With benefits, hindi ko alam kung anong benefits nga lang.

Ikaw @Haréin?

Haréin:
He ate lunch with us.

Mom invited him.

And he's currently sleeping beside Hanna.

Raine:
True ba?!

Yereisha:

Well, seems like ginisa sya ni tita HAHAHAHA

Haréin:
He will going to introduce me to his family this Saturday.

Raine:
Wow meet the family!

Need mong i-impress ang soon to be mother and father in-law mo!

Yereisha:
Let's go shopping!

Hyacinth:
I'm in!

Raine:
(2)!




Haréin's POV;

Natawa ako sa naging reaction nila. Mas muka pa silang excited kesa sa akin. Well I feel excited and nervous too.

Mag-ttype pa sana ako ng reply sa kanila nang maramdaman ang isang kamay sa bewang ko. Nakaupo ako sa kama sa tabi ni Isaac na batutulog ngayon.

Tinignan ko ang kamay nito na nakapalupot sa bewang ko.

"Love, can you lay beside me? I want cuddles."

Sumilay ang ngiti sa labi ko at inilagay ang cellphone sa side table.

Hindi naman magagalit si Mama dahil alam ko namang may tiwala ito kay Isaac, sya nga mismo ang nag-offer dito na rito muna magpahinga dahil pagod ito.

Hindi naman sya tinanggihan ni Isaac.

Yumakap ito sa akin at sumiksik sa leeg ko.

"I love you."

Napapikit ako nang halikan nito ang noo ko.

"I want to hear those from you, well i can wait."

Huminga ako nang malalim at yumakap pabalik sa kanya.

Hindi ko pa ba nasasabi sa kanya iyon?

Then... I want to grant it.

"I love you more, Isaac. I'm thankful that I have you in my life. Sorry it took me too long to say it."

"Fuck. Tangina."

"Hey, why?" Sinilip ko ito pero agad syang nagtago lalo sa leeg ko. Naramdaman ko ang pagkabasa ng leeg ko.

Is he crying?

"Umiiyak ka ba?!"

"No! Don't look!"

Epistolary: More Than Words Can Say.  Where stories live. Discover now