Epilogue

19.4K 274 15
                                    

The End of The Storm 





 Hindi na ako mapakali dito sa terminal. Kakarating ko lamang dito sa South Bus Terminal at kabang- kaba na talaga ako sa maaaring mangyari sa akin kapag hinarap ko na Siya. Ang aking ama. Alam ko naman na siya ang dapat kong unahin.



Matapos ang araw na makapag- isip ako ay namalagi na muna ako ng isang linggo dahil gusto kong ihanda ang sarili ko ngunit tila hindi ako magiging handa kahit na ano pa ang gawin ko dahil hindi ko alam kung paano haharapin ang aking ama na labis kong nasaktan sa ginawa ko-- sa ginawa sa akin ni Ace.



Nagpresenta pa nga akong ihatid ni Kuya Elmer at Ate Jezel ngunit umayaw ako dahil labis na ang kanilang naitulong. Nagpasalamat ako sa kanilang lahat at nakiusap na huwag ng ipaalam kay John na doon ako namalagi.




Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa aking mukha sa harap ng salamin dito sa comfort room ng South Bus Terminal. Nakasuot ako ng isang bestida at kulot ang aking mahabang buhok at may bangs pa ako. Nakasuot din ako ng isang makapal na salamin at may scarf ang aking leeg. Parang get up ni Kathryn Bernardo sa Got to believe ang peg ko. Hinaram ko ito kay Ate Jezel na ginamit niya noong gusto niyang umalis at magtago sa lahat ng nakakilala sa kanya pero ang buhok ko ay pinaayos ko talaga bago lumabas ng probinsya.




'Kaya mo ito Van, ngayon ka pa ba aatras gayong andito ka na?' bulong ko sa aking isip at nagsimula ng maglakad palabas ng Terminal. Sumakay ako ng jeep papunta sa aming bahay. Alam kong wala pa ang aking ama ngayon kaya hihintayin ko siya hanggang sa makauwi siya upang makausap siya tungkol sa dinadala ko.



Ng makarating ako sa tapat ng bahay ay hindi ko mawari ang kaba ko hanggang sa may maliliit na mga kamay ang yumakap sa aking binti.



"Hellow Ate, I miss yow" napangiti ako at agad umupo para mapantayan siya.



"Miss ka din ni Ate" Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. Miss na miss ko na talaga ang unang baby girl sa buhay ko.



"Nako, buti naman at umuwi ka na. Lagi ka kasing hinahanap niyan" ngitian ko na lamang ito at sinabing ako na ang bahala sa kapatid ko. Pagpasok namin sa bahay ay pinakain ko na muna siya at naglinis na din.



Sa pag stay ko sa Hacienda ay naging healthy ang baby ko dahil nadin sa pag- alaga nila sa akin. Mabuti nga't okay lang ang baby ko sa kabila ng mga nangyari.



Banda alas sais na ng gabi ng madinig ko ang boses ni papa sa labas ng bahay na tila hinahanap ang kapatid ko.



"Andoon na nga sa loob. Umuwi na kasi si Van" pagkadinig ko doon ay agad namang pumasok si Papa at nilapitan ako.

A One Mistake (Cycle d'Amis Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon