Isa

600 55 21
                                    

Padabog na isinara niya ang pintuan dahil sa sobrang galit at inis na nararamdaman sakaniyang mga magulang. Pumikit siya nang marahan habang pasubsob na hiniga ang katawan sa malambot na kama.

"What an ungrateful daughter! Get out of your room, now!" sigaw ng kaniyang ama mula sa labas ng kaniyang kwarto ay dumadagundong ang boses nito.

"Who cares who's grateful and who is not?!" sigaw niya sa unan bago tumayo at padabog na naglakad papuntang pintuan upang buksan ang kaniyang ama.

Pagbukas ng pintuan ay tumambad sakaniya ang hindi maipintang mukha ng lalaki, halatang galit ito at nagpipigil lamang dahil bakas ang pagtigas ng panga nito. Sa tabi ay ang kaniyang pangalawang ina na nakayuko at umiiling na lamang sa nangyayari.

"How dare you walk away like that in front of us?! Ganyan ba ang natututunan mo sa school mo?! You are old enough pero nasa pamamahay kita, kaya gagalangin mo kami ng Mommy mo!"

Pinagmamasdan lang niya ang ama habang dinuduro siya nito. Dahil sa palaging ganito ang nangyayari ay tila naging bingi na siya sa mga masasakit na salitang binibitawan nito sakaniya.

"Dad! Ilang beses ko pa bang uulitin saiyo? I didn't start that fight! Lumaban lang ako!" sigaw niya habang pilit na pinakakalma ang sarili dahil nagbabadya na ang mga luha dala ng galit sa sariling ama.

"Hindi ka mapapaway kung nakikinig kalang saamin! Sino bang may sabing pumunta ka sa bar ng dis-oras ng gabi?! Tapos makakatanggap kami ng tawag mula sa isang presinto?! Pasalamat ka at maraming koneksyon ang pamilya natin dahil kung hindi ay mabubulok ka sa kulungan!" Kinagat niya ang ibabang labi at yumuko habang umiiling dahil hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang sarili.

"Masama bang hanapin kung saan ako makakramdam ng kasiyahan?! Kung sa pagiging ganito ako makakalimot ay gagawin ko araw-araw!" sigaw niya sa kaniyang ama kaya lalong tumindi ang talim ng paningin nito sakaniya.

"This is not the first time na nasangkot ka sa isang gulo! And this is the worst! You are a disgrace to this family!"

Tila isang kidlat ang tumama sa kaniyang puso ang sinabi ng ama habang paulit-ulit na pumapasok sa kaniyang isipan ang sinabi nito sakaniya. Ang gusto lang naman niya ay ang maglibang kaya siya pumupunta sa mga lugar kung saan magulo at maingay pero palaging nauuwi ito sa isang pagtatalo sa ibang tao sa paligid.

"Ipapatapon kita sa bahay ng Lolo mo! At iyon ang kaparusahan sa lahat ng mga ginawa mong kalokohan dito sa Manila! You will transfer and finish your study in province! And this is final."

Napaangat siya ng ulo at naramdaman ang higit na galit sa sariling ama. Hindi siya makapaniwala sa kaparusahan na ibinigay nito kaya hindi niya napigilan ang sumigaw.

"No! you can't do this to me, Dad! This is too much!" saglit niyang pinunasan ang luhang pumatak sa mata.

Pero ang kaniyang ama ay umiling at ngumisi sakaniya, "You are the one who is too much! Napariwara kana! Alam mo bang iba't ibang complain ang natatanggap ko galing sa school mo?! Lumaki kang bratinela! Kaya ngayon ipapatapon kita kung saan hindi uubra yang pagiging bratinela mo!"

Ang dibdib niyang punong puno ng galit ay bigla na lamang dinuro ang ama na halatang kinagulat nito dahil sa kaniyang ginawa.

"Gusto mo lang mawala rin ako dito para makapamuhay kayo ng kabit mo! Diba?! Dahil wala na si Mommy ay miski ako gusto mong—"

Isang tunog ng sampal ang umalingawngaw sa paligid. Naramdaman na lamang niya ang paghapdi ng kaliwang pisngi dahil sa tumama dito ang palad ng ama. Napahawak nalang siya sa pisngi at napalunok habang patuloy ang pagluha. Luha dala ng galit at hindi ng kalungkutan, nakatitig lang ang kaniyang ama na halatang gulat din sa nagawa nito ngunit pumustura itong tila walang nangyari.

Hara UdayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon