SIMULA

8 1 0
                                    

Sa bawat ihip ng hangin naililipad ang bawat pahina ng libro. Libro kung saan nabasa ko na ang kasulatan ng buhay ko.

Ang tinig ng nakaraan ay tinatawag ako mula sa aking kahimbingan ng pagtulog. Ang akala kong panaginip lamang ay naging trahedya ng buhay ko, trahedyang kailanman ay hindi ko mababago. Kailanman ay hindi ko maiwawaksi sa buhay ko.

"Luciana iha ika'y bumangon na riyan at mahuhuli tayo sa misa!"

Isang sigaw ang gumising sa'kin. Napabalingkwas ako sa hinihigaan ko nang marealize na hindi ko alam kung nasaan ako. Napapikit pa ko't dinama dama ang sarili ko baka nasobrahan ako ng alak kagabi't may epekto parin ito sakin.

"Ok lang 'to, Yanna. Hindi ka pa nababaliw." sabi ko sa sarili ko.

Luminga linga ako sa paligid saka ko narealize na baka inuwi na naman ako ng kung sino sa bar. Tuloy gustong gusto kong sabunutan si Kayla kapag nakita ko yon. Hinayaan na naman akong sumama sa kung sino man. Pilit ko pang inaalala ang nangyari kagabi kung kanino na naman ako sumama kaso walang pumapasok sa utak ko.
Kinapa-kapa ko ang sarili ko nang mas lalo akong napapikit dahil sa suot ko.

Ano to?!

Nakapang damit ako ng sinaunang style ng damit. Iyong mahabang palda!

Mangiyak-iyak akong tumayo dahil kung ano ano nang nangyayari. Nagsisisi na akong uminom kagabi. Ito na ata talaga ang sign para hindi na ako iinom ulit. Itataga ko na sa bato.

Nahirapan pa akong tumayo dahil sa sobrang lambot ng kama, isama mo pa itong sobrang kapal at sobrang haba kong suot. Kung sino man ang nagpasuot nito sakin, sana hindi ko na sya makita pa dahil kakalbuhin ko sya!

Pagbukas ko ng pintuan bumulaga saakin ang babaeng may edad na.

"Ahh! Sino ka!" napasigaw ako sa sobrang gulat.

Napahawak pa ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Grabe naman kase itong si Tita, akala mo nasa horror movie kami eh!
Nagtataka ang itsura nito nang lumapit saakin tuloy napaatras ako.

"Luciana, hija. Anong nangyayari saiyo? Ako ang iyong ina." aniya nito at lumapit pa sakin.

Umatras ako nang umatras dahil sa sobrang takot. Di kaya na kidnap ako ng baliw na babaeng to? Pinagsasabi nyang nanay ko sya. Nasa Dubai si Mommy ngayon, panong sya ang nanay ko.

"Lumayo ka sakin! Hindi ikaw si Mommy! Anong kailangan nyo sakin ha?! Isang milyon? Wala kami non! Ibalik nyo na ko kay Mommy." palahaw ko.

Mangiyak iyak na ako nang lumapit pa ito nang lumapit sakin. Tumingin ako baba ng bintana, gusto ko nalang tumalon doon pero baka 50/50 na ko dahil sobrang taas. Makakatakas nga ako sa baliw na babaeng to pero mamatay naman ako.

"Luciana, anak?" aniya pa.

Sa pagkakataong ito sobrang takot na takot na ako. Kung dati ay nakipagsabunutan pa ako sa mga babaeng nang aaway saakin sa campus ngayon kakaiba na ang nararamdaman ko. Kalaunan ay may dumating pang ibang mga tao. Panay lahat sila ay nakadamit rin kagaya ng kasuotan ko. Ano ba to filming ng Noli Me Tangere?

"Anong nangyayari rito ina?" aniya ng isang babaeng maganda. "Luciana, kumalma ka."

"Kahit sobrang ganda mo hindi mo ko madadala sa mga pakiusap nyo! Ibalik nyo na 'ko kay mommy please." pakiusap ko.

Dumating ang ilan pang mga tao at nagsimula na silang lumapit sakin. Napakapit ako ng maigi sa bintana. Kung tatalon ako dito baka magigising na ko sa panaginip na 'to dahil super impossible nang totoo tong mga nangyayari.

"Huwag kayong lalapit!" pagbabanta ko.

Nagsimula nang umiyak ang babaeng tinatawag akong anak kanina. Nagdadasal nadin iyong mga iba pang babae sa likod niya. Ang iba naman ay sinusubukan akong pigilan.

Takipsilim Where stories live. Discover now