Chapter 31

530 9 2
                                    

NAGISING ako dahil sa maingay at walang tigil na pagtunog ng gate-bell sa labas, wala akong ibang kasama sa bahay kaya walang magbubukas para sa kanila.

I bit my lip, lumabas ako sa veranda ng kwarto. Dalawang sasakyan ang nakita ko sa labas, there's also an unfamiliar people outside.

"Teka lang!" I shouted at them, tumigil ang dalawang tao kaya naman pumasok na ako ng silid ulit.

It's already seven in the morning pala kaya may kung sino ng dumadating sa bahay, siguro sila na ang mga nag-apply para i-process sa City at Barangay ang shop ko.

Nagsuot ako ng simpleng shorts tsaka malaking shirt, hindi naman na big deal ang damit na 'to ngayon. Kahapon nga may nakita akong naglalakad na nakabra lang tsaka sexy short sa labas.

Iba na talaga ang mga kabataan ngayon.

"Sandali!" Sigaw ko pa dahil umulit na naman ang dalawang tao sa pagpindot ng bell, masakit pa naman ito sa tainga dahil masyadong matanda na.

I quickly ware my simple smile as I opened the gate, akmang babatiin ko ang mga ito ngunit naiwan sa ere ang ngiti ko. My heart rose up, my body began of shaking.

Parang nagflash back ang lahat ng mga memoryang natatandaan ko kasama ang mga kaibigan ko no'n, the way we all laugh, celebrate our achievements, go to salon together, and even plan our future together.

Tulala si Klent at Cyrez na nakatingin sa akin, kagaya ko rin. They look so successful, the way they dress and stood up. I bit my lower lip because of that.

Si Klent ay nakasuot ng blue long sleeve na hanggang braso niya ang tupi nito, he looks so clean and manly pero ang totoo ay tinatagong kalambutan sa loob niya.

Si Cyrez naman ay mahaba at may kulay na light chocolate ang buhok at kulot sa dulo, she's wearing a pink dress above her knee. Maganda ang hubog ng katawan niya, hindi pareho rati na payatot at kasama pa sa feeding program ng school.

They both suddenly cried out loud, mabilis akong niyakap ni Klent ng mahigpit at ganun din si Cyrez sa akin. I gasped in shock, but I smiled and also hugged them back.

"Fuck it, Ameyth! bakit ngayon ka lang bumalik?! bakit hindi ka man lang namin ma-contact do'n sa Maynila?!" Klent asked me, crying and begging for my answers.

"Eight years akong nag-alala sa'yo, Ameyth. Kumusta ka? paano mo kinaya lahat?" Tanong naman ni Cyrez.

Nakatingin lang ako sa kanila, I slowly smiled and nodded. "Pumasok na muna tayo, mainit na kasi ang araw." I told them.

Bago kami pumasok ay may kinuha sila sa kanilang mga sasakyan, they with three boxes of pizza and some ordered snacks. Mukhang magtatagal sila ngayon sa bahay.

"Wala kang ibang kasama? e' bakit malinis bahay niyo?" Tanong ni Klent, inilapag nila sa lamesa ng sala ang mga dala. Si Cyrez ay bumalik pa dahil naiwan niya raw ang take out sa KFC tsaka ang drinks.

"Huh? ako lang, hindi na kailangan ng katulong dahil kaya ko naman." Ngumiti ako sa kanya at inayos ang ibang libro na nagkalat sa tabing upuan.

"Sorry, hindi ko naibalik sa library ang mga 'yan kahapon. Have a seat, kukunin ko lang ang electric fan sa kusina." I told him, hindi ko na hinintay ang sagot niya.

"Bakit pala kayo parito?" I asked him, matapos kong madala ang fan ay kumuha ako ng mga kubyertos tsaka kinuha ko na rin ang sketch book ko dahil marami ang tinatapos ngayon.

"Busy ka?" Tanong ni Cyrez nang dumating mula sa labas, ngumiti ako at umiling ng dahan-dahan.

"Not really, tatapusin ko lang ang mga ginuguhit ko dahil next week na kami magsisimula sa paggawa sa kanila." I told them.

Against the Barrier (COMPLETED)Where stories live. Discover now