Chapter 30

513 9 2
                                    

A/N: 5 chapters to go, tapos na 'to.

UMANGAT AKO ng tingin kay Dravis, he quickly pulled me to a hug. Iniwas niya ako sa naghahabol na mga guwardya, ang likuran niya na ngayon ang nakaharap sa mga tao.

I squeezed his shoulder, bumaba ang tingin niya sa akin bago pinunasan ang pisngi kong punong-puno ng luha.

Mas lalo akong naguilty, narito ang girlfriend niya! ano na lang ang iisipin ni Michie kapag nakita niya kaming dalawa na ganito?

"What happened?" Malumanay niyang tanong.

"I s-swear, I d-didn't do it. H-hindi ako magnanakaw, Dravis." I almost whispered.

Nanatili ang mga mata niya sa akin bago tumango, humarap siya sa dalawang guwardya at manager. I hid in his back, and I could see how all of them are shock of seeing Dravis here.

"Could you freakin' tell me why the fuck is she trembling?"

Nagkatinginan silang lahat, nakita ko rin na napatigil sa paglalakad si Michie at Hannah. Shock wrapped all over their faces, the manager almost chuckled awkwardly.

"Nasa loob po ng bag niya ang isang kwintas na hindi pa nababayaran, kinuha niya po." Paliwanag ng isang guard.

Dravis squeezed my hand, he also throw a glance at me. Kaagad akong umiling, isang buntong hininga ang nagawa niya bago ulit humarap sa kanilang lahat.

"She said that she didn't, how sure are you that you witness how she took it?" Tanong niya, kaagad naman na lumapit ang manager sa amin.

"It's inside her bag, we assumed that she really took it and plus, the necklace cost a lot of money kaya kukunin niya talaga ito." Ani ng manager.

Nakita ko kung paano umigting ang panga ni Dravis, minasahe niya ang leeg na parang napipikon siya sa sinabi nito kaya hinawakan ko ang braso niya para kumalma, napatingin siya ulit sa akin bago ngumiti ng tipid.

"You just assumed things, hindi kayo sigurado. Even do you saw that damn necklace, are you really sure that she took it?" He asked, lumipat ang mga mata ni Dravis sa girlfriend niya.

Both Michie and Hannah averted their eyes, umayos sila ng tayo. Si Hannah naman ay kung anong binubulong kay Michie, somehow I saw how they suddenly tensed.

"You have a cctv here, do you? of course, malaki ang store na 'to and this is a big company. So, show us the cctv footage first so we could determine who's the real impostor." Aniya, lahat naman ay parang natauhan at tumango.

"Yes, we have here."

"At paano naman kung si Ameyth nga ang kumuha ng kwintas?" Tanong ni Hannah, lumipat ang mga mata ni Dravis sa kanya.

"Ako mismo ang magdadala sa kanya sa presinto." He coldly said.

Malapit ko nang mabitawan ang kamay ni Dravis, pero kahit hindi siya nakatingin sa akin ay mabilis niya pa rin itong nahawakan ulit.

"This way to my office, na install na rin sa computer ko ang cctv footage sabi sa itaas." Sabi sa amin ng manager pagkatapos tawagan ang nakaaasign sa mga cctv footage.

"Kailangan pa ba talaga naming sumama?" Parang kinakabahan na tanong ni Hannah sa amin, the manager looked at them confusely.

"Yes, diba nakita niyo siya? you are the witnesses."

Umiwas ako ng tingin sa kanilang lahat habang nakatayo sa gilid kasama si Dravis, kagat ko ang ibabang labi na napatingin sa mga nakasalikop naming mga daliri.

Why is he with me anyway? dapat ay kasama niya ang girlfriend niya, Michie keep glancing at us but Dravis didn't mind her. Ni hindi niya ito tinapunan ng pansin.

Against the Barrier (COMPLETED)Where stories live. Discover now