18: Boses Mula Sa LGBTQ

81 3 0
                                    

Boses Mula Sa LGBTQ”

Iba't ibang kulay na parang bahaghari sa langit.
ang gandang pagmasdan ng kanilang pagkakakilanlan—para silang isang butuin na nag niningning sa kalangitan.
mga taong may mabuting kalooban at nagdudulot lamang ng kasiyahan sa madla.
ngunit sila'y binabato ng masasakit na salita.

Ano ang masama kung sila ay kabilang sa bahaghari?
bahaghari na nagbibigay liwanag sa mga taong mahalaga at mahal niya.

Walang masama kung na i-iba sila ang mahalaga mabuti sila at walang tinatapakan.
hindi mahalaga kung ano ang sasabihin ng iba.
hindi na mahalaga kung anong kulay ka nabibilang.
ang mahalaga hindi ka katulad nila, mapanghusga, mapagpanggap at nakakasakit.

Mga tuwid na tao pero baluktot ang utak.
hindi marunong umintindi—sa tingin nila perpekto sila at may maipagmamalaki.

Wala naman— dahil puro hangin ang laman ng kanilang utak.

Bakit ayaw mo silang tanggapin?
wala namang masama sa itsura nila, puso at isipan lang nila ang na iba, dahil ito ang nagdidikta kung ano at sino ba talaga sila sa mundong ito.

H'wag tayong manghusga o mang-baba ng kapwa dahil sila'y may nararamdaman din, nasasaktan at umiiyak dahil sa mga mapanghusga—kahit anong mangyari sila ay na bubuhay parin sa mundong ito na may puso at isip, nakakaramdam ng sakit at pagod sa tuwing binabato sila ng masasakit na salita.

kaya ikaw, oo ikaw na kabilang sa mga miyembro ng lgbtq ay ipakita mo kung sino ka talaga.
sirain ang stigma at itaas ang iyong bandila nang libre at ipinagmamalaki ang iyong sarili.

dahil ikaw ay minamahal at iginagalang, dahil mayroon kang magandang katangian na hindi makikita sa iba. bukod tangi ka, at natatangi sa aking mga mata.

Mga bahaghari ng langit.

.・。.・゜✭・.・✫・゜・。.
₊˚ʚ ᗢ₊˚✧ ゚. ✍︎: 4elaaz ...

Mga tula na hindi masabi ng ating damdamin-Isulat natin. Where stories live. Discover now