Chapter 37

13.4K 300 125
                                    


Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng gabi, basta ang alam ko nakatulog ako sa sobrang pagod pag iisip

Hindi ko akalain na mag kikita ang tatlong Santillan pati na din si Cloud!
Bakit tila meron akong hindi pa nalalaman sa kanila?

Ewan ko pero malakas ang kutob ko, malalim ang koneksyon nilang apat

Narinig ko na nag bell na hudyat na malapit na mag simula ang klase

Tumakbo ako ng sobrang bilis upang umabot sa klase ngunit muntik na akong mabuwal nang may makabangga akong pader

Ako ang tumalbog at nadapa dahil sa lakas ng impact nun, nasapo ako ang noo ko sa sobrang sakit habang naka upo sa semento

"Damn!"

Napatingala ako nang may marinig akong nag mura na lalaki

Nakita kong nabubuan sya ng dala kong tubig na malamig kung kaya't nabasa ang damit nya

Nanlaki ang bata ko nang bigla nyang hablutin ang kwelyo ko at marahas na itinayo ng walang ingat


"Are you stupid?! Look what you've done! Dammit!" Gigil nyang turan at tuluyan kong nakita ang mukha nya ng malapitan

Umiigting ang panga nya sa galit at ang makakapal nyang kilay ay salubong na

"S-Sorry." Nanginginig kong turan, natatakot kasi ako dahil nakakatakot sya

Nakita kong ngumisi sya nang pikon, napaawang ang labi ko sapagkat pamilyar ang mga pikon na ngiting iyon!

"Stupid girl!" At di ko inaasahan ay tinulak nya ako ng malakas kung kaya't napabalik ako sa semento at napa aray sa sakit ng balakang





"Pre! Tama na yan! Babae yan wag mo patulan." Narinig kong turan ng kararating na mga lalaki at naawang nakatingin saakin


Ibig kong maluha dahil sa sakit na nararamdaman.
Sobrang sama ng ugali nya! Hindi ko naman sinasadya at nag sorry na din ako sa kanya ngunit napaka gaspang ng ugali nya!



"Storm, wala ka talagang sinasanto kahit babae ginugulpi mo." Iling na ngisi ng isa na para bang sanay na

"Psh!" Bago ito umalis ay tumingin muna saakin ito ng masama bago tuluyang umalis kasama ang mga barkada nya

Napaka antipatiko nya! Hindi manlang sya humingi ng sorry matapos nya akong itulak!

Kahit sobrang sakit ng balakang ko ay pinilit kong tumayo dahil ayokong lumiban sa klase ko

Iika ika akong nag lakad at napahawak sa bewang at balakang kong kumikirot sa sakit





Pag dating ko sa classroom ay ibig kong mag mura dahil sa sobrang kamalasan ko

Nakita ko ang apat na lalaking may bagong mukha na naka seat in saamin


"Gurl! Grabe ang popogi ng mga exchange student kyaahh!!!"

"Shh! Wag ka maingay, narinig ko mas senior sila saatin kyaah!!!"

"Ang pogi nung isa! Kaya lang parang masungit!"

"Sinabi mo pa gurl! Mata pa lang nakakalaglag panty nya!"

"Shunga, lustred kasi ang panty mo kaya nalalaglag"

"What if suntukin kita sa mata gurl?"

Napailing ako at hindi na sila pinakinggan at nag simulang pumasok sa classroom

Balita ko mga exchange student sila galing sa ibang skwelahan at mas matanda saamin

Psh! Sobrang sama ng ugali nung isa! Anong gwapo jan san banda?!

Madly Obsessed with Her (SANTILLAN SECOND GEN. #2)Where stories live. Discover now