Chapter 22

469 8 0
                                    

NAKANGITI akong pumasok sa loob ng bahay, ang mga bulaklak at mga libro sa paligid ang nag-alingawngaw. Tahimik kong nilagay ang sapatos sa tray malapit sa pintuan namin.

Nawala na lang ang ngiti ko sa labi ng maramdaman ang kakaibang hangin sa paligid. For an ordinary person, matatakot talaga sa nararamdaman dahil halos kalahati ng bahay ni lola ay ang negosyo niya.

Purenarya.

Kinagat ko ang ibabang labi at ngumisi, I efficiently turned around to face this silly girl. "Boo!" Gulat ko sa kanya dahilan upang mapasigaw siya.

Sapo ni Jojo ang dibdib niya dahil sa gulat, kaya hindi ko mapigilang humalakhak sa kanya. She dressed like a ghost again, her face was full of white powder and her lips are full of red liptint. May pasobra pa talaga sa gilid ng labi para mukhang totoo.

"Grabi ang effort mo ah, sige take two. Ikaw naman ang manggugulat." I teased her, masama niya akong tinignan tsaka ngumuso.

"Palibhasa immune ka na sa amoy ng patay! may araw ka rin sa'kin." Ngumisi siya, she look so creepy again.

Ganito lang talaga ang kasama kong ampon ni lola, she's three years younger than me. Kaya ginagawa ko ang lahat para magkapera, dahil nag-aaral pa ang bunso namin.

Bunso. . .

Ako 'yan dati.

Ngumiti ako dahil sa iniisip, kinuha ko sa bag ang wipes tsaka nilinis ang mukha niya kahit nakanguso pa rin siya. Tinatanggihan niya ang pag-ayos ko sa mukha niya.

"Hindi pa ako tapos! hindi pa bumababa si lola, gugulatin ko pa 'yun." Ngumisi siya, pabiro kong tinapik ang balikat niya dahil sa narinig.

"Ito naman, joke lang. Takot ka na maospital si lola, 'no?" Tanong niya, pairap ako do'n at mas diniinan ang wipes sa mukha niya.

"Mas takot ako sa bayaran do'n." Ani ko, natahimik siya bago ako niyakap ng mahigpit.

It made me stunned, bumaba ang tingin ko sa kanyang nakayakap sa akin ng mahigpit. Ilang segundo pa ay inangat niya ang mukha sa akin.

Nasilayan ko kaagad ang maganda niyang mukha, hindi mapagkakaila na may dugong bughaw nga si Jojo. Base sa curly blonde nitong buhok, she also have that beautiful light gray eyes.

"Salamat sa pagtatrabaho, sorry hanggang tulong lang sa pagmake up sa mga patay ang maitutulong ko sa inyo ni lola para sa pag-aaral ko. Bakit ba kasi sa private school ako pumasok?!" She almost hissed at herself.

Ngumiti ako at hinawakan ang panga niya para makaharap siya sa akin.

"Nasa UST ka dahil may scholarship ka na natanggap. Matalino ka eh." Hinaplos ko ang buhok niya, sumilay ang matamis niyang ngiti.

"Gaya mo?" Ngisi niya, tumango ako nang mawala na ang white powder sa mukha niya. Mabilis itong umakyat sa itaas para magbihis.

"Oh, nakauwi ka na." Bati sa akin ni lola pagkatapos niyang makababa sa mataas na hagdan ng bahay, ngumiti ako sa kanya bago nagmano.

"Mukhang hindi pa kayo nakakain, marami pa ang patay ngayon?" Biro ko nang pumunta sa kusina, wala kasing bakas na kumain sila.

Lola Pitcho chuckled as she placed down the rice, sabaw din na may malunggay at pira-pirasong parte ng pritong isda ang ulam namin.

Mukhang masasarapan ang tulog ko.

"Talagang ayaw maunang kumain ni Jojo dahil may sasabihin daw siya sa atin kaya hinintay ka niya, hay naku sa batang 'yan." She was shaking her head.

Umupo ako sa silya, maliit lang ang lamesa namin at tama lang sa aming tatlo. Ang malaking bahay, old fashioned style ito. Nasa ibaba ang purenarya at kusina, at sa itaas naman ang sala at ang mga kwarto kung saan kami natutulog.

Against the Barrier (COMPLETED)Where stories live. Discover now