CHAPTER 05🌱

62 1 0
                                    


SAPPHIRE'S POINT OF VIEW

"Si tita, nasa ospital naba kasama si Cyrus?" Tanong ko.

"Oo girl, kanina lang." Sabi nya sabay punas ng luha nya.

"Wag kanang umiyak. Baka sapakin ka ni Tito nyan." Sabi ko.

"Samahan mo ako ha?" Sabi nya.

"Oo naman. Ikaw talaga, Kaya nga ako bumalik dito." Sabi ko.

"Hindi kana babalik sa America?" Tanong nya.

"Hindi ko alam, kasi pakiramdam ko ay pabigat ako sakanila." Natatawang sabi ko.

"Daan muna tayo sa ospital, paalam tayo ni Mommy."

"Hindi ba sasama si Tita sa atin papuntang Iligan?" Tanong ko.

"Hindi nya pa pwedeng makita si Daddy ng ganon."

"Sige ikaw." Sabi ko nalang.

"At saka pag maayos na ang pakiramdam ni mommy, pwede na syang pumunta doon, tara!" Sabi nya. Ako pa ang umuna sa pintuan pero hinigit nya ako.

"Ganyan suot mo?" Tanong ni Roi.

"Ano naman sa sout ko?" Natawa sya bigla.

"Naka hoodie, at saka leggings, may pa antipara antipara kapa!" Sigaw nya. "Mag palit ka!" Dagdag nya.

"Baka hindi pa tayo maka abot sa ospital nyan." Sabi ko, mukhang na gets nya man.

"Ay oo pala, mag palit ka kahit hoodie mo lang, ang init Kaya dito sa Pilipinas." Sabi nya at may kinalkal ang damit ko.

"Ito! Couple tayo girl!" Sigaw nya.

"Pasalubong ko yan sainyo ni Mac!" Sabi ko. Nadala ko pala yan.

"Sige na wala naman si Kuya eh." Sabi nya." Ang ganda ng tila girl, i lab it!" Sigaw nya.

"Hoy, ayoko nga!"

"Dali na. Isuot no to, tapos suotin mo ang hoodie mo, faster!" Sigaw pa nya.

"O ito na ito." Sabi ko at tumalikod at nag hubad, si Xav Lang naman yan eh. Saka may bra naman ako. Nakita na nga ito ng ibang lalaki, si Xav pa kayang best friends ko.

"Let's go!" Saka nya ako inakbayan!

Pumara kami ng taxi papuntang ospital Kung saan si Cyrus. 17 year old na si Cyrus. Isip bata pa rin.

Nakarating kami ni Xav sa ospital, grabe ang init! Walang namang sigurong nakakakilala sa akin dito siguro.

Tinanggal ko ang glass ko. Inakbayan ako no Xav, para kaming mag jowa sa estado namin.

"Hindi tayo tayo." Sabi ko.

"Ewww, kilabutan ka nga, I know." Maarteng Sabi nya.

Pinagtitinginginan kami ng tao sa ospital na yon. May narinig din akong bulungan.

"Si Papillonlégér ba yon?"

"Girl si Papillonlégér girl!"

"Pa picture tayo girl." Bulungan ng mga nurses doon.

"Ay grabe ang sikat ng bestie ko." Saka nag apir kami.

"Hindi naman." Sabi ko.

"Sus, pa humble ang gaga, tangina!" Sabay kaming pumasok sa silid ng kapatid nya. Agad kong nakita si tita na pina pakain si Cyrus.

"Tita!" Sigaw ko sabay takbo sakanya.

"O, iha, kailan ka pa naka uwi?" Tanong nya.

"Kanina Lang po." Sabi ko.

MY BOYFRIEND IS A SOLDIER🌱Where stories live. Discover now