Chapter 7

14 1 6
                                    

NAGUMPISA na mag-check out si Sol sa glamping experience niya. Hindi pa rin mawaglit sa isipan ni Sol ang mga sandaling kapiling niya ang kanyang asawa kagabi. She's always spacing out. Napukaw ng babaeng attendant ng glamping ang atensyon niya.

"Ma'am your receipt. Thank you. Have a nice day!"

Nginitian niya ang attendant bilang tugon at umalis na siya. May bus service na naghihintay sa grupo nila na uuwi. Biglang may hiya siyang naramdaman dahil ang mga naroon at kasama niya sa bus ay mga mag-couple siya lang siguro ang nag-iisa. Napabuntong-hininga na lang siya sa nakita. Nang makarating na sila sa station agad siyang bumaba ng bus at hinanap ang electric car niya.

Habang lulan ng electric car at binabagtas ang kalsada ng phase 2 kung nasaan ang madaming mga surfing gear. Malakas kasi ang alon sa gawing ito ng isla. Muntik na siya may makabanggaan. Mabuti ay nakahinto siya agad. Pag-angat ng ulo niya nakita niya sa Light. Bumaba ang lalaki sa electric car kinatok nito ang bintana niya. Ayaw niya ito makausap. But the guy is really persistent. Kuhang-kuha nito ang inis niya. Light's looks like a fucking fool. She can see black circles and a bags on his eyes. Natutulog ba 'to?

"Oh bakit?" Bungad niya nang binaba niya ang bintana ng mini electric car.

"Can we talk?"

She smirked. "What is it? Is that important?"

"About me and Hinata."

Kunwari napaisip si Sol. "Uhm? 'yong baby mo? Bakit pa?"

"Can we just talk about it somewhere else?"

"Saan? My place or your place?" Masuyong nginitian niya ang lalaki.

Nakita niya na nainis sa kanya ang lalaki. Nagpalatak pa ito. Tsk!

Ganyan nga Light. Mainis ka sa akin. Don't you dare come near me again. Ass!

"Nyx, please. I want to explain myself."

Kumunot ang noo ni Sol. "Why? Its not even a big deal to me. You have your baby. I have my husband. Remember, married." Sabay pakita sa wedding ring niya. "So please Light excuse me. Patahimikin mo na ako. Can you do that?"

Pinaandar niya ang sasakyan kahit gusto ni Sol itodo kaso mabagal talaga ang electric car. Marahas na huminga si Sol dala na rin prustasyon. Nakarating na siya sa kanyang villa. Narealize na bigla mag-isa na lang siya sa isla. Wala siyang kausap. Gusto niyang aliwin ang sarili pero parang wala siyang gana. Gusto niya lang magkulong muli sa kanyang villa. Bakit kasi ang tanga niya masyado niyang minahal ang asawa may Stockholm Syndrome na yata siya. Mahal pa rin niya ang asawa kahit na kinulong siya nito emotionally. You're such a loser Sol! Ngayon, she's also frustrated because of Light. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang galit at inis niya.

Napaisip siya na puntahan si Hudson. Gusto niya ng kausap. Gusto niya mag labas ng sama ng loob niya na hindi niya alam kung saan nang gagaling. Sana nakabalik na siya.

Nag- door bell siya sa villa ni Hudson. Ilang segundo lang ay pinagbuksan na siya. "Hi, are you busy?" Bungad na bati ni Sol. Halatang nagulat si Hudson sa reaksyon nito.

"Oi Nyx. I'm not busy. Kakain na nga ako ng lunch. Gusto mong sumama?"

"Yeah."

"What time ka pala umalis? Kasi ako kababalik ko pa lang." Tanong ni Hudson habang nag-scan doon sa door para i-lock ang villa niya.

"Maaga ako umalis. Mga 6 am."

"Ah kaya pala hindi tayo nagkasabay sa bus. Invite na sana kita, good thing you are here. Tara!"

Sumakay sila mini electric car ni Hudson at nakarating sa isang English restaurant named The Big Catch. Halata mo na isang English place ang restaurant dahil may nakasabit na maliit union jack flag sa labas ng resto.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EUPHORIA: Te Quiero, SayonaraWhere stories live. Discover now