Chapter 15

357 9 0
                                    

"SAAN tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong kay Dravis matapos niya akong dinala sa itaas na palapag ng bahay nila, mabuti na lang at hindi kami napansin ng iba.

All of the guests are busy handling themself in the ground floor, ang ilang photographer ay hindi kami napansin at mabuti iyon!

I'm sure na mapopost ito sa facebook, at baka makita pa ako ni mommy or anyone in our family. They will ask me why I am here, hindi pa naman alam ni mommy kung saan ako pumunta.

I couldn't help but smile at Dravis, malaki ang ngiti niya habang hinihila ang kamay ko patungo sa dulong kwarto. But before that, we stopped running.

"Ito iyong kwarto ko, pero di tayo pwedeng pumasok kasi bawal ang girls sabi ni mommy. Tsaka, madumi pa kasi hehe." Kinamot niya ang ulo habang tinuturo ang kwarto niya, nakasarado ito at kulay puti ang pinto nito.

"At ito naman, ito ang pahinga ko." He says as he showed me the last room, ito lang ang nag-iisang kulay asul na pinto sa lahat ng kwarto rito.

Dravis grinned at me before he opened the room, madilim ang nakita ko pero hindi ko mapigilang mamangha nang binuhay niya ang ilaw sa loob.

My lips parted as I saw what's inside, he guided me as he also stared at it. Tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa gulat.

Puno ng musical instrument at sa kabilang bahagi naman ng kwarto ay mga art materials, kay Dravis ba ang silid na ito?

"Wow. . ." Iyon lang ang lumabas sa labi ko kaya naman napatingin si Dravis sa akin, inayos niya ang mga gitara niya bago tumawa ng mahina.

"Yeah, kahit nga ako nagulat dahil madami na pala akong nailagay." Aniya, umupo siya sa isang stool at hinayaan akong sumuri sa buong paligid.

"You're into arts and music?" I turned my back to see him.

He was just sitting and silently watching me, I was gazing back at him. There's so much words in his eyes, I could say that.

This scene was like giving me a vibes of there is so much words in the unsaid.

I bit my lower lip as he suddenly cleared his throat, umiwas siya ng tingin at tumango bago niya kinuha ang electric guitar niya.

"Ito ang pinakagusto ko sa lahat, gusto mo sample para mas mainlove ka?" Ngumisi siya, I rolled my eyes as I sat in another stool near his piano.

"Try me." I dare him.

Umangat ang gilid ng labi niya bago kinuha ang phone niya, tumunog ng mahina ang isang kanta ni Taylor Swift, the last thing I know this song was titled as gateaway car.

Dravis was fixing the chords as he was preparing for the songs chorus, nakatingin lang ako sa kanya. Mabuti na lang at may table sa harapan ko, inilagay ko ang panga sa palad habang nakapatong sa lamesa ang siko.

I was just staring at him, he was smiling.

Narealized ko, bakit kaya hindi suplado si Dravis? well, mabait ang mommy niya. He was raised with so much love and attention from his parents.

Parang wala lang din sa kanya ang pagkamatay ng ate niya, I mean; he was broken I could say that pero hindi tumagal iyon. He acted like everything is fine, kagaya na lang ng parents niya, makikita na masaya pa rin ito at hindi halatang malungkot.

But if you just stared at them, at their brown eyes. . . they are all broken. They may be okay but, not fine at all.

Ramdam ko ang magaan na ngiti ko para kay Dravis habang nakatingin sa kanya, I never seen someone live from within.

Naalerto ako sa pag-upo nang sinimulan niya nang patugtugin ang electric guitar, tumingin siya sa akin at kumindat.

Sumabay sa tono ng kanta ang gitara niya, he was playing it so well like a pro in the field of music. Nakakamangha, hindi ko inakala na marunong si Dravis sa lahat ng ito.

Against the Barrier (COMPLETED)Where stories live. Discover now