Chapter 1: The Beginning

457 15 2
                                    


Chapter 1: The Beginning

"Hope, gising na. Baka ma late ka nanaman.." medyo antok pa ako kaya hindi ko na pinansin si mama..
"Gising na anak..."naramdaman ko ang magaang kamay ni mama na bahagyang inalog ako para magising..

"Teka lang ma .. bababa ako within 3mins.."
sumara ang pinto hudyat na umalis na si mama ng kwarto ko..

Isang panibagong araw naman ito sa kaharian ng Erisa... Kung saan pinamumunuan ng isang mabait, at magandang reyna si Reyna Ysabelle at isang matapang at mapagkumbabang hari na si Haring Leonardo...
Nag unat ako at sandaling pinag masdan ang mga taong nag kakasiyahan sa daan kung saan inihahanda na ang mga banderitas para sa Harvest Festival...
Natigil ang pag mumuni muni ko ng sumigaw si mama...

"Hope bumaba ka na dyan!!"

Dali dali akong nag prepare at bumaba para mag agahan...

Habang nasa gitna na ako ng aking pagkain napatigil ako sa tanong ni Papa..

"So, anak may mga friends kana ba sa bago mong school?.."

"Ah, eh hehehe..opo"it was a half lie isa lng naman yung kaibigan ko eh...
"Sino si Micah? What I mean anak is friends with s not friend"

"Ika second week plng po ng school year hindi nmn po madaling mag adjust sa bagong school..sana po hindi nlng tayo lumipat.."
Sandaling nagkatinginan si Mama at Papa bago mag salita...

"Anak intindihin mo nalang para rin to sayo..." anong intindihin? Hindi ko nga alam kung bakit kami lumipat.. imbis na sumagot pa ay tumango nlng ako...
Tinapos ko na agad ang pagkain at nagpahatid kay Papa sa school...


Windsor Academy... kung saan ako nilipat nila ni mama ng school...

"Hope!" Napatinginako sa direksyon ng tumatawag sakin... Si Micah..
Agad akong lumapit sa kanya at yumakap...

"Hope! May ikwekwento ako sayo!!"excited na pahayag niya..

"Anong naman yun?"

"Si Prince Zachary!! Lilipat dito!!"

"Prince Zachary? Pero taga kabilang kaharian siya? Anong meron?"

"Hindi nayun mahalaga ang importante nandito yung gwapong prinsipe!!"halos pasigaw niyang sagot dahilan para mapa tingin sa aming direksyon ang mga istudyanteng pumapasok kasama namin...

Prince Zachary.. siya ang anak ng Haring Dimitri at Reyna Emelina ng Helisya.. Doon kami ng galing ng hindi pa kami lumipat dito sa Erisa... Bakit ang isang Prinsipe ng Helisya lilipat dito? Hindi naman big deal sakin yon pero na cu curious ako...
Hidi ko namalayan na nasa 3rd floor na pala kami papunta sa aming classroom. ..
Mukhang hindi lamang si Micah ang excited sa pag dating ni Prince Zachary dahil may mga poster pa na naka paskil sa wall at mga nag uusap na mga estudyante tungkol kung paano siya sasalubungin..
Seriously? ?.. ano bang meron sa Prince Zachary na----

"Ahhhh!!..ayan siya ang gwapo!!"sigaw ng mga estudyante sa hallway na tumakbo papuntang veranda ng school...

"Hope tara na!! Salubungin natin ang gwapong Prinsipe!!"

Hindi sana ako sasangayon pero huli na ng hilain niya ako at natangay sa alon ng mga esrudyanteng atat na atat na makita siya...
Halos madapa na ako dahil sa pag hila sakin ni Micah...

"Excuse me, excuse..."nakipag gitgitan si Micah habang ako nmn ai nag paiwan nlng sa isang tabi...

Parami ng parami ang mga estudyanteng tumatakbo pa puntang veranda kaya napag isip isapan ko na pumunta nalang ng classroom ng mag Isa...

Pag pasok ko ng kwarto agad akong umupo at nag answer ng assignment namin para sa second subject.. nakatulog kasi ako kagabi kaya hindi ko nagawa pasalamat nlng ako dahil wala dito ang mga maiingay kong mga kaklase...

"Sa wakas wala nang ingay!!" Sigaw ko ..

"Ano ba ang ingay! May natutulog dito!" Naku patay...
Paglingon ko sa kinroroonan ng boses.. Si Prince Edward. .. ang anak ng kapatid ni Haring Leonardo na si Lord Jonathan..

"Pasensya na..."agad akong tumayo..dun nalang ako sa library  siguradong walang tao dun... himala kung meron...
Akmang palabas na ako ng pinto ng
"Teka Hope!!" Napatigil ako sa pag tawag niya...alam niya ang pangalan ko?..hanep hah...

"Kilala mo ko?"sagot ko ng lumingon ako...

"Bakit hindi magkaklase tayo...anong klaseng tanong yan?"

"Oo nga no..."

"Bakit andito ka? I mean bakit hindi mo sinasalubong ang Prinsipe ng Helisya?..." ano akala ng lalakeng to sakin katulad ng ibang babaeng yun na parang ngayon lng nakakita ng gwapo?

"Ano akala mo sakin kagaya nila? Ayaw ko ngang sayangin ang oras ko dyan, at isa pa hindi ako naka answer ng assignment kagabi..." a small smile creep on his lips at sumilay ang kanyang dimples...

"Wag mong kong tingnan ng ganyan nakakatakot para sa gaya mo..."

"Anong gaya ko?"

"Nevermind, by the way samahan mo nlng ako dito mukhang tayong dalawa lang naman ang tao dito"

Hindi na ako nagatubili pa kami na lang kasi ang tao dito..

Ilang minuto ang nakalipas unti unting may na mumuong ingay na sa hallway hudyat na papunta na ang mga estudyante sa kani kanilang klase, mabuti nalang tinuruan ako ni Prince Edward, math pa naman to...

"Grabe ang gwapo talaga niya" at ayan na sila ang mga kaklase kong maiingay....

"Hope!! Hope! ! Ba't bigla ka nawala kanina? Btw may news ako sayo" at eto ang isa, ano ba talaga ang meron sa Prince Zachary na yun?

"Maging kaklase natin siya!! Ahhh!!"

Siniko ako ni Prince Edward na lumipat ng upuan sa tabi ko...

"Anong nangyari dyan sa kaibigan mo?"sabay nguso kay micah ngayon ay nakikipag usap sa iba kong mga kaklase....

"Ewan ko hayaan mo na, minsan lang maging baliw yan" tumawa naman siya ng mahina at bumalik sa kanyang upuan sa isang sulok...

Pinagmasdan ko ang aking mga kaklase na ngayon ay nag uusap usap tungkol kay Prince Zachary na magiging kaklase namin...

Dito sa Windsor Academy mga elite students lang ang makakapasok dito... kaya sobrang thankful ako at may nag aruga sakin na mga mabuting magulang noong may nag iwan sakin sa isang farm sa Helisya yun ay ayon sa kwento nina mama at papa... tatlong taon ako nun at hindi ko matandaan ang mga pangyayari...
Natigil ang aking pagmumuni muni ng biglang sumigaw ang babae kong mga kaklase..

"Guys!! Papalapit na siya rito sa room!"
Agad agd namang nag si ayos ng upo yung iba kong mga kaklase at ang  iba naman ay hindi mapakali sa pag aayos ng kanilang sarili pati si Micah na nakikipag usap kanina ay hindi magkamayaw sa pag ayos ng kanyang make up ngayon...

Seriously? ? Nagayuma ba ang mga ito?....

Hi Windsorians!! Pinalitan ko po yung the missing princess... pero po ito parin yung plot ng story... may konti lng po na binago... thank you po...

Windsor AcademyWhere stories live. Discover now