Prologue

5 0 0
                                    

Before I start this story, I just want to say that this is just part of my delulu moments kay jay, so sorry kung hindi maganda, at kung may mga errors, and also this is my first time, dami kong sinasabi, start na nga

---------------

"Hayyy" tama na nga 'tong delulu ko. I was just scrolling through my TikTok no'ng nakita ko yung edits ng mga pic niya, kahit kailan talaga napaka pogi

"Hoy leil Tama na nga yang ka delulu - han mo dyan, mag saing kana." Sabi ng kaibigan ko na si Andrea, actually tatlo kaming nakatira sa isang bahay, college students na kasi kami , so we decided na mag isang bahay nalang, para maka tipid narin kami. Andrea is a first year college, while mitche is 2nd year college, and I am a graduating student, I take BSBA major in marketing, kung tatanungin niyo ko kung bakit, 'di ko rin alam hahaha

"Oo ito na nga babangon na." tumayo na ko baka mag daldal - daldal nanaman siya, mukha pa naman siyang nanay choss wag niyong sasabihin sa kanya peace : )

Pag bangon ko agad na rin akong nag asikaso kasi ako ang naka toka para mag handa ng pagkain namin, at kung itatanong niyo kung nasaan si mitche, nasa galaan nanaman kasama ang jowa niya, dati nga kahit mahigpit ang tatay niya tumatakas parin siya para lang makipag kita sa mga nagiging jowa niya. Among us three, she is the only one who have experienced when it comes to having a relationship, Andrea is also NBSB kase undecided pa choss, at ako naman ay may asawa na ko di niya nga lang alam, si Atlas Sebastian Riego, ang aking nag iisang bituin, na kahit anong gawin ko, napaka impossible talagang maabot, ayy tama na ang drama, baka matalakan pa'ko ni mama drei.

"Oh nakapag saing kana ba dyan leil? "Kala mo totoong mama kung mag tanong e.

"Opo ma" I said teasing her.

"Si mitche pala saan nanaman nag suot, sinusulit talaga niyang wala siya sa puder ng papa niya ah "

"Hayaan mo yun, malaki na yun" i laughed totoo naman yung sinabi niya, sinusulit niya nga ata ng gaga ang kalayaan.

Nag sisimula narin kaming kumain ng dumating si mitche, kaya sumalo na rin sa hapag

"Nhak alam niyo ba, nalaman kong kinasal yung ex ko e ang pangit pa naman nun." I laughed ang hilig mag sabi ng ganyan e pinatulan niya naman noon by the way if you're wondering "nhak" is their endearment ewan ko ba sa mga yan.

"E pinatulan mo naman noon." andrea said

"Past is past nhak, kaysa naman dito kay leil na puro nalang yung Atlas ang nasa isip kahit 'di naman siya kilala." Ouch masakit yun ah, tinamaan ako.

*Hoyy wag ka ngang ganyan atleast pogi, at napapasaya ako" i said

"Eh di ka naman kilala." And then they laughed. Ang sasama talaga ng mga ugali kahit kailan.

After our launch, nag hugas na si mitche kase ako naman ang nag luto ng pagkain namin, si Andrea naman ay may pinuntahan, nag s - sideline kase yun na photographer sa mga events.

Nasa kwarto ako ngayon at mag s - scroll lang sa feed ng aking my love ( oo na delulu nga kase ako ) wala rin naman na'kong gawain at walang pasok ngayong araw. Bigla ang napatigil sa pag scroll ng makita ko na may dating rumor ang Seb ko, ito yung nakasama nila sa music video, may nakapag video sa kanila mag katabi sila, at nag tatawanan, syempre issue na agad yun sa media, pero masakit isipin kung mag kakaroon nga ng relasyon ang mga idol natin, but we need to face the reality that they're also human, they're capable of being in love, na kahit masakit kailangan nating tanggapin yun. Tama na nga tong drama ko, lalabas nalang ako para bumili ng meryenda, na gugutom na kase ulit ako hehe.

When I went outside naka salubong ko yung nag titinda ng maruya sakto at hindi ko na kailangang lumayo.

"Te magkano 'tong maruya ?"

"20 pesos lang." Wow lang grabe na talaga ang bilihin ang tataas na.

"Dalawa nga po." Bilhan narin natin si mitche lamot pa naman yun.

"Ito na yung po bayad." Sabay abot ng barya sa ale.

Hay maka uwi na nga ang init na naman kase tanghaling tapat.

Pag dating ko sa bahay na inuupahan namin, kinatok ko na si mitche sa kwarto niya para sabay na kaming mag meryenda.

"Che halika binilhan narin kita ng maruya"
At wala pang Isang minuto lumabas na ang gaga.

"Ayy wow nhak may sakit ka ata?"Sabay dapo ng kamay niya sa noo ko.

"Wag na nga lang"At aastang tatalikod na ako, kaso pinigilan niya ako.

*Ito naman hindi mabiro, lika na sagot ko na inumin natin" Wews eh sa ref lang naman kukuha ng tubig yan.

After that pumasok nalang ako sa kuwarto at mag bebetime sa love ko, kala mo talaga may relasyon

Habang nanonood, grabe na ang gulo ng kama, dahil para akong uod na binudburan ng asin.

"Hey! guys we are informing you, that we will have a concert next month in Araneta, hope you all would come, love you all." he said on a live video along with his group member.

Atlas Sebastian is part of a group called tenacious, which means a person who never gives up, and never stop trying, through their songs, they inspires a lot of people, including me, to never give up, even though it's hard, just keep on trying, that is the reason why I do love, and adore him. In their group he is the most popular, because aside from being guitarist of their band, he's also an actor, kaya maraming na l - link sa kanya. Tenacious has 3 members, the members of their group is Zion Alli Cuesta who's the drummer, Reeve Simon Alcande, who's the main vocalist, and My love Atlas Sebastian Riego who's the guitarist. There are only three members because they all can multi task, and they are really great.

"Hayy grabe talaga ag epekto mo sa'kin" Gusto kong pumunta ng concert, hindi ko syempre palalagpasin ang makita siya, kaya kahit on a budget goraaaa.

"My beloved fans, I really appreciate you all, thank you for supporting us this much, I can't thank you enough, always remember that if you feel that you're alone, we are here, we love you." Thank you Seb kahit hindi mo ako kilala personally, napapagaan mo ang puso ko.

At hindi ko na namalayan ang oras, at nakatulog narin ako habang nanonood ng mga videos ng tenacious, nagising nalang ako ng ginising ako ni Andrea, kase nakarating na siya.

------------------------------

Tama na muna ang sakit na ng mga kamay ko, at namamanhid na.

You did well self, this is my first time writing a story, this just for my self para matugunan ang pagiging delulu ko.

Byieeee : )


Tenacious Where stories live. Discover now