Prologue

5 1 0
                                    

This is a work of fiction. Any names or characters, businesses or places, events or incidents, are fictitious. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

TRIGGER WARNING⚠️ ABUSE⚠️

"Ilan ka sa exam?" Tanong ng aking katabi na si Shanah nang mapansin niyang nakatitig lang ako sa aking papel.

"F-fourty-nine"

"Ayh, wow naman, naks! Congrat! Talino mo talaga—hoy ba't ka naiyak? Tears of joy yarn?"

Umuling-iling ako. Hindi pwedeng may mali ako sa exam kahit isa. Binasa ko ulit ang question sa number twenty-five, pero mali talaga ang sagot ko. Pa'no ko namali 'to? Ang dali-dali lang ng sagot pero bakit mali ang nasagot ko? Gan'to ba ako ka bobo para mamali ang simpleng sagot?

"Hoy Siri, wag ka nga umiyak." Naramdaman ko ang pag alog-alog niya sa'kin. "Congrats, na perfect mo ang exam sa lahat ng subject..." Tumingin siya sa test paper ko sa math "...Almost"

Tinakpan ko ang mukha ko dahil ayaw tumigil sa pag-tulo ang mga luha ko. I'm scared. I'm scared of what will happen later.

"Crying again? Wala ka talagang ibang ginagawa, noh, kundi umiyak nang umiyak. Tsk, cry baby," rinig ko ang tawanan nila Cheska.

Isa sila sa mga kinatatakutan ko. Kahit wala kang ginagawang masama—bubugbugin ka na parang hayop pag walang magawa. Pare-pareho lang silang lahat.

"Hoy, babae, wag puro iyak. Sumunod ka sa'kin," sinipa ni Cheska ang upuan na inuupuan ko.

Pinahiran ko ang luha ko at tumayo para sumunod sakaniya. Tinawag ako ni Shanah pero hindi ko siya nilingon. Ayaw ko siyang madamay.

"Upo, bitch"

Bago pa ako maka upo ay sinikmuraan na niya ako. "Aghh! T-tama na"

"Huh? Ano yun? I can't hear you" pinag-tatawanan nila ako.

"Tama na please, maawa kayo sa'kin" lumuhod ako at humingi nang awa.

"Pathetic, 'di panga tayo nagsisimula" sinabunutan niya ako.

Pagod na ako sa ganito. Lagi nalang. Bakit ako pa? Bakit laging ako? Anong ginawa ko para ganituhin ako? Sa panahong binubugbog ako, sa panahong gusto ko nang yakap, sa panahong gustong gusto ko nang sumuko—wala, walang narito sa'kin. Walang yumakap sa'kin. Kung hindi ba ako inabandunado ng tunay kong pamilya—masaya ba ako ngayon?

Sampal, sipa, suntok at sabunot ang inabot ko sakanilang mag-kakaibigan. Kahit anong iyak ko, hindi nila ako titigilan. Titigil lang sila pag gusto nila. Kahit anong sigaw ko—walang makakarinig sa'kin, dahil nasa basement kami ng eskwelahan.

At kung meron mang makakarinig—wala silang pakealam. Ayaw nilang madamay. Ayaw nilang mapalayas dito sa eskwelahan. Isang tawag lang ni Cheska sa kaniyang mga magulang, papaalisin ka na dito sa eskwelahan.

Swerte ako kasi binubugbog lang ako, imbes na palayasin dito.

Swerte? Haha

Nang matapos nila akong pag-laruan ay iniwan na nila ako dito sa basement. Inayos ko na ang aking sarili, pinahiran ko na rin ang dugo sa ilong ko. Inayos ko ang blouse ko na napunit.

Kailangan kong maging matatag. Wala akong kakampi.

Bumalik na ako sa silid aralan. Bumungad sa'kin ang naka pamewang na si Shanah.

"Oh, sa'n ka naman galing? Tsaka anong nangyare sayo? Nakipag basag ulo ka ba? Ano? Dahil ba may ISANG mali ka sa exam?"

"Sorry, aalis na ako" kinuha ko na ang bag ko sa upuan. Aalis na sana ako nang bigla niyang hilahin ang buhok ko. Napa sigaw ako sa ginawa niya.

"Tama nga sila. Mayabang ka nga. Tsk, kala mo naman matalino. Ang yabang mo" inirapan niya ako.

"Ni minsan, hindi ako naging mayabang, Shanah," pag-tatanggol ko sa aking sarili.

"You are full of yourself, Siri. Wala ka namang kwentang kaibigan"

"Why call me 'walang kwentang kaibigan'? Kailan pa tayo naging mag kaibigan, Shanah? I don't remember considering you as my friend. As far as I remember, ginagamit mo lang ako para maka kopya." Totoo naman, hindi ko naman talaga siya kaibigan dahil wala akong kaibigan.

"Yabang mo ah, mamatay ka na sana!"

My chest tightened, hindi pa ba ako nasanay?

"Same wish" I answered. Sana nga mamatay nalang ako. Nakakapagod.

Sumakay na ako ng jeep pauwi. Pag bukas ko sa pinto ay sinalubong ako ng malakas na sampal gamit ang sanga ng bayabas. Napasigaw ako sa sakit. Tangina, lagi nalang.

"Ano itong nalaman ko, ha?! 49 ka sa math exam?!" Tinawagan nanaman siguro niya ang guro namin.

"Sorry po" napahawak ako sa magkabilang pisngi ko nang muli niya akong sampalin gamit ang sanga ng bayabas.

Iyak, sigaw at pag mamakaawa. Hindi ako pinakinggan. Puro pasa at sugat na ang katawan ko.

Ang hirap pag pinagkaitan ka ng mundo na maging masaya.

Ano kaya ang pakiramdam na maging masaya? Mararamdaman ko pa ba yun?

Haha, impossibleng ipaparamdam sa'kin ng mundo 'yan.

"Tangina, pinakain ka namin at binihisan! Wala kang kwenta! Mamatay ka na! Mamatay ka na! Wala kang kwenta! Ang bobo mo!" 

Binitawan ako ni papa at pumunta sa kusina. Nanlaki ang mga mata ko nang kumuha siya ng kutsliyo.

Tangina, hindi!

Tumakbo ako palabas ng bahay pero hinabol niya ako at sinabunutan. Naramdaman ko ang matulis na kamay na tumusok sa likuran ko. Napasigaw ako sa sakit at itinulak si papa—hindi ko siya papa! Isa siyang demonyo!

Nang maitulak ko siya ay tumakbo ako. Ramdam ko ang pag-agos ng aking dugo sa likuran.

Habang tumatakbo ay hindi ko napansin ang sasakyang sumalubong sa'kin. Hindi  na ako nakaiwas dahil sa bilis ng pag-takbo ko.

Hanggang sa naramdaman ko na tumilapon ako. Rinig ko ang pag tawag ng lalaki sa akin. Ngunit unti-unti nang dumilim ang paligid.

Eto na ba 'yun? Matutupad na ba ang hiling ko?

"Hoy Sirius, are you Sirius? 'di ka talaga gigising?"

Sa lahat ng taong may problema, huggies for you all. Sa lahat ng taong minamaltrato at inaabusado, I'm sorry, you don't deserve this kind of treatment. I hope someday magiging maayos din ang lahat. Find your freedom! Huggies for you all!

THIS STORY IS INSPIRED BY MY PERFECT YOU...

THANK YOU FOR READING. HOPE NA MATAPOS NIYO ANG STORY, FROM PROLOGUE TO EPILOGUE. BYE BYE! SEE YAH, SA NEXT CHAPTER!

✿Saneeel✿

Delusive DreamWhere stories live. Discover now