Chapter 1

948 18 5
                                    

Sinalubong ko ng mahigpit na yakap si daddy at mommy, pumasok na rin ako sa bahay kasama nila. It's been two days na wala sila rito sa bahay, may activity kasi sa isang lugar dito sa Cebu.

"How's the trip, dad?" I asked, nakakabit pa rin ang kamay ko sa isang braso niya. Si mommy naman ay kaagad na lumayo sa amin nang may tumawag sa phone niya, must be her client.

"Tiring, pero kaya pa para sa mga taong nangangailangan." He said that made my heart soften, this is what I love about my dad, he think about other people first before anything else.

Hindi siya katulad ng ibang nasa itaas na ginagamit ang posisyon para sa sariling kapangyarihan, hindi rin ginagalaw ni daddy ang mga pera na dumadaan sa kamay niya, lahat ng mga iyon ay napupunta sa tama. He's a fully package of two words, "green flag."

"How about you? how's school? nalaman ng mga kakilala namin na nag-aaral ka sa public school, they ask me why. Bakit nga ba, anak? why do you really want to study in that school?" He asked, mahina akong nagmura. Ito na naman kami.

"Dad, public school is public school and it doesn't mean that it couldn't give me a proper and standard quality of education. You knew exactly how good CNHS is, hindi kami nagpapahuli sa lahat ng mga activities; especially when it comes in competititon."

Huminga lamang si daddy ng malalim bago inilagay ang kamay sa aking balikat, nakita ko ang pagkaseryoso sa mga mata niya.

"Basta promise me one thing, you'll graduate as your batch valedictorian. You knew that your mommy is also a valedictorian when she's still in your time, at ako rin no'ng grade 10 ako. Do you still remember my average?" He asked, marahas akong lumunok habang dahan-dahan na tumatango.

"My mother graduated with 95.99 average, while my father graduated with 97.560 total average and in round off, you graduated with exactly in average of 98 percent." Lumabas ang masayang ngiti sa labi ng aking ama sa narinig, hinaplos niya ang buhok ko.

"And I want you to surpass me, you are my daughter. Your ate and kuyas' didn't really surpass that average, but I know you can. Make me proud of you, you are not Ameyth Solana Harrier for nothing." He says it again, my name was came from my late grandmother, the former secretary of DepED.

"I will, dad. I will make you proud," I said. Wala na siyang ibang sinabi, basta na lang siyang umalis sa harapan ko at tumungo sa kusina.

Huminga ako ng malalim sabay kagat sa ibabang labi, I know that my father is just being formal to me. Gusto niya lang na maging maganda ang future ko, and somehow kahit mahirap. . . kinakaya ko.

THE NEXT MORNING, hindi ko mapigilang mapakunot ng noo habang naglalakad sa loob ng campus. Lahat ng babae kasi ay may tatlong clip na sa right side ng buhok nila, they also have a cute hello kitty key chain.

What happened? are they all out of their mind?

I shook my head, tumungo na lang kaagad ako sa classroom namin. Himala rin na parang sobrang linis ng paligid, ang mga babaeng cleaners ay hindi naman naglilinis sa umaga, what happened?

"Hi, bhie! grabi talaga ang ibabalita ko sa'yo. Andami ng gumaya sa'yo!" balita ni Cyrez sa tabi ko, sa kabilang silya naman ay nakita ko si Klent at Jozy na kumaway sa akin. Hinila rin nila ang kanilang upuan para makalapit, what's with this people?

"What do you mean?" tanong ko sabay upo, inayos ko na rin ang bag ko sa gilid ng lamesa ko. Inilagay ko rin sa ilalim ng desk ko ang apat na notebook; which is the four subjects this morning.

Tumawa ng malakas si Klent, "ikaw talaga bakla! hindi ka updated. Eh diba nagpost iyong Dravis kahapon, ayon ginaya ka na nila para mapansin din ng Dravis." Kwento niya, alam kong hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa narinig.

Against the Barrier (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon