Chapter 11 ✍ -Love & Thorns

1.8K 72 9
                                    

Kassandra ✍



Kumawala agad ako sa halik at nakita ko siyang nagulat. He froze for a moment. He closed his eyes.


"This is the place where it all started." I answered.


"Oo, naalala ko na ang lahat." he answered.


Nagulat ako. He spoke in a FILIPINO LANGUAGE! Nawala na ba ang amnesia niya?


Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Gumaan ang loob ko. Parang nawala lahat ng bigat na pinapasan ko.


Mga tinik sa puso ko na bumabagabag sa akin ay nawala. Pero nagulat ako nang kumawala siya sa pagkakayakap ko.


Nagkaharap ang aming mga mata at parang may sinasabi ang kanyang mga mata.


"We're done." he said at tumalikod na papalayo. Bakit? Hindi ko siya maintindihan.


Gusto kong tumakbo at habulin siya. Pero bakit hindi ako makagalaw?


Patuloy na tumutulo ang mga luha sa mata ko habang ako'y nakaluhod sa buhangin ng dagat.


Hanggang sa nag-ring ang phone ko.


"KASS! PAPUNTA NA AKO!" sigaw ni Mish sa telepono.


"Ba-bakit mo nalaman?" my voice turned buzzy when I replied.


"Lucas called me." she answered. At binaba ko na ang phone.


Akala ko tapos na. Akala ko wala na. Pero bakit parang binabayaran ko pa rin ang lahat?


"Oh hija, bakit ka nandiyan? Pasok ka muna dun." pagtingala ko, si Lola Maricruz pala. Ang caretaker at chef ng resort. Nakilala ko rin kase siya nung camp days namin dito noon.


Tumulong ako sa kanya sa paghanda ng mga pagkain na ihahanda.


Inalalayan niya ako papasok sa napakaganda niyang bahay na nandito mismo sa resort. At inabutan niya ako ng tsaa.


"Oh heto, para kumalma ka. Ano bang nangyari sayo Kassandra?" tanong ni Lola Maricruz.


"Si Lucas po."sagot ko.


"Ah, yung lalaking pinupusuan mo noon? Ano na bang nangyari sa inyong dalawa?" sagot ni Lola.


Oo alam niya ..



FLASHBACK ✍


CAMP 2ND DAY.


After magconfess ni Lucas, hindi ko alam kung san ako pupunta. Pero nakita ko ang sarili kong umiiyak.


"Oh hija, bakit ka ba umiiyak? Halika, pasok ka sa bahay ko." sabi ng isang matanda pero napakagandang babae.


Sumunod nalang ako sa kanya at pinainom niya ako ng tsaa.


"Ako nga pala si Maricruz pero tawagin mo na akong Lola para marami na kayong mga apo ko. At tska maganda yang tsaa sa katawan at pampakalma. Bakit ka ba umiiyak? Napakaganda mo pa naman." pangiting sabi niya.


"May nagtapat po saken na mahal niya raw ako." sagot ko.


"At anong nangyari?"


"Sinabi ko pong wala akong gusto sa kanya parang binasted na po yung dating." sagot ko.


"Isa lang naman ang tanong diyan hija, hindi mo nga ba siya mahal o mahal mo siya pero may pumipigil lang sayong mahalin siya?" tanong ni Lola and I was left speechless.


"Alam ko na ang sagot mo, okay lang kahit hindi mo sabihin. May mga bagay talagang hindi kayang aminin ng isip natin na taliwas sa nararamdaman at laman ng puso natin." dagdag pa niya.


"Kayo po ba ang may-ari ng resort nato?" tanong ko.


"Caretaker at chef ako rito, heto nga't niluluto ko ang pagkain niyo." sagot niya.


"Tulungan ko na po kayo!" sabi ko.


"Sure, tuturuan kita ng mga sikreto sa pagluluto." sagot ni Lola Maricruz.


END OF FLASHBACK


Kinuwento ko sa kanya ang mga nangyari habang hindi pa dumadating si Mish.


"Isa lang masasabi ko sayo, hija. Huwag kang matakot magmahal, parti ng pagmamahal ang masaktan, normal lang yang. Mas matakot ka kung darating ang araw na wala ka nang maramdaman." payo ni Lola.



° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° °

FOLLOW ME ON INSTAGRAM: @edczn


No Compilations. || No Softcopies.


No part of this story may be reproduced, stored in a retieval system, or transmitted, in any form, or by any means, shall face the prior consequences. This story is purely fiction. This is just a mere and pure imagination of the author. Sorry if there are grammatical errors /typos.

Thank You ヅ and Godbless everyone and may the Lord be with you ✞

Chapter 11 ✍ -Love & Thorns

Date Published: June 1o, 2015

ALL RIGHTS RESERVED 2014.

Chasing Lucas Montreal (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon