One

2 1 0
                                    

Llein's POV

"Llein!!! Gumising kana! Malelate ka nanaman!!" Sigaw ni Mama mula sa kusina.

"Ma, yoko pumasok. Sakit ng ulo ko!" Inaantok kong sabi. Narinig kong bumukas ang pinto at pumasok si Mama.

"Ikaw kasi! Grade 10 ka palang na sama kana sa mga kuya mong mag inom! Sinabihan na kita diba Wag ka ng mag iinom!" Sermon nito sakin sabay pitik sa noo ko pero mahina lang.

"Ma naman, aga aga sinesermonan mona agad si Llein" Sabi ni kuya Lance na kakapasok lang sa kwarto ko. Naka uniform na siya at ready to go na.

"Isa kapa! Sabi ko wag nyong isama ang kapatid nyo diba!" Sermon ni Mama kay Kuya sabay batok dito.

Umupo sa kama si Kuya Lleon at nilagay ang palad sa noo't leeg ko "Di ka naman mainit. Masakit ba ulo mo?" Nag aalalang tanong niya. Tumango lang ako kasi ang sakit talaga!

"Wag ka nlng muna pumasok, Llein" Singit namn ni Kuya Lucas sabay upo sa tabi ni Kuya Lleon. Tumango nalang ako.

"Oh sige na, bababa na ako. Sumunod nalng kayong apat" Sabi ni mama tumango lang kami kaya bumaba na siya.

"Ikaw kasi nag yaya kapa eh!" Sabi ni Kuya Lance kay kuya Lleon sabay batok rito.

"Anong ako?! Ikaw yun!" Sabi ni kuya Lleon sabay batok rin kay kuya Lance.

"Tama na nga! Ang ingay nyo! natutulog si Llein oh!" Saway ni Kuya Lucas sa dalawa kaya tumigil sila.

"Kuya" Mahinang tawag to sa kanila, sabay silang tatlo lumingon sakin.

"Hmm?/Bakit?/Yes?" Sabay na sabi nila.
"Nagugutom ako" Naka nguso kong sabi.

"Hm? Dadalin ko nalng rito, wag kana tumayo" Naka ngiting sabi ni kuya Lleon. Naka ngiti akong tumango.

"Sus! Papa baby ka nanaman!" Angal ni Kuya Lance bago maka labas si kuya Lleon. Inirapan ko lang sya "Blehhh!!" Asar ko rito.

"Hays, kayo na nga lang mag ka mukha nag aaway pa kayo!" Natawang sabi ni kuya Lucas.

Parehas kaming umismid ni kuya Lance "Yuck!" Sigaw namin pareho. Nag tawanan naman kaming tatlo.

"Naka alis na si Mama" Sabi ni kuya Lleon at nilapag yung tray na may kanin, sinigang na hipon, at baso ng gatas.

"Aga naman? 7:04 palang eh" Sabi ni kuya Lance. "Ewan".

"Wala ba kayong pasok?" Tanong ni kuya Lucas.

"7:30 pa start ng klase namin" sagot ni kuya Lance "Same" Sabi ni kuya Lleon tumango lang si Kuya Lucas.

Ng natapos akong kumain ay bumaba na kami. Medyo nahihilo pako, oo.

Ako nga pala si Francis Llein Trinidad ang bunsong anak ni mama Lian Corpuz Trinidad at papa Franco Trinidad. 11 years old ako nung nawala si papa dahil naaksidente sya, ngayon mag 15 nako sa September 17. Si kuya Lucas ang panganay sumunod naman si kuya Lleon at kuya Lance. Astig ng mga pangalan namin noh? Galing kasi yan sa Wattpad.

22 na ang panganay namin mag 23 sa November 19, ang buong pangalan nya is Fuastin Lucas Trinidad. Kaka graduate nya lang last year ng college. Ngayon hinahandle na nya ang company na pinamana sakanya nina Tito Tyson, wala kasi syang anak. Kasabay nun ang pag aalaga nya samin at sa boyfriend nya. Si kuya Kio Dein Garcia, ka edad lang sya ni kuya Lleon actually mag cm nga sila eh.

Hey his mine, remember?Where stories live. Discover now