Chapter 62: Interesting Night

3.3K 92 8
                                    

XANDER'S POV

"Galit ba sila?"

"Hindi Llaniel, ayos lang sa kanila. Salamat at ibinuwis mo pa ang tiwala sayo nina Dad para sakin." napapailing kong saad.

"Mabuti naman, alam kong maiintindihan din nila. Hindi ko lang sigurado kung ipapawalang bisa nila ang adoption papers." natatawa nyang saad.

"Hindi ganun sina Mama, sigurado akong kapatid parin kita sa mga susunod na taon." pabiro kong saad.

"Nga pala Kenneth, aalis muna ako dito habang hindi pa ganun ka ganda ang atmosphere namin ng Dad mo. Nagbook si Darzy ng tickets papuntang ibang bansa."

"Alam na ba nila ito?"

Umiling sya at medyo tumungo.

"Mag-enjoy kayo. Wag mong alalahanin si Dad, nagkasundo kami dahil sa pagsawsaw mo sa usapan namin kahapon. Malaki ang naging tulong mo Llaniel." paliwanag ko pa dito para sumaya naman sya. Parang sinisisi nya kasi ang sarili nya.

Ngumiti nanaman sya pero kita kong nagaalala parin sya sa consequences ng pagbubunyag ng isang sekreto.

"Nakausap ko nga pala yung si Aihra Bianca, handa na syang bigyan ng pagsubok si Elaine."

Nagulat ako sa sinabi nya.

"Nahuli ko siya sa labas ng bahay at pinagtangkaan ko pa sya na tantanan nya ang pagkapit sayo pero pursigido syang manatiling Gangster Princess. Bantayan mo si Elaine, maduming makipaglaro yung Aihra na iyon."

"Sasabihan ko na rin sina Tito Jhanver tungkol dito."

"May training ba si Elaine kasama sina Tito?"

Tumango ako at nagtaka dahil parang matagal na nyang kilala ang dad ni Elaine. Nalala kong sila sila nga pala ay magkakasama sa pagtago sa mga world terrorist na balak silang patayin.

Pumasok na ako sa bahay nina Elaine matapos makapagpaalam ni Llaniel. Seryoso namang kumaway saakin si Darzy na pinagmamaneho si Llaniel Lara.

ELAINE'S POV

Nakahiga ako sa kama at pilit pinagdugtong dugtong ang mga pagyayari sa aking isipan.

"YAAH!!----ginulat mo naman ako." natatawa kong saad matapos gulatin ni Xander sa bigla nyang pagtalon aa kama.

"Magugulatin ka ata ngayon?"

"Wala lang, iba lang siguro ang awareness ko ngayon sa paligid."

"Dahil sa training nyo ng Dad mo?"

Tumango na lamang ako at pinikit muli ang mga mata ko.

"Ang lamig dito, hinaan mo naman ang aircon mo."

"Yan ang normal na temperature na gusto ko." simangot kong saad sa kanya.

Ngumiti lang sya at kinalikot ang phone nya.

"Busy ka tonight xandersarang tama?"

"Paano mo naman nasabi?"

"Narinig ko kay Angela na may pinaghahandaan kayo."

Sandali syang nanahimik ay iniwas ang tingin. Classified Gang Leaders Issues?

"Gang issues."

Tumango na lamang ako at niyakap sya.

"Kumilos kana. Asikasuhin mo na yun. Ayokong makain ko ang oras mo para sa MSG. Maraming nakasalalay sa pagpapatakbo mo ng gang, kaya intindihin mo yun."

Black Star (Street Racer Princess)Where stories live. Discover now