Opus Twenty ♪: I don't need Explanations

1.2K 48 1
                                    

♪♥- OPUS TWENTY -♥♪

[I don't need Explanations]

{ A/N: Heyyah, readers! ^-^v Sorry kung ngayon lang ako nakapag-update. Medyo super duper uber busy talaga ako guys dahil last month, May 4-10 ay nasa Cagayan de Oro ako dahil nag-auditon po ako sa Korean Icon Search (KISPINOY) kaya hindi ako na-kapag-update nung time na 'yon.

PS. Sino 'yung nag-audition sa SM Cagayan de Oro sa KISPINOY nung May 7? Ako po 'yung contestant #15. 'Yung nakaputing cocktail at may white roses sa buhok na kumanta ng "Rose" ni Lee Hi. Ako po 'yun guys! xD

At isa pa, tapos ilang weeks rin ako medyo sakitin. Kung hindi naman kasi ako inuubo, nilalagnat ako. Grabe nga eh, suki ako ng sakit. >.> oh, well... at since medyo matagal-tagal akong 'di nakapag-update, double updating ang gagawin ko simula ngayon. O, 'di ba bongga? xD Btw, sana po magustuhan n'yo ang chapter na 'to. ^_^ So, yeah, I'll shut up now! Hihi~ XD }

[Naomi's P.O.V.]

"ANO?! ISA SA KANILA ANG NAGING NOBYO MO?! NABABALIW KA NA BA, NAOMI?!" bungad sa'kin ni Iya and honestly, nabingi ako sa ginawa n'ya.

Geez... pwede naman kasing 'wag n'yang isigaw eh. Hindi naman kasi ako bingi.Tae talaga. Kaya nga minsan ayoko talagang magkwento sa kanya ng mga bagay-bagay. Nakakairita s'yang kausap eh. >_>

"Teka nga Iya, 'di mo naman kelangang sigawan ako eh. Naririnig ko naman ang gusto mong sabihin tsaka 'wag kang sumigaw." -_- sabi ko.

"Ehehehe. Sensya naman Naomi." She said as she give me some nestea.

By the way, nasa bahay n'ya ako dahil sinadya ko ring bumisita sa kanya since weekend naman at para ikwento na rin sa kanya ang nangyari sa'kin this past few days. Yes it's not my thing na magkwento but she deserves to know. Tutal, s'ya rin naman ang naging dahilan para pumasok ako sa M.A.

"Eh teka, 'di ba sabi mo ayaw mo sa RoHam Princes? Pero bakit naging isa sa kanila ang naging boyfriend mo? End of the world na ba? Wait, so you mean chill chill na kayo ng mga 'yun?" tanong n'ya sabay kain ng cookies.

"No, not really. Na-misunderstand nga s'ya ng mga kaibigan n'ya dahil do'n... lalung-lalo na ang leader nila nung malaman 'yun. Ni hindi nga kami pina-explain na wala talagang namamagitan sa'min and it's just a deal." sabi ko sabay inom nung nestea.

"ANO?! DEAL LANG 'YON?!" muntik ko pang mabuga sa kanya ang iniinom kong nestea. Buti nalang napigilan ko ang sarili ko. I glared at her. "Ahehe~ sorry Naomi~ nagulat lang ako. ^_^v Pero teka, ano'ng deal? Paki-explain nga? Wala akong maintindihan eh."

So, ayun, ikinwento ko sa kanya ang 5 days relationship deal namin ni Derrick. "Ahh~ so ganun pala~ dapat kang magpanggap na girlfriend n'ya para layuan na s'ya nung fiancée n'ya at para may maipakilala s'yang girlfriend sa mama n'ya para 'di matuloy ang kasal nila nung fiancée n'ya. Okay, okay. Malinaw na. Gets ko na."

"Buti naman malinaw na sa'yo. >_>" sabi ko.

"Matalino kaya ako noh?" She pouted. At talagang nagmalaki pa ah? (¬_¬) "Pero, kahit deal lang 'yun, 'di ka parin ligtas sa mga fangirls nila. Malamang kung mahilig ka lang talaga sa social networking sites, for sure bash ka na nila."

"Bina-bash na nga ako sa school eh. How much more kung social media na. (¬_¬)" sabi ko sabay inom ng nestea.

Napangiwi s'ya. "Ehh~"

Napatingin nalang ako sa baso ko. "I think, kelangan kong mag-explain sa kanya."

"Huh? Kanino?" tanong n'ya.

"Sa leader nilang si Julian. Ilang araw ring hindi niya kinakausap si Derrick. Ayaw naman kasi n'yang pakinggan ang explanation ni Derrick kaya ako nalang ang mag-e-explain para 'di masira ang tiwala ng RoHam Princes sa kanya." I answered.

Romance of a Cold DoReMi [UNDER MAJOR, MAJOR CONSTRUCTION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon