Chapter 3: International School

1 0 0
                                    

Amaria


TW: Mental Disorder



"Kapagod,"



Francia slumped on my bed as we finished putting most of my things inside my room and organizing it.



Apparently, this house is much bigger than I thought. It has 2 bedrooms downstairs and 5 upstairs. Mine was upstairs and next to it was Matthew's. Katabi naman nito ang kay Francia na unang kwarto pag-akyat ng second floor.



Isang bedroom sa baba ang kayna Tito Fred at ang isa naman ay para na kayna Mama. Ang natitirang dalawang bedroom sa taas ay bakante na.



This was not the house we used to lived in back then when I was in kindergarten. Sa pagkakatanda ko, bakanteng lote pa ang kinatatayuan ng bahay na ito noon. Nasa likod naman nito ang bahay na tinirhan namin dati ngunit ngayon ay ginawa na lang daw na guest house.



Inayos ko ang pagkakalagay ng mga libro sa study desk ko. May built-in mini book shelves ito na pinasadya talaga namin ipagawa dahil mahilig ako sa libro.



Hindi pa ako nakontento at pinantay ang pagkakatapat ng mga libro na nandito.



"Grabe, sobrang organize mo naman. May OCD ka?"



Napatingin ako kay Francia na ngayon ay nakaupo na sa kama. Simula nang dumating kami kaninang umaga, halos siya lang ang nagkukwento dahil hindi naman ako makasabay sa pagiging madaldal niya. Sa tuwing magsasalita na ako ay mayroon ulit siyang panibagong sasabihin.



"Dati, pero ngayon I think habit na lang 'yung pagiging organized ko. Hirap alisin eh."



It's true that I have Obsessive Compulsive Disorder back then. It is a personality condition distinguished by excessive orderliness, perfectionism, attention to detail, and a demand for control in interpersonal relationships. Minsan nga sa sobrang lala eh pinagalitan pa ako ng teacher namin noong junior high school dahil paulit-ulit kong pinapatay-sindi ang switch ng ilaw dahil lang sa hindi ako satisfied kung paano ko ito in-off.



"Sabagay, old habits die hard," tumayo siya mula sa kama. "Tara meryenda muna tayo. 5 na rin naman eh."



Tumango ako saka kami lumabas ng kwarto. Nasa baba na si Matthew dahil natapos agad niya ang paglagay ng gamit sa kwarto niya. Tinulungan kasi siya ni Mama.



Habang kumakain ng ensaymada ay nabanggit ni Francia ang enrollment.

Undreamed Life (Life Series #1)Where stories live. Discover now