♪ •₊˚ first chapter

8 0 0
                                    

A week had passed, walang bago paulit-ulit pa 'rin ang takbo ng buhay ko. Nakaka-pagod. Pero hindi naman ako pwedeng basta nalang sumuko, ngayong nadagdagan nanaman ako ng panibagong mga responsibilidad.

Pag-aalaga kay mama.

Utang at mga bayarin.

Tuluyan ng hindi umuwi si papa, although andito pa 'rin ang mga damit at gamit niya. At ngayong sinukuan na niya kami, sa akin napunta lahat ng mga dapat ay kaniya. Hindi ko alam kung papaano pagkakasayahin ang anim na libong pensyon ni mama sa mga gastusin sa loob ng isang buwan.

Ang hirap 'pag ako lang mag-isa lahat. Wala akong maaasahan kundi ang sarili, hindi ko naman pwedeng hingian ng tulong sila ate Denise dahil miski sila ay hirap sa buhay.

"Pasensya ka na Harana, wala talaga akong maipapahiram sa iyo ngayon." Napabuntong hininga ako ng malalim, pang-ilang tindahan ko na 'ba ito ngayon? Nagbabakasakali kasi akong makahiram kahit magkano, kaso ay walang may gustong magpahiram sa akin.

Wala kaming pagkain ni mama, ni bigas ay wala. Naubos na iyong stock na binili ko last month, at talagang said ang pera ko. Apat na araw na akong hindi nakakapasok sa school, dahil bukod sa wala na akong pera ay hindi ko 'rin maiwan si mama, lumalala na naman kasi ang pagwawala niya.

Tanginang buhay to.

Bigo akong naglakad pabalik sa bahay, sa akin ay okay lang na hindi kumain dahil sanay na 'rin naman ako. Ang iniisip ko ay si mama nagwawala kasi siya minsan 'pag hindi nakakakain.

"Putangina niyo! Bitiwan niyo ko! Pagkain ang gusto ko, hindi ang mga pangit niyong mukha! Hayop! Kung andito lang sana ang anak ko." Nanlaki ang mga mata ko ng makita si mama kasama ang ilang tanod, may ilang mga chismosang kapitbahay ang nakiki-usisa sa nangyayari. Nakita ko 'rin si Aleng Nanet iyong kalapit ng bahay namin.

"M-ma. . ." Hindi ito tumingin sa akin. "Ano pong nangyayari?" Tanong ko ng makalapit sa kanila.

"Hay naku! Harana, bakit 'ba hindi mo pa ipa-mental iyang mama mo?! Tignan mo ang ginawa sa bintana ko! Bayaran ninyo 'yan!" Nanghihina ang mga tuhod na napabaling ako sa ngayo'y basag na bintana ng kapitbahay.

Bagong bayarin nanaman.

"Ako na po ang bahala sa mama ko." Padabog na pumasok si mama, binigyan ko naman ng nahihiyang tingin ang mga nanonood pati ang mga tanod.

Hindi ko na naabutan si mama 'pag pasok ko sa loob. Napahimas ako sa sentido bago umupo sa sofa, hindi ko na talaga alam ang gagawin. Paano ko ngayon mababayaran iyong bintana ni Aling Nanet?! Ni wala nga akong pera.

Kinagabihan ay niluto ko iyong isang pirasong noodles na natitira, nanghingi nalang ako ng kaunting kanin kila ate Denise.

Tatlong beses akong kumatok sa pinto ng kwarto ni mama bago ilapag ang pagkain doon. Kumalam ang sikmura ko ng muling maamoy ang noodles pero wala akong pakialam doon. Si mama muna ang papakainin ko, 'mas kailangan niya iyon.

Sumapit ang umaga na hindi ako nakatulog, iniisip ko pa 'rin kung saan ko kakamutin ang mga bayarin para sa buwang ito. Miski piso ay wala ako, pati iyong savings na tinitipid ko ay naubos na 'rin.

"Harana!" Kimi akong ngumiti kay ate Denise, medyo malaki na iyong tiyan niya. May dala siyang mangkok na sa tingin ko ay ulam ang laman, ng tumingin ako sa lumang wall clock ay pasado alas-dose na pala.

"Nagluto ako ng ulam, tara kumain ka na. Hinatidan ko na si tita sa taas kanina, tulog ka pa ata." Gusto ko sana sabihin na hindi ako nakatulog pero naagaw ng mabangong amoy ng sinigang ang atensyon ko.

"Salamat ate."

Magana akong kumain, sinimot ko hanggang huling butil ng kanin dahil alam kong matagal pa bago ulit ako makakain ng ganito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Serenades Silence Where stories live. Discover now