05: Leyna

8 0 0
                                    

gleaming city lights chapter 5— Leyna

˚ ⭒ ✧ ࣪ ༉ ˚

"Hi there, gorgeous." Flame smiled flirtatiously at me. Nakita ko naman ang kanyang kapatid at mga kaibigan sa likod niya. Nasa national book store kami ni Leyna nang lumapit si Flame sa'kin. Today's Thursday, my fourth day studying in LEGASCI.

"Hello po. Nandito rin po pala kayo," Napayuko ako, nahihiya. Nakatingin na kasi sa'kin ang mga kaibigan niya. I felt shy because of their stares.

Karamihan sa kaibigan niya ay babae at dalawa namang lalaki. I saw a familiar girl with them. Siya iyong Icy. May hawak siyang malalaking paperbags sa magkabilang kamay. Blonde ang kanyang buhok na wavy ay naka-sunglasses pa siya. She looks like Barbie. Ang ganda ganda niya.

"Uy, Flame ha. Sasapakin kita, namo," Leyna glared at Flame. Tumawa lamang si Flame at ginulo ang buhok ng kaibigan ko.

"I just want to know her name. Are you jealous, Leyna baby?"

"Mama mo jealous," umikot lang ang mata ni Leyna. "Halika na nga beshy ko!" Hahatakin na sana ako ni Leyna nang pigilan ni Flame ang kamay ko.

"Tell me your name, pretty girl." Flame smiled at me.

"Uh..." Tumingin ako kay Leyna pero bumuntong-hininga nalang siya at sinabing sagutin ko nalang daw para tumigil na si Flame. "I'm Firstia Soleil po,"

"Firstia? What a sexy name you have. Can I also get your number,"

"Tangina mo talaga, Apoy! Nag-aapoy na ako sa galit sa'yo ah!" Leyna looked really annoyed. Hinatak na niya ako at tumakbo kami palabas ng store. May narinig akong nahulog pero hindi ko nakita dahil sa bilis ng lakad ni Leyna. "Hay, salamat naman at hindi sumunod ang gagong yun!"

"Leyna... my wrist,"

Napatingin siya doon at agad akong binitawan. "Sorry, beshy ko. Ayoko lang talaga na i-entertain mo yung Flame na 'yun. Ayokong masali ka sa mga babaeng sinaktan niya. Sorry, mukha na akong obsessed friend sayo,"

"It's fine," ngumiti ako. She also smiled back before hugging me.

"Hey,"

Sabay kaming napatingin sa likod at nakita si Frost, ang kakambal ni Flame, na palapit sa amin. Hinila naman ako ni Leyna sa likuran niya, pinoprotektahan ako kay Frost.

"Please lang, Frost. Ayokong madamay ang best friend ko sainyo," sabi ni Leyna.

"No, I'm not here to get her number on my brother's behalf. I'm here to return this," Ipinakita ni Frost ang keychain ko na ang design ay Mayon Volcano. "It fell when you two ran away."

"Hala... salamat po." Kinuha ko iyon sa kanya. This keychain is important to me. Regalo ito sa akin ni Papa noong magpunta siya rito sa Legazpi. Ayokong mawala ito.

"Thank you, Frost. Buti ka pa mabait! Hay nako, pagsabihan mo nga yang kakambal mo na wag nang guluhin itong beshy ko," Leyna crossed her arms. "Sabihin mo kamo na makakatikim talaga siya ng sapak left and right sa'kin."

"Okay. I'll tell him." Tumingin siya sa'kin at bahagyang ngumiti bako siya tumalikod at umalis.

"Hay, punta na tayo sa bahay?" Tanong ni Leyna sa'kin. "Doon nalang natin gawin yung sa Earth Sci."

Tumango naman ako at umalis na kami sa mall. Tinawagan ni Leyna iyong driver daw nila pero hindi ito sumagot kaya nag-commute nalang kami papunta sa kanila. Their house is at Daraga, halos isang oras ang byahe ng jeep mula sa LEGASCI na katabi lang ng SM.

"Dito na po ako!" Leyna announced when we went inside their house. Malaki ang bahay nila at modern ang disenyo. Lumapit lang sa'min ang helpers at kinuha ang mga gamit ni Leyna para tulungan siya. She said her parents are at work. Dumeretso nalang kami sa kanyang kwarto.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Gleaming City LightsWhere stories live. Discover now