Chapter 34

322 6 0
                                    

"Babies h'wag kayong maingay ha tulog pa ang mommy nyo baka magising sya kaya behave lang kayo."

Pagkamulat ko ng mata ay nakita ko si Callum na kinakausap ang mga anak namin gamit ang maliit nyang boses.

"Gising na pala si mommy nyo."

Nangning-ning ang mga mata ko pag ka kita sa kanila.

Isang babae at isang lalaki ang anak namin. Hindi ko akalain na kambal pala ang anak namin dahil noong nag pa ultra sound ako ay isa lang ang nakita ko sa monitor.

"Ano pong pangalan ng mga babies nyo ma'am and sir?" tanong ng kakapasok lang na nurse.

Hindi ko napag handaan ang pangalan ng lalaki namin anak dahil hindi ko naman alam na dalawa pa la ang baby namin.

"Yaena Calleigh Rizer po at Rein Dale Rizer."

"Ang gandang pangalan parang yung mga baby nyo."

Hahawakan sana ng nurse ang mga baby namin pero nilayo sila ni Callum.

"Don't touch my babies you are not my wife." masungit nitong sabi.

"Sorry po ang cute po kasi nila."

"Of course kamukha sila ng mommy nila."

Haysst kahit kailan talaga.

"Ang ganda ng pangalan nila."

"Of course ako ang nagpangalan eh, galing iyon sa combination ng pangalan natin yung Rein naman kinuha ko sa pangalan mo."

Ito na ang pinaka masayang araw sa buong buhay ko.

Nakalabas na din kami ng hospital.

"Grabe kasing pogi ko si Callum liit." sabi ni Waze habang hawak si Rein.

Ayaw sana ibigay ni Callum si Rein kay Waze kaso si Rein mismo ang gustong sumama kay Waze.

Si Calleigh naman ay hawak ni kuya.

"Bat ganon ang daya kamukha din sya ni Callum." sabi ni kuya habang tinitingnan si Calleigh na sinusubo ang daliri nito.

Ang unfair nga eh ako ang nagdala sa kanila sa loob ng syam na buwan tapos si Callum lang ang kamukha.

"Sigurado ka bang anak mo talaga ito?" biro ni Waze.

"Tumahimik ka kung ayaw mong ilibing kita ng buhay." inis kong sabi.

Masayang-masaya ako dahil binigyan ako ng dalawang cute na anak.

Umiyak na si Calleigh. Alam kong gutom na ito dahil hindi pa ito dumedede mag mula kaninang umaga.

Kinuha ko sya kay kuya.

Tataas ko na sana ang damit ko ng pigilan ako ni Callum.

"Baka gusto nyong mag si alis?" maotoridad na sabi nito.

Nakalimutan ko na nandito pala sila.

Pagkalis nila ay pina dede ko na si Calleigh umiyak din si Rein habang naka tingin kay Calleigh na dumedede.

Babysitting The Billionaires Daughter (COMPLETED) Where stories live. Discover now