6:45 [One-Shot]

605 29 15
                                    

This is my fiiirst one-shot! Hahaha! YAAAAAY! Hope suportahan niyo ang mga one-shot ko, kasi sinasabi ko na, marami pang darating. Hahaha. One-shot compilation ang magiging peg ko. Wahaha! Thanks for clicking on this story guys. Hahaha. Kahit click niyo lang. Dejoke. :D God bless! :)

PS. Eya! Para sayo 'to! Tignan mo yung picture sa gilid. Chosera! Wahahaha! :P

BASA! Vote. Comment. <3

----------------

Ang tanong ng Nescafe, “Para kanino ka bumabangon?

Eh ang tanong, bumabangon ka ba talaga? Tumatayo ka na ba sa higaan mo oras na marinig mo ang alarm clock? O kailangan ka pang kaladkarin palabas ng kwarto mo?

Problema naman kasi ng lahat ang paggising sa umaga. Lalo na ‘pag pasukan.

Ang hirap bumangon. Ang hirap gumalaw. DIBA?!

Pero simula nung makita ko siya, araw-araw na akong agad na bumabangon ‘pag nag-ring na ang alarm clock ko.

Araw-araw na akong exactly 15 minutes na naliligo.

Araw-araw na akong prepared in 12 minutes flat.

Araw-araw akong kumakain ng breakfast in exactly 8 minutes.

At eksaktong 6:30, nakalabas na ako ng bahay at naglalakad na papunta sa sakayan ng jeep.

Bakit kamo?

Kasi at exactly 6:45 AM, right in front of my very eyes, lumalabas siya sa bahay nila, sumasakay siya kotse niya kasama ang mga kapatid niya, at umaalis.

Umaga palang, buo na ang araw ko! >//////< KYAAAAAHH!

Sino siya?

Tinatawag ko siyang Mits. Hahaha. Mitsubishi kasi yung sasakyan niya ehh. Wahahaha! Mits = Mitsubishi.

Sa totoo lang, ‘di ko alam kung anong pangalan niya. Basta ang alam ko, sooobrang gwapo niya! As in! At every school day ko siyang nakikita.

Monday to Friday, eksaktong 6:45 AM, nakikita ko siya.

Aalalayan niya yung mga kapatid niya sa pagsakay sa kotse. At saka naman siya uupo sa driver’s seat at lalarga.

Every day, ‘di ko man sadyain, pinapanood siya ng precious eyes ko.

Unang beses ko palang kasi siyang nakita, ang una kong naisip, “Wow.”

Eh sa ang gwapo ehh! Kyaaaahh! Graaabe! >/////<

Feeling ko inlove na ako sakanya! (●♡∀♡)

Oo, alam kong iniisip niyong ang babaw naman ng rason para sabihin kong inlove ako. Porket gwapo siya, inlove na inlove na ako?!

Syempre hinde!

Sa totoo lang, habang pinapanood siya uma-umaga, marami akong nalalaman tungkol sakanya.

Alam kong halos magkasing-edad lang kami. Alam ko kung saan siya nag-aaral. *taas-baba ang kilay* Hihihi. :””> I know na maalaga siya at very thoughtful. Alam kong mahilig siya sa mga bata. Alam kong may pagka-playful/kwela siya. At alam ko din na masayahin siyang tao.

Ohdiba?! Hahaha!

‘Wag niyo nang itanong kung paano ko nalaman. At oo, para akong stalker sa mga pinagsasabi ko. Pero at least alam niyo na kung bakit Psychology ang kukunin kong course sa college. Wahahaha!

Anyway, back to my Mits. Hahaha.

Hindi lang sa kagwapuhan ako naiinlove ehh! Pati sa personality niya. At eto pa, PAMATAY ANG NGITI NIYA! Kyaaaaaahhh! >/////<

6:45 [One-Shot]Where stories live. Discover now